Chapter 6: Why am I here?

19 3 0
                                    

Jane's P.O.V

Arrrghhh!!!! Buisit talaga yung lalaking yon =_= arogante na nga bastos pa at manyak pa!!!! Ninakaw nya ang first kiss ko |( ̄3 ̄)| nakakainis talaga.

Nagtataka ba kayo dito kung bakit ako napunta dito? Gusto nyo flashback? Hahaha xD

*Flashback*

Nagtext na si tita nandito pa ako sa La Aplaya, may bisita daw kami kaya hindi naman siguro ako mapapagalitan.

"Lenard, nagtext na si tita kailangan ko na makauwi." sabi ko sa kanya kasi nagtatampisaw kami sa dalampasigan.

"Ah ganun ba? Osige tara na 😄 sabihin na natin kay Jason 😊" sabi nya.

"Lenard wala si Jason oh" sabi ko sabay turo sa isang cottage kung saan dapat sya nakaupo.

"Halika hanapin na natin dito sa Resort." Sabi nya kaya tumango na lang ako at naglakad na kami para mahanap si Jason dito sa Resort.

We were on our way sa pool side ng makita naming naglalakad si Jason na papunta sa direksyon namin.

"Dude sa ka ba nang galing?" Sabi ni Lenard.

"Sa Pool Side lang bakit? May problema ba?" Tanong nya, hindi na ako makapagsalita sa dalawang to nahihilo na din ako.

"Iuwi na natin si Jane tumawag na ang Tita nya dalian na natin." sabi ni Lenard, kaya nagmadali na kami pumunta sa sasakyan, pagabi na din kasi.

Nang makarating na kami sa bahay sabi ko sa kanila wag na sila bumaba kasi baka mapagalitan ako tumango na lang sila kaya bumaba na ako at pumasok na sa gate at sa bahay.

"Nanay Romina 😀 ano pong ginagawa nyo dito? Kamusta na po kayo?" Bati ko sa kanya, nandito na kasi kami ngayon sa sala.

"Okay naman ako Jane ☺️ gusto mo magtrabaho sa amin hindi ba?" Sabi ni Nanay Romina.

"Ahh opo may bakante na po ba? Hahaha" tanong ko.

"MJ hindi! Dito ka lang ako ang magtatrabaho kayla Nanay Romina." napalingon kami kasi nandito na si Tita sa sala may dalang pagkain.

"Pumasok ka na muna sa kwarto mo at mag uusap lang kami." sabi ni tita.

"Ah sige po tita, sige po Nanay sa kwarto lang po muna ako." paalam ko sa kanila, pumasok na din ako agad sa kwarto ko pero nakaawang ng konti ang pintuan ko para makita ko at marinig ko sila Tita at Nanay Romina.

"Belle hindi naman sya mapapahamak sa amin, andon kami ni Earl kami ang bahala sa kanya." sabi ni Nanay Romina, sige nay!! Push mo kay tita para makapagtrabaho ako hahaha.

"Nanay ayoko mawala sa akin ang Anak ko, alam mo namang iba ang naging saya ko nung dumating sa amin ni Earl si MJ." sabi ni Tita, hay hindi ko sya masisise hindi sila napagbigyan ni Tito na magkaroon ng anak eh kaya lahat ng gusto ko noon nasusunod pero nung natanggal si Tita sa company dati sa Manila kinailangan kong magstop ngayon kasi wala akong pang enroll.

"Belle hindi mo ba naisip na baka lalong lumayo ang loob ni Jane kapag ganito ka kahigpit sa kanya? Payagan mo na sya Belle ako bahala sa kanya." Sabi ni Nanay Romina.

"Sige pero paano ang pag aaral nya? Hinahanapan ko pa sya ng scholarship kayla Mayor." sabi ni Tita.

"Tutulungan kita Belle pano? Aalis na kami? Kailangan maharap ko sya kay ma'am Cecilia para hindi ako mapagalitan." sabi ni Nanay Romina, hindi ko na inantay ang sinabi ni Tita nagimpake na ako ng mga damit ko at ang mga mahahalagang gamit pati gamot ko nilagay ko na sa bag ko.

Maya maya lang ay kumatok si Tita.

"Mary Jane?" Sabi nya.

"Tita thank you ahh!!! Promise magpapakabait ako dun babye bibisita na lang ako sa weekend 😁" sabi ko at niyakap sya at hinalikan sa pisnge, kaya binitbit ko na yung bag ko at pinuntahan si Nanay Romina hahaha bait ko nuh?

"Mary Jane! Ano ba?! Inunahan mo pa ako at talagang nakaready ka na." Sigaw ni Tita sakin.

"Eh sorry na po 😔 gusto ko lang po makatulong sa inyo tita." Paawa effect lang syempre hahaha.

"Mag iingat ka don MJ ha? Yung gamot mo wag mong kakalimutan." Sabi ni tita.

"Opo sige po bye tita!!! Tara na po nanay Romina!!" Sabi ko after kong yakapin at halikan sa pisngi si tita.

Lumabas na kami at sumakay sa isang sasakyan at laking gulat ko na makita ko si Tito Earl ang driver namin hahahaha namiss ko sya.

"Tito Earl!!! Bakit ngayon ka lang nagpakita sakin?!" Tanong ko sa kanya.

"Syempre nagpapamiss ako sa pamangkin ko hahahaha" sabi nya.

"Ah MJ pag nasa villa na tayo wag mo akong tatawaging "Tito" ha? "Kuya" na lang wag ka ng magtanong kung bakit okay? Makikinig ka sa mga sasabihin ni Nanay Romina okay?" Sabi ni Tito Earl bakit kaya?.

"Sige po Tito." Sagot ko.

"Mag ayos ka na andito na tayo 😄" sabi ni Tito, nginitian ko na lang sya at sinunod na sya."

*End of Flashback*

So yun nga ang dahilan kung bakit ako napunta dito hahaha thankfully agad naman akong natanggap ni Ma'am Cecilia, ewan ko ba kay Robbie ang bait naman ng mama nya.

"Jane? halika na 😊 ipagluluto na natin sila ng agahan." Sabi ni Nanay Romina.

Tapos na din naman ako maligo at makapagbihis kaya lumabas na kami ni Nanay Romina, pero sad to say nandun pa si Robbie.

"Oh Robbie gutom ka na? Ano gusto mong kainin?" Tanong ni Nanay Romina.

"Tapos na po ako Kumain Nanay 😀" sagot nya.

"Nagluto ka?" Tanong ni Nanay.

"Hindi po nay 😃 pinagluto ako ng bago nating maid 😁" sagot nya at lumingon sakin =_= nang-aasar ba to oh ano?!.

"Jane alerto ka maganda yan 😊 oh eto maghain ka na muna para makakain sila Jason at Pau." sabi ni Nanay Romina.

"Sige po nanay ☺️" sabi ko at kinuha ko yung mga plato at kutsara't tinidor para maghain.

After kong maghain ng mga plato at kutsara't tinidor at mga baso, naririnig kong nagbukas na ang mga pinto sa second floor kaya pumunta na ako sa kitchen and andun pa din si Robbie.

"Manang! Asan na ang mga pagkain?!" Si Pau siguro yun.

"Jane lagyan mo ng mga Juice muna ang mga baso nila.

Hay wag naman sana ako pumalpak sa mga trabaho ko dito.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon