Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni lola, magpapa alam lang ako. Nag riring ito at di nagtagal ay sinagot din nya naman.
“What? Sasabihin mo na naman bang hindi moko masasamahan mag dinner ngayon kasi mag rereview ka? Oo na tanggap ko na” bungad nya sa tawag na ikinagiti ko.
“Ay talaga tanggap mo na la? Sayang, dyan pa naman sana kami kakain ng mga kaibigan ko” saad ko at agad nya naman akong sinigawan
“Sinong may sabing bawal kayo kumain dito ha aber? Iba-baba ko na nga to kasi maghahanda na ako ng mga pagkain ninyo, ikaw talaga!!” sigaw nyang saad na ikinatawa namin. Ni loud speaker ko kasi.
“Sarapan nyo la ha!!" - Clark
“ako talaga maka unang makaubos nyan la!!” - chris
“we will look forward to it po lola” - rence“Aigoo ang sarap nyo naman pakinggan. Oh sya mag-iingat kayo ha, iba-baba ko na ito” saad ni lola
“bye po laaaa!” sigaw ni chris at clark
Inoff ko na ang tawag at sumakay na kami sa sasakyan ni rence.
“lola we're heree!!" bungad na sigaw ni chris at tumakbo papunta sa kusina.
“dahan dahan guys baka maslide kayo ang kintab pa naman ng sahig—AAAAHH!!” paalala ni clark na ngayo'y nasa sahig na habang hinihimas ang pwet nya.
“sabihin mo yan sa sarili mo clark tutal ikaw naman ang lamp4 sa ating apat” natatawang saad ni rence at nilagpasan si clark na nakahandusay sa sahig.
“help me daddy” mangiyak ngiyak nyang saad sa'kin.
“deserve” saad ko at pumunta sa kusina.
Bahagya naman akong nagulat sa bumungad sa'kin.
“Anong ginagawa mo dito ethan?” parang naiinis na tanong ni rence sakanya. Nilagay ko muna ang bag ko sa sahig at umupo kaharap ang mesa na puno nang mga pagkain.
“Inimbita ako ni lola esther eh, mahirap kaya umayaw lalo na pag may pagkain” saad nya habang kumakain
“hay nako ang sabi ko kay dodong ethan na hintayin kayo para sabay sabay tayo eh ang sabi nya gutom na daw sya,.. binigay ba naman kasi yung sandwich na baon nya sa gu—” di natuloy ang sasabihin ni lola nang bigla itong pinigilan ni ethan.

YOU ARE READING
The Last Section
FanficI'm the most smartest and disciplined student here at our university at dahil don pina transfer ako ng principal dito sa pinaka last section na puno ng mga b4sag ulo. "Look who's here, a pretty young lady!" "Ano number mo miss?" "Eto na ata yung f...