“Lola naman, joke lang po yon! Bakit ko naman ibibigay yung baon ko? Ano sila gold?” awkward na saad rason ni ethan na nakatingin lang sa taas.
“Aray ang sakit ng pwet ko— oh? ethan andito ka pala, kailan kapa dumating?” pag basag sa awkward moment ni clark na hawak parin ang pwet nya.
“kanina lang. Kain na kayo!” saad nya at di parin makatingin samin. Umupo nalang silang lahat at nagsimula nang kumain.
Natapos na kaming kumain at nandito na kami ngayon sa kwarto ko naghahanda manood ng movie.
“Ano ba panoorin natin?” tanong ni chris na may hawak sa remote
“yung turning red nalang bago yun” suhestyon ni clark at pilit na inagaw agaw yung remote
“ano ba yan! Bata kapa ba?” inis na tanong nya kay clark at inagaw ulit ang remote
“wag ka ngang ganyan, lahat nang tao may karapatan manood ng kahit anong movie” sagot ni clark at ingaw ulit ang remote
“stop it!” sabay na sigaw ni rence at ethan na ikinagulat din nilang dalawa.
“Loh couple goals yarn?” asar ni chris napansin ko namang tumawa ng bahagya si ethan
“Let's just watch turning red, maganda naman siguro yon” saad ko at sumang-ayon nalang sila.
Hours had passed at natapos na naming panoorin iyon.
“Never like nobody but you~” kanta ni chris at nag body wave pa
“anong but you? hoy like you yon!!” saad ni clark
At ayon na nga po, nag-aaway na nga po sila.
Tumayo si rence at lumabas at sumunod naman si ethan sakanya. At as expected, nagsibulungan na naman yung dalawa.
“Pustahan tayo mag uusap yun sa kwarto” bulong ni chris
“hindi, pustahan tayo mag aaway yun sa kwarto” bulong rin ni clark
“alam nyo?...” pabitin ko
“ano?” sabay nilang tanong sa'kin
“inaantok na ako, umuwi na kayo at matutulog na ako. Marami pa akong problema na pag-iisipan” saad ko na ikinangiwi nila.
Tumayo na ako at humiga sa higaan ko, naramdaman ko namang inoff na nila ang tv tsaka lumabas.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko, may tumatawag.
“Hello?” sagot ko sa tawag
“Mr. Sandoval! I'm gonna send you the address, come here right away!” saad ng isang pamilyar na boses.
“Miss Hevo?” saad ko bago nya pinatay ang tawag.
Maya maya pa ay na receive ko na ang text nya na may lamang address.
YOU ARE READING
The Last Section
FanfictionI'm the most smartest and disciplined student here at our university at dahil don pina transfer ako ng principal dito sa pinaka last section na puno ng mga b4sag ulo. "Look who's here, a pretty young lady!" "Ano number mo miss?" "Eto na ata yung f...
