Chapter 8: I'm his Personal Maid

13 3 0
                                    

Jane's P.O.V

Hay MJ!!! Kabago bago mo palpak ka na naman =_=.

"Jane anong nangyari?" Napalingon ako sa nagsalita.

"Tit--- Kuya natapunan ko ng juice si Ma'am Pauline 😔" sabi ko kay Tito Earl.

"Si Pau? Haha hayaan mo na yon ganun talaga kaarte yon." sabi ni Tito.

"Eh? Baka matanggal naman ako sa trabaho :3" sabi ko kay Tito.

"Hindi yan ano ka ba malapit na ang pasukan matatanggal ka pa ba nila?" Sagot nya.

"Ano naman ang connect nun?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre ang alam ni Ma'am Cecilia nagtatrabaho ka at since nasa ibang bansa na sya after ng paghatid namin sa manila ng mga bata daretso alis na sya.... At ikaw naman.... Mag aaral ka na ulit ☺️ hindi mo na kailangan mag stop 😊" sabi nya sakin.

"Jane? Pwede mo ba ako tulungang maglinis ng bahay?" Sabi sakin ni Nanay Romina.

"Ah cge po nay tara na 😊" sabi ko at iniwan na si Tito sa garden...

Nang makapasok na kami sa loob inutos sa akin ni Nanay Romina na linisin ko daw ang second floor at yung 4 na guest room sa taas.

"Hey 😁" medyo napatigil ako sa pag aayos ng kama at lumingon sa nagsalita.

"Uy Jason 😃" bati ko tapos pinagpatuloy na ang pag aayos ng kama.

"Dapat may 'Sir' o 'Senyorito' yun di ba?" Tanong nya habang naupo sa doon sa sofa.

"Hahaha oo nga no.. pasensya na po SENYORITO JASON... Hahahahaha" sabi ko at diniin ko talaga yung 'Senyorito' habang inaayos ko naman ang mga punda ng unan.

"Hahaha wag na pala naiilang ako hahaha." sagot nya kaya nagtatawanan kami.

"Hoy chimay!" Napalingon kami ni Jason sa nagsalita.

"Hindi kita kinuhang personal maid para lang makipagtawanan sa step-brother ko! Hahaha akin ka lang ha?" Sabi ni Robbie na nakasandal sa pinto at nakasando lang at board shorts.

Nakangisi sya at umalis na nang kwarto.

"Panira talaga sya." bulong na sabi ni Jason hindi ko na lang pinansin.

"Step-brother?" Napatanong na lang ako sa kanya.

"Ah wag mo na lang intindihin yon." sabi ni Jason at umalis ng kwarto.

Wow ha? Ang gandang sagot ata yon 😤

Hayyyyyy!!!! Sa wakas natapos ng maglinis!!! Pahinga na lang ako dito sa Maids Quarter hahahaha.

"Hoy MJ!" Sabi nung nagsalita.

"Ay kalabaw!" Sabi ko at lumingon sa nagsalita.

"Wow ha? Ang pogi kong kalabaw!" Sabi ni Tito Earl.

"Tito naman eh!!! Pahiga na ako oh! Konti na lang beauty rest na sana! 😖" sabi ko sa kanya.

"Hinaan mo nga yang boses mo sasapatusin na kita mag ayos ka! Pupunta tayo sa munisipyo." sabi ni Tito Earl kaya tumango lang ako at kumuha na ng damit sa bag at nilock na ang pinto at nag ready na umalis hahaha.

Pinuntahan ko si Tito sa garden malapit sa pool kasi alam kong nandon lang sya parati nililinis ang baril nya.

"Tito tara na! 😁" sabi ko kaya tumayo sya tapos niligpit yung baril nya, pagkalapit na pagkalapit sa amin bigla ba naman akong kinotosan 😖.

"Aray ko naman! Bakit nanaman ba?!" Malakas kong tanong sa kanya.

"Sabi ko 'kuya' ang itawag mo sakin dito sa loob ng hacienda lalo na pag may tao! Kulit mo rin ano?" Sabi sa akin ni Tito Earl.

"Oh sorry na halika na kasi para makapag pahinga na ako hahaha" sabi ko.

"Kuya Earl aalis kayo?" Tanong ni Robbie kasi nasalubong namin sya.

"Ah oo sa munisipyo ihahanp ko ng scholarship si Jane 😁" sagot ni tito.

"Ah hatid ko na kayo 😄 may pag uusapan kami ni Mayor din eh 😊" sabi ni Robbie.

"Ah sige tara na ☺️" sabi ni tito, hello natameme na po ako dito hahahaha.

Pagkasakay na pagkasakay namin sa kotse nya na Matte Black Audi R8 pano ko nalaman? Pano kanina pa nya sinasabi yung pangalan pati nga presyo sinasabi nya eh 😡 kakainis.

"Ikaw kuya Earl ha may affair ka na kasama si Jane sumbong kita sa asawa mo! Hahahaha" sabi ni Robbie.

"Sira ka talaga young master! Hahaha tinutulungan ko lang si Jane yun lang yon 😆" sagot ni Tito.

"Young master nanaman? Hahaha kuya Earl malaki na ako boss na lang hahahaha." sabi nya.

"Okay boss Robbie." sabi ni tito and again tahimik pa din ako dito sa back seat.

At sa wakas nakarating na kami dito sa munisipyo, sabi ni Tito may kakilala na daw sya na magbibigay na sakin ng scholarship sa dati kong University.

"Kuya Earl san ba kayo? Samahan ko na muna kayo wala pa daw si mayor." sabi ni Robbie.

"Nako Robbie wag antayin mo na lang si Mayor kukunin lang namin ang certificate nya." sagot ni Tito.

"Ang init dito sa labas alam nyo yon? Ti---Kuya pakibilis naman oh." sabi ko, wieeh!!! Muntik na patay ako nito pag uwi 😖.

Nagpaalam na si Robbie dahil nakita na nya ang kotse ni Mayor, kaya pumasok na din kami pero sa back door tapos may isnag bakanteng office na pinasukan namin ni Tito.

"Tito sino ba ang magbibigay sakin ng scholarship?" Tanong ko, curious lang kasi ang bilis makahanap ng sponsor eh hahaha.

"Basta hahaha dapat sumunod ka lang sa lahat ng utos nya okay?" Sabi nya sa akin habang nakaupo sa sofa sa loob ng office, tumango na lang ako bilang sagot at kinuting-ting ang phone ko hahaha, after ilang minutes dumating na din yung magbibigay ata sakin ng scholarship.

"Mr.Odonez? Right?" Tanong nung babae.

"Yes, si Ma'am Amilia wala?" Tanong ni Tito, mukhang sya nga ang magbibigay ng scholarship, pero sino si Amilia? Hahaha matanong ba? Sorry na po 😁😁😁.

"Meeting sa Cebu, pero eto na ang scholarship ng pamangkin mo basta sumunod lang sya sa isang rule ni Ma'am Amilia." sabi nung babae at inabot na yung envelope kay Tito.

"Anong rule po iyon?" Hindi ko na maiwasang hindi makapagsalita.

"Follow your heart." yun lang ang sinabi nung babae, taray!!!! Ang landi naman ng rule na yon hahahahahaha.

After ng ilang oras na pag uusap lumabas na kami at sumakay na ulit sa kotse ni Robbie kasi inantay nya kami at ayun inaasar nya ako ng inaasar sa daan 😑 bahala sya basta ako nagsoundtrip na lang full volume pa hahahaha 😏

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon