Chapter 2

17 2 0
                                    

“Ngek, ang sabihin mo lang ayaw mong ishare” sabi ni clark at ngumuso.

“Oo nga, pre hindi naman kami chismoso eh. Masama bang maki alam sa mga ganap sa buhay nang ibang tao? diba hindi? ” sang- ayon ni chris.

“At nag sanib pwersa na nga silang dalawa para patumbahin ako” - lawrence slash pagod.

“Mag review nalang kayo, iwan nyo muna si lawrence pagod yan” biglaang sulpot ni ethan na may dalang tubig at sandwich.

Binigay nya naman ito kay lawrence na halatang walang balak tanggapin iyon.

“I'm fine” matigas na saad ni rence.

“I know. But you need this” sagot ni ethan
“At bakit ko naman kakailanganin yan?” sarkastikong tanong nya

“Because, may aasikasukin kana namang programa para sa school mamaya. And guess what? Ikaw na naman ang magpapagod para mangyari yung pinaplano nila HAHAHAHAHA” saad nya na ikinatawa namin ng kaunti.

“Tanggapin mo na rence, ang puti na ng labi mo oh. Napag hahalataan kang walang tulog eh” suhestyon ni clark kaya wala na itong nagawa kundi tanggapin nalang.

“Ayaw pa gusto din naman” bulong ni ethan at lumabas na ng classroom.

Agad namang nagbulungan ang tatlo sa likod ko.

“Napapadalas na yata yung pag-aalala ni ethan sayo rence oh” - Clark

“Oo nga, kulang nalang sya ang gagawa ng mga gawain mo HAHAHAHA” - Chris

“Tumahimik nga kayong dalawa, staplerin ko labi nyo eh” inis na saad ni rence at kinain ang sandwich.

Natapos na ang mga kaganapan sa school at uwian na. Niligpit ko ng maayos ang mga gamit ko at naglakad palabas, nakasalubong ko naman ang tatlong kaibigan ko.

“Movie marathon tayo sainyo vox!!” - chris

“oo nga palagi kana lang nag rereview eh ang layo pa nang exam natin” sang-ayon ni clark

“Yes true. We need a break vox, like me palagi nalang akong nasa office nag aasikaso nang mga bagay bagay. We never get to enjoy new things, tsaka graduating na tayo no this is our last year in highschool. We need to hang out!!” mahabang litanya ni rence na may malaking eyebags sa mukha.

Tumawa nalang ako at pumayag sa mga alok nila.

“You're right” saad ko at sumabay sakanilang maglakad palabas.

The Last SectionWhere stories live. Discover now