Chapter 4: Unexpected Meet-up

18 3 0
                                    

Jane's P.O.V

Hay ang tagal naman ni Tita 😕 nakakabored dito. Tapos na ako maglinis ng bahay nakaligo at nakabihis na ako wala naman akong mapupuntahan. After ilang minutes ng panonood ko ng doraemon sa T.V naisipan kong magpahangin muna sa park malapit dito sa amin.

Naupo muna ako sa mga bench na nandito sa park dahil sa sobrang board ko naglaro muna ako ng Panda Pop hahaha parang bata lang no? I was in the middle of my gaming ng matamaan ako ng isang frisbee =_= hinhimas ko ang ulo ko para mawala ang sakit.

"Hey miss I'm sorry." sabi nung kumuha ng frisbee.

"Pwede ba mag-ingat naman kayo!" Sigaw ko, kasi nakatalikod sya sakin.

"Whoa! Miss nag sorry na db?" Sabi nya at humarap sakin.

"Jane? I'm so sorry talaga akala ko kung sino ang natamaan namin." laking gulat ko ng makita kong si Jason pala yon.

"Uhmm sorry din kasi nasigawan kita." Putik nakakahiya ang pagsigaw ko =_=. My God lamunin na sana ako ng lupa ngayon =_= aalis na sana ako pero hinawakan nya ako sa braso at iniharap sa kanya.

"San ka pupunta?" Tanong nya.

"Ah uuwi na haha sorry ulit nasigawan kita."

"Ano ka ba haha ok lang yon, tara ipapakilala kita sa kaibigan ko 😃"

"Ah wag na Jason ano ka ba? Nakakahiya."

"Halika na! 😄" sabi nya at hinila ako papalapit sa mga kaibigan nya ano ba mga sosyalin sila tapos ipapakilala ako ni Jason =_=.

"Whoa! Jason may chicks ka nanaman?" Sabi nung lalaking medyo dark brown ang hair haha d ko alam ang name eh.

"Haha tanga eto nga pala si Jane, Jane si Lenard 😃" sabi ni Jason.

"Hi Jane 😄 pwede ba malaman ang full name mo? 😊" sabi ni Lenard at nilahad ang kamay nya para mag shake hands kami.

"Mary Jane, Mary Jane Odonez ☺️" sabi ko at nagshake hands na kami, tinigil namin agad ng mapansin naming tahimik si Jason.

"Dude natahimik ka ata dyan! Hahaha natatakot ka ba na maagaw ko si MJ sayo? Hahaha" sabi ni Lenard habang nakaakbay sakin.

"Lenard d pa tayo close haha tanggalin mo kamay mo at wag mo akong tatawaging MJ hahaha." sabi ko.

"Hahaha sorry naman hey ok lang sayo pumunta sa beach? Gagala lang naman 😊 kasama natin si Jason wag ka mag alala ihahatid ka namin pauwi so tara?" Sabi ni Lenard.

"Ah sige ☺️ kung magsasalita at ngingiti na si Jason." sabi ko ang tahimik na kasi nya eh.

Mukhang narinig naman nya ang sinabi ko kaya ngumiti na sya at nagyaya pumunta sa kotse ni Lenard.

After ng ilang hours ng pagdrive nakarating na kami sa La Aplaya Beach Resort 😄 grabe ang ganda!!! At ang mahal hahahaha nakakahiya libre pa ni Lenard lahat 😖

Pero ang ganda talaga ^_^ ang sarap magtampisaw sa tubig hahaha, pero nakakapanibago talaga si Jason ngingiti sya tapos magiging seryoso :3.

Jason's P.O.V

MJ? Mary Jane Odonez.... Siya kaya yung hinahanap ni mommy? Sana naman hindi sana kapangalan nya lang.

Nakita kong magkasama sila Jane at Lenard kaya umalis na muna ako pumunta muna ako sa pool side para matawagan muna si Detective Santos.

"Hello Detective Santos? Are you free today?" Sabi ko.

"Hello? Who is this? Jason? Inaanak ko ba to?" Buisit naman tong tanda na to =_=.

"Oo Ninong! Si Jason Alcantara to!" sigaw na sagot ko sa kanya.

"Oh Jason! Wag ka na kasi maging pormal "Ninong Vic" na lang." sabi nya.

"Ninong naman basta may ipapainvestigate ako sayo okay? I want you to Investigate about John and Marie Odonez tapos paki-investigate na din kung sino si Mary Jane Odonez.... Pero dapat hindi to makakarating kay Mama okay?" Sabi ko sa kanya.

"Let Me Guess pinapabackground check ng mama mo? Okay okay ako na bahala basta hindi ko sasabihin? E-mail mo na lang sa akin yung picture nung Mary Jane Odonez then I'll try to solve this at once." sabi nya nagthank you na lang ako at binaba ko na ang call.

I was on my way back ng makita kong natakbo na si Lenard at Jane papunta sa direksyon ko.

"Dude sa ka ba nang galing?" Sabi ni Lenard.

"Sa Pool Side lang bakit? May problema ba?" Tanong ko.

"Iuwi na natin si Jane tumawag na ang Tita nya dalian na natin." sabi nya kaya nagmadali na kami pumunta sa sasakyan, pagabi na din kasi.

On the way na kami papunta sa kanila tinanong ko si Jane kung mapapagalitan sya sabi nya hindi naman daw may bisita lang daw sila na kailangan asikasuhin.

Nang makarating na kami sa bahay nila nauna na syang bumaba sabi nya wag na daw kaming bumaba para hindi na magkagulo, tumango na lang kami at pumunta muna sa isang fast food chain para kumain ng dinner.

"Lenard may mga pictures ka na ni Jane? Pati number?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah andami na nga dude ee hahaha bakit? Type mo sya no? Nako bawal manulot dude hahaha" sabi nya sakin saby kain ng french fries.

"Sira ka talaga haha basta ibigay mo sakin mamaya okay? Dun ka matulog sa amin ah" sabi ko sa kanya.

"Sure pero don't expect me na makikita mo pa ako pag gising mo hahahaha kailangan ko bumalik sa Manila by 9 a.m" sagot nya.

"Oo na lang hahaha halika gusto ko ng mahiga!" Kaya tumayo na kami sa kinauupuan namin dahil kanina pa kami pinagtitinginan ng mga babae hahahaha sumakay na kami sa kotse at pinaharurot pauwi.

*Villacorte Residence*

Nandito na kami sa kwarto ko ngayon nagpapahinga dahil late na din, napasa na din sa akin agad ang mga pictures kaya sinend ko na kay Ninong Vic yung picture ni Jane.

"So dude pano mo ba nakilala si Jane?" Tanong ni Lenard habang nakahiga na, nandito ako sa sofa nanonood lang ng WWE.

"Naulan non ng makilala ko sya." sagot ko.

"Charurot mo!!! Hahahaha ano yun nagkiss kayo sa ulanan? Broken sya tapos kinomfort mo?" Sunod sunod nyang tanong.

"Gag*!! Pinagtitripan sya ng tatlong lasing at ayun nakita namin ni Robbie kaya tinulungan namin." sabi ko.

"Awww saklap nun dude hahaha di ba namention mo sakin yung kababata nyo? Si MJ? di ba crush na crush mo yun? Ang kaso parati sila ng Step-brother mo ang magkasama?" Tanong nya.

"Well oo pero hayaan na I'll make sure na sa akin naman mapupunta ngayon si Jane 😉" sagot ko.

"Hey boys 😄" lumingon kami sa may pinto, at nakatayo doon ang aking tunay na kapatid ha? Hahaha si Robbie lang ang Step-sibling namin.

"Talking about me?" Pahabol na tanong ni Pau.

"No" simpleng sagot ni Lenard.

"So yun na nga dude, About Jane san kaya sya nag aaral?" Pahabol ni Lenard.

"Arrgh! Pati kayo kilala nyo sya?! I hate that girl!" Singhal ni Pau.

"What's with you?" Tanong ni Lenard.

"Hahaha tong mag-ex na to tumigil kayo, oh ano naman problema mo kay Jane?" Tanong ko kay Pau.

"She's stealing Kuya Robbie's attetion for me." sabi nya, at padabog ng umalis sa kwarto ko.

"Yang kapatid mo hindi na talaga nagbago =_= tutulog na ako maaga pa ako bukas okay? night dude." at ayun natulog na sya.

Lumabas na muna ako para kumuha ng tubig pero pag dating ko pa lang sa may hagdanan ayun may tatlong maleta na nakalabas.

"Ma ano to?" Tanong ko kay mama.

"Oh Jason anak I'll be staying at the US for a month business na iniwan ng papa mo remember?" Sabi nya.

"Ma hindi ko sya tatay.... Sige ingat ka don happy trip na lang." sabi ko at dumaretso na sa kitchen.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon