CHAPTER 15

68 14 0
                                    

Umalis na ang mother at father ni jayruz. Andito ako ngayon sa garden nila, nakatunganga habang iniisip siya, kidding. kaharap ko ang dahon ng mangga,

Kumuha ako ng pitong dahon at inamoy.

"Psst!" tss, may pangalan ako hindi ako si 'psst,' "poganda!" Lumingon ako habang inaamoy pa rin ang dahon ng mangga.

"Jay, di ba may mantika kayo?"

"Why? Meron, madami." Nag evil smiled ako tumakbo papunta sa dining nila.

Kinuha ko ang camera ni jayruz na nakapatong sa may dining table at inopened.

VLOG 104: PRITONG DAHON NG MANGGA.

"Hii video!! Welcome to my guys! for today's vlog, I'm going to prito prito the dahon ng mangga. Arat na!!" Nilagay ko ang isang bote ng mantika at inantay na uminit.

Inilagay ko na ang dahon ng mangga at inumpisahang halo-haluin. Hanggang sa sumakto na ito at handa ng kainin.

Mas masarap siguro pag lagyan ng cornstarch, ano?

"Poganda, what are you doing?"

"Nagluluto, nakikita mo naman di ba? Mukha ba akong nagswi-swimming?" tinalikuran niya lang ako at dumiretso sa hagdan.

Pag ito natikman niya ang aking luto ko, sigurado akong lalo siyang magiging—panget.

"Ming~" tawag ko sa pusa nila na agad namang lumapit sa akin, binigyan ko siya ng isang dahon, pagkabigay ko ay tumakbo na ito palayo habang dala dala ang pritong dahon ng mangga.

"Nawa'y okay ka lang, POGANDA." nagulat ako ng bigla nalang may pumasok sa pintuan, si sydrik at kwago. At ano na naman kaya ang ginagawa nila ditesh? Gusto ba nila ng chicharon ng dahon ng mangga? I will offer kaya? Tss. Huwag na, mga masamang engkanto mga ito e.

"Guys, paano ba iyan—we have a report tomorrow about sa paggamit ng gadgets," bungad ni kwago.

"Halaa! Bakit ngayon lang sinabi? Naman eh! ang dami ko pang gagawin nakidagdag pa iyan, report sa English?"

"Yes. Two person ang magrereport so hindi tayo mahihirapan." Walang ganang sabi ni sydrik. Jusko naman! Report about gadget?

Huli ko na napagtanto na nakaopened pala ang camera, nakalimutan kung i-off, ang akala ko ay inoff ko na, pero nagkakamali pala ako. Hayst.....

Itutuloy ko pa ba ang vlog ko? tutorial nalang siguro soon about sa cooking at iba pa.

"Nga pala na saan si nic—" bigla nalang may narinig akong boses ni Nicole habang tumatawa. Nakita ko siyang naglalakad papasok sa pinto habang nakatingin sa cellphone.

"Speaking of the lamok." napabuntong hininga nalang ako at tumabi kay jayruz na nakatitig sa akin.

"Curious lang ako, ano kaya itsura mo kapag nag-ayos ka? sobrang simple mo kasi," sambit niya. marahan akong nakipag eye to eye sa kanya.

"My body, my rules, huwag mong pakiealaman ang itsura ko, cu'z ako ito at hindi ikaw."

"May sinabi ba siyang siya si ikaw?" Singit ng kwago.

"Wala," agad na sagot ko. Pinagtawanan lang nila akong tatlo. Busy kasi si nics sa cellphone e, walang pake sa paligid basta makacellphone lang.

Nagulat nalang ako ng tumabi sa akin ang kwago, "can we talk later?" Agad naman akong sumang-ayon. Siguro sa valentine's nalang ako aamin, para mas maganda.

Nagexcuse ako sa kanila at pumasok sa loob ng cr dala ang camera.

VLOG105: SECRET FEELINGS FOR HIM.

Inilapag ko ang camera, "hi video, welcome to my guys!!" Panimula ko. "Alam niyo iyong feeling na gusto mo siya pero natatakot kang umamin kasi alam mong wala kang pag-asa sa kanya? HAHAHA medyo weird vlog ko today ‘no?

"Hindi ko alam kung paano ako aamin sa kanya, wala akong lakas ng loob. Natatakot akong baka mareject lang ako....... natatakot akong baka lumayo siya sa akin. Baka ikahiya niya ako....." Stinop ko muna ang pagv-vlog ko dahil mag narinig akong yapak ng paa.

"Hoy sisiw! Papasok!" Ah... Ang kwago. Te-teka..... What?

Agad kung binuksan ang pintuan. Ngumiti siya sa akin at nilocked at pinto, bahagya naman akong umupo, siya naman ay umupo sa tabi ko.

*Katahimikan*

"Bakit ka ba andito? I'm busy you know?" Pagmamaldita ko.

"May tinatago ka sa akin," inakbayan niya ako. "Alone? I'am beside you. Afraid? I will comfort you. Hurt? You may cry on my shoulder. Need a hug? My arms are yours. Why? Because your my bestfriend." Kung alam mo lang, baka layuan mo na ako.

"Franz, what if I break the rule?"

"Rules? Rules about bestfriend?"

"Yeah...."

"HAHAHAHA why did you asked?"

"Kasi tinanong ko." ito talaga kahit kailan parang ewan.

"Break or broke?"

"Tss. Basta nasira!"

"Ayan, ayan tayo e! Tsk! Tsk! Tsk! hindi kasi nag-aaral puro tambay lang sa principal office at nakikipagdal-dalan kay ms. Ella." napanganga ako dahil sa sinabi niya.

Tama naman ah? Break the rule, alangan namang broke the rule. Hayst! Basta break! Break! Magbebreak din sila!!

"Teka..... how...... did..... you...... know...... that....?"

"Secret." Para namang temang ito, jusko talaga. Parang ewan naman eh! Nawa'y kidlatan ‘to.

***

"Kwagooo!!!" Feeling ko talaga may iba na sa akin.

"What?" Irita siyang tumingin sa akin at tinanggal ang isang pares ng headset.

"Malapit na valentine's, wala ka bang balak umamin?"

"Kay yuiji? Tss. Alam na ng buong campus, wala namang nararamdaman si yuiji para sa akin, it's okay. Hindi naman ako umasa." Muli niyang ibinalik ang isang pares sa tainga niya.

Padabug akong umupo dahil sa inis, kakaasar talaga! Nakisabay pa ang report namin sa Valentine's, akala ko ba bukas? Bakit biglang umurong? Matutuwa sana ako e! Kaso sa valentine's?! Shutangnerms na iyan!

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ang kwago, yes, andito pa rin kami kina jayruz tamang tambay at tamang update sa mga kaklase naming mga adik. Bahagya akong lumapit sa kanya at tinitigan siya. Gwapo naman siya e, kulang lang sa alaga ko char!

Lord, bigyan mo naman ako ng sign kung aasa ba ako or hindi.

"Naks, guwapo mo naman, bakit nga ba kitang tinawag na kwago? Dapat pala baby tinawag ko sa'yo charr! Hayst....... paano ba kasi ako aamin? aasa ba ako? Anong ibig sabihin ng i love you mo? may meaning ba iyon?" bakit ko ba kinakausap ang tulog? Ewan ko talaga self ah. Nababaliw kana—nababaliw sa kanya, siyempre charrot ulit.

Dapat charrot nalang pinangalan sa akin. Charrot hinarot. Puwede ring hinarot charrot. Pero mas bet ko ang pangalan ko ngayon, ang astig e. Xyena! What if naging lalaki ako? ano kaya ipapangalan sa akin ng maganda kung ina? Xairuz?

Ilang araw nalang valentine's naaa!!!!

Bestfriend Where stories live. Discover now