Wala na akong nagawa kaya tumayo nalang ulit at nagbihis ng black hoodie with black pants at nag rubber shoes, sinuot ko na rin ang black beanie q at black mask tsaka lumabas.
Nakita ko naman sila lola, ethan, rence, chris at clark na nagkwekwentuhan sa balcony kaya sa likod nalang ako dumaan.
Pumara na ako ng taxi at tinuro ang address na pupuntahan ko.
“Hello miss hevo?” tawag ko gamit ang phone.
“I'm here na po, where are you?” dugtong kong tanong
“pssst” napalingon ako nang may biglang mag sitsit sa'kin.
“psssstt!!! Mr. Sandoval, ako eto si Claire” mahinang saad ni Miss. Hevo habang naka tago sa isang beam.
“Bakit ka naman po nagtatago?” tanong ko nang makalapit ako sakanya.
“Dati kabang b0b0? syempre para hindi tayo makita nang ibang tao, baka ano pa sabihin!” mahinang saad nya at hinila ako papasok sa bahay nya.
“Bakit mo naman ako pinapapunta dito?” tanong ko. Tinanggal nya naman ang outfit nyang parang sinaunang ninja.
“Wala na akong choice Mr. Sandoval at kailangan ko talaga ang tulong mo. Sinabi mo naman na pag-iisipan mo yung alok ko edi para na ring umu-o ka diba?” saad nya at pumasok sa isang kwarto, sumunod naman ako sakanya.
“Hindi p— ah yes” sagot ko nalang.
“Talaga? No false? tatanggapin mo yung alok ko? Omg!!!! Thank you Mr. Sandoval talagang hulog ka ng langit!!” tili na saad ni Miss at niyakap ako nang mahigpit na agad din naman itong kumawala.
“Gagawin ko po ito para sa kapakanan ng University” saad ko at tumango tango naman sya habang may pinindot.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang malaking shelf at iniluwa nito ang isang malaking pinto.
“Dito ang ating hideout Mr. Sandoval! Lahat ng kakailanganin mo ay nandito” saad nya at binuksan ang pintuan.
Mas nagulat ako sa bumungad sa'kin.
“Wow—talagang pinaghandaan mo ito Miss” gulat kong saad.
“Naman” sagot nya
“Pero bakit po lahat pambabae ang mga damit?” taka kong saad
“Nakalimutan mo na ba ang twist Mr. Sandoval?” nakangiti nyang saad
“or should I call you Ms. Vale Yaun?” dugtong nya at ibinigay sa'kin ang isang envelope.
Tiningnan ko ang laman ng envelope at lahat ito ay isang profile nang babae.
“That will be your identity Mr. Sandoval” sabi ni miss na ikinagulat ko ng sobra!
“Vale Yaun, 18 years old. Libra, 5'4 , s-single??!” sigaw ko at hindi makapaniwala sa nakikita ko.
“Inayon ko lang yung identity ni vale sa features mo hehe, ayos ba?” nakangiti nyang saad
I am doomed!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/310035011-288-k995153.jpg)
YOU ARE READING
The Last Section
FanfictionI'm the most smartest and disciplined student here at our university at dahil don pina transfer ako ng principal dito sa pinaka last section na puno ng mga b4sag ulo. "Look who's here, a pretty young lady!" "Ano number mo miss?" "Eto na ata yung f...