CHAPTER 9

66 15 0
                                    

Andito ulit ako sa garden hinahanap ang prinsepe ko. Napahinto ako nung makita ko siyang balak naman kumain ng butterfly! Bakit b butterfly ang hilig nito kainin? Ayaw niya sa lamok? Lamok! Lamok, lamok! Lalalalamok, lamok, lamok!!!!!

Dali dali ko siyang kinuha at hinarap sa akin.

"Gusto mo bang patayin kita?" Pagbabanta ko sa kanya.

"Kokak!" kokak means oo? Ay we? Really? "Kokak! Kokak! Kokak!" kanina pa ako kokak ng kokak hindi ko alam kung ano talaga ibig sabihin nun, pag ako nagkaload, is-search ko nga sa google.

Akma siyang tatalon para habulin ang butterfly pero hindi ko siya hinayaang makalayo sa akin. Sanaol hindi hinahayaan!!!

"Gusto mo lutuin kita?" napahinto ako at lumapad ang ngiti ko.

Speaking of luto..... BWHAHAHAHAHAH!!!!!

FRANZ P. O. V

It's Friday and today is our day, kami ang cleaners, kailangan kung maging mabait for today because tatakas ako mamaya para yayain makipagdate si yuiji. I was so curious about what I saw, sino ang kasama niyang lalaki? bakit parang ang close nila?

"Good morning, kwago!" andito na pala ang sisiw.

"Aga mo ngayon sisiw, anong nakain mo?"

"Nag-adobo kasi si mama ng manok," may iniabot siya sa aking tupperware, "ayan, para sa'yo sabi ni mama." bakit ang bait nito? Ganun ba talaga ang epekto nitong adobo? dapat pala lagi ko siyang papakainin ng adobo para mahinahon lagi.

"Kainin mo na...."

"Atat ka masyado."

Padabug siyang umupo sa puwesto niya, "edi huwag! Akin nalang!" akma niya sanang aagawin ang Tupperware sa akin pero inilayo ko ito.

"Nope, this is all mine." Ngumuso siya at bumalik sa puwesto niya.

Napadaan si yuiji sa harap ko kaya nag-ibang direksyon ako ng tingin.

"Awieee!! Ms. Pres, good morning daw sabi ni kwago."

"Good morning too!!" Nakangiting sambit niya. Kapag talaga ngumiti siya, nakakainlove. Napatingin ako kay sisiw, naabutan ko siya'ng nakatingin sa akin pero agad ding umiwas.

"Did you see, sydrik?" she asked. bakit ba lagi niyang hinahanap ang lalaking iyon? Andito naman ako.

"May nakikita ka ba?" pamimiloso ni sisiw.

"Hmm.... yuiji, you want?" ngumiti si yuiji at lumapit sa akin. "Sure." she answered. Akma na sana siyang kukuha ng biglang dumating si sydrik.

"Heyy dude!" tumakbo si yuiji at niyakap siya.

"Ehemm!!" tumingin sa akin si sisiw.

"Ghe! Alis lang kami!" Pagpapaalam ni yuiji. Tumango-tango nalang ako bilang pagsang-ayon.

"BoOm selos!" I don't mind her. Inamoy ko muna ang adobo bago tikman ng kaunti.

"Mmm..... masarap ah..." tahimik lang ang sisiw habang nakatingin sa akin.

***

Naubos ko ang binigay niyang adobo sa akin, balak ko pang magpaluto ulit, ang sarap—pero mas masarap ka yieeee!!!

"Masarap ba?" Biglang tanong ng sisiw. "Nope. Kulang sa asin." Pagsisinungaling ko.

"Did you know—"

"Hindi pa." Pamimiloso ko.

"Did you know..... na ang kinain mo ay palaka?"

Loading.....

"Palaka iyong kinain mo." Natatawang sambit ng sisiw. Nag echo pa sa akin ang salitang 'palaka' hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa narinig ko.

Palaka!

Palaka?

Palaka?

Para akong nasusuka na tumingin sa kanya.

"Seriously?!" Tumakbo ako palabas at dumiretso sa cr.

XYENA P. O. V

Kawawang kwago!! Tsk! Tsk! Tsk!

Iyong mukha niya talaga eh, iyong gulat niya nung marinig niya ang salitang palaka BWHAHAHAHAHAHA sarap daw HAHAHAHHA

Ano kaya sunod? What if ahas naman? Lutuin ko kaya si shainna? tutal ahas naman siya.

"Ey! Xyena!" tawag sa akin ni Nicole na ikinagulat ko. "Yes?"

"Bigla nalang nahimatay si yuiji...." Napatayo ako at dali daling sinundan si Nicole. What happened to her?

Pagkarating ko ay buhat buhat siya ni sydrik aka crabstick.

"Yuiji!" sigaw naman ng kwago habang hingal na hingal. Pagkakita niya kay sydrik ay bigla nalang nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Hindi ko nalang siya pinansin at tumakbo papunta sa direksyon ni yuiji.

Ano kaya ang nangyari sa kanya?

"Call ambulance, please...." Marahan na sambit ni sydrik. Halata sa mukha niya ang pag-aalala, gaano ba sila kaclose? Bakit ganyan nalang siya makaalala kay yuiji?

"Hurry up!!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat sa biglang pagsigaw ng punyetang crabstick.

"Atat?!" Inopen ko ang cellphone ko at nagcall sa 143, mangungutang pa ako ng load sa globe jusko! Wala akong load!

"Tumawag ka sa 911!!" Masyado ding atat itong walis tingting na ito.

"Teka lang naman!! Wala akong load!"

"Okay na." Mahinahong sambit ng kwago. Sus! Kung saan namang nakautang na ako. Sayang tuloy!

Anong gagawin ko ngayon?

AHA!!!!! BWAHAHHAHAHAHA manghihingi ako ng mga number nila mamaya tapos magrarandom call ako mamaya magv-vlog 104 ako.

Dumating na ang ambulansya, isinakay na nila si yuiji, kasama kami. Siyempre di kami magpapaiwan, sasama ako! Kahit ikulong pa nila ako basta sasama ako, kapamilya ako! Bakit ba?

Totoo kaya ang mga aswang, what if totoo? Tapos ako pala iyon? Ror! Kagatin kita you want?

Poganda, nasasapian kana ba? Yieee!! Proud sinapian there. I'm poganda, pogi na maganda pa, proud baliw, proud takas mental, at higit sa lahat proud sinapian.

Bestfriend Where stories live. Discover now