Aha! Itutuloy ko na ang pagv-vlog ko, saktong nakatulog ang kwago.
Itutuloy ko na ang vlog 102 ko, patayin si kwago.
Itinapat ko sa kanya ang camera ko at kinuha ko ang mga make up ni shainna sa bag at pinagtripan ang mukha ni kwago, pagkatapos ko siyang make-upan ay tinalian ko rin ang buhok niya.
BoOm! Dyosa!
HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA
kinuha ko ang cellphone niya at pinicturan siya bago gawing wallpaper. Pagka open nito ng phone niya, mukha niya agad bubungad, oh di ba ang bongga? Baka xyena the poganda ‘to.
Stinop ko mo na ang pagv-vlog dahil gumalaw siya, dali dali akong pumunta sa pwesto ko at kwaring natutulog. Nakarinig ako ng yapak ng paa kaya naman unti unti akong tumingin.
Si shainna.
"Ang cutieee!!" rinig kung tili niya habang nakatingin kay kwago.
Anong cutie d'yan? Eh? Eh? Eh? Dapat ko na ba siyang dalhin sa eo? Bulag na yata e. Sabagay, parehas silang bulag.
Hindi ko nalang siya pinansin at umidlip, need ko ng strength para sa test—hala oo nga pala! May long test kami ngayon tapos hindi ako nagreview!
Ay we? Self uso na ba talaga review ngayon? Huwag na magreview, papasa din naman. Hindi uso review sa akin.
Napatingin ulit ako kay shainna na akma na sanang pipicturan si kwago ng biglang pumasok si yuiji.
"Lah? Nakatulog iyong dalawa?" takang tanong niya at lumapit kay kwago. "Anyare? Ba't naging clown mukha nito?" Dagdag niya. Bahagya namang umangat ang ulo ni kwago at gulat na gulat siyang tumingin kay yuiji.
Tumawa ako ng napakalakas habang nakahawak sa tiyan ko. Inopen ko ulit ang camera ko at itinapat ko sa pagmumukha niyang kwago.
"So ayon na nga guys, hindi natin nagawa ang pagpatay kay kwago—pero nakaganti tayo! Apir!! So thank you for watching my vlogs, mwua!!" stinop ko na ang video at pinost agad sa YouTube, habang si yuiji ay tinutulungang burahin ang make up ni kwago, nahagip ng mata ko si shainna na masama ang tingin kay yuiji kaya lumapit ako sa kanya habang nakacrossed arms.
"May problema ba? inggit ka ba?"
"Shut up!" Padabug siyang umalis, iniwan ko na ang dalawa dahil moment nila iyon, dumiretso ako sa Library para magreview —sabi ko pa naman hindi uso sa akin ang magreview pero ito ako ngayon papuntang library para mag-aral. Ayaw ko na makakuha ng 5 points sa test ‘no!
"MS. NAVARROOO!!!" napahinto ako ng marinig ko si dean.
Patay!
Humarap ako sa kanya habang nakangisi. Ito na naman tayo e, nakita ko na naman ang pagmumukha ng pusit na ito.
"Why did yo—"
"Huwag na magwalis, dean. Kakalat din naman—ano pa ang silbi ng pagwawalis ko kung panay hangin naman? nililipad na nga ako sa kagandahan ni yuiji....." napatingin ako kay yuiji na dumaan habang may kasamang isang hindi familiar na lalaki.
Akma na sana akong tatakbo papunta sa direksyon niya pero hinawakan ni pusit ang kamay ko.
"Yuck! Don't touch me!" Pandidiri ko with matching evil smiled.
"Let's talk to the principal office!"
"Ay dean, wala naman pong ganyanan...."
"Hihintayin kita—"
"Sanaol hinihintay!!" malakas na sigaw ko at tumakbo na palayo.
Bwisit naman talaga oh!!
Nagtago ako sa ilalim ng puno at sandaling nagpahinga. Inayos ko rin ang suot kung uniform at pinonytail ulit ang aking pakening hair.
sino kaya iyong kasama ni yuiji kanina? Patay iyon pagnakita sila ng kwago.
Tss.
Seloso pa naman ang kupal na kumag na punyetang kwago iyon.
Kaso deserve niya rin naman ewan, ayaw pa kasi umamin kay yuiji, kapag siya naunahan tss nalang sa kanya. Bahala siya! Hindi ko siya iche-cheer up kahit kailan, kahit saan, magpakailanman.
"Andito ka lang palang sisiw ka! Patay ka sa akin ngayon!" napatayo ako at binalibag ang kwago. "Wala ako sa mood ngayon para makipagtalo." Seryosong saad ko at tumalikod na. Nang maramdaman kung malayo na siya ay tumawa ako ng tumawa. Nakakatawa kasi ang pagmumukha niya.
"Crazy....." napahinto ako dahil may punyetang nagsalita. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanan at kaliwa, likod at harap—pero wala talaga akong nakita.... baka guni guni ko lang ang lahat ng iyon. Hayst buhays!
Minumulto na ba ako dahil sa sobrang kabaitan at kagwapuhan ko? Ganto ba talaga ang epekto ng pagiging poganda?
"Hi self, gwapo mo kasi kaya ayan tuloy kung ano-ano naririnig mo." sabi ko sa sarili ko ng biglang may tumawa. Iniangat ko ang paningin ko sa may taas ng puno pero wala talaga akong nakita. Tumingin rin ako sa ibaba nagbabakasakaling duwende pa iyong natawa pero wala talaga.
Hay buhayyy!!! What's happening on me ba talaga?
Hindi ko nalang pinansin ang tumawa at umalis na—agad akong dumiretso sa principal office para makipagpilosopohan. Kung hindi lang talaga akong mabait na anak, siguro wala na ako sa school na ito ngayon.
Ayaw ko na makita ang kwagong iyon! Sarap katayin at ilibing ng buhay! Arghh!!
I want you yieee!!! Charrot! I want gummy bear.
Gummy ang saya!