Chapter 8

194 46 0
                                    

           S A B R I N A H

"Sabs!" Sigaw agad ni Ellie pagkarating niya sa company nila Zhander. Nagpapasundo kasi ako sa kaniya kasi baka dumugin ako ng mga reporters sa labas.

"Lukaret ka! Ba't di mo sinabi sa'kin na ikakasal ka na? Kailangan talaga sa internet ko pa malaman. Nakakainis ka!" Pagtatampo niya.

Hay, ang ingay-ingay ng babaeng to. Sakit sa taenga.

"Ano na? Wala ka man lang bang sasabihin sakin?" Tanong ulit niya.

"Ayoko na pagusapan 'yun, pwede ba?" Mahinang sabi ko. Pagod kasi talaga ako eh. Ewan ko ba bakit parang ang bilis ko atang mapagod these past few days. It's not like I'm sick.

"Hindi pwede."she said.

"Ellie please. I wanna go home."

"Hindi kita iuuwi hangga't 'di mo sinasabi sakin ang tungkol sa kasal mo. Kung gusto mo tawagan mo si Erickson. Darating agad 'yun." She teases me.

"Ellie!" I shouted. "Fine. Ayaw mo, edi 'wag." I said as I walk out.

Lalabas na sana ako nang bigla nalang umikot ang sikmura ko. 'Tapos sumakit pa ang ulo ko.

"Sabs! Sorry na." Sigaw ni Ellie.

Hindi ko siya pinansin. Tumakbo ako pabalik sa comfort room.

"Sabs! Uy sa'n ka pupunta?!"

Hindi ko parin siya pinansin. Binilisan ko ang pagtakbo dahil hindi ko na talaga mapigilang masuka.

When I got in the comfort room, suka ako ng suka pero wala naman lumalabas. 

When I felt better, I washed my face and breathe. I stared at my reflection on the mirror.

Ang putla putla ko.

Naghilamos ako ulit. Kaya lang dahan dahan na umikot ang paningin ko. Hindi ako makakita ng maayos.

Ang sakit sakit ng ulo at mata ko. Nahihirapan na din akong huminga.

Sinikap ko ang maglakad kahit palabas lang comfort room. Para akong lasing na hawak hawak ang ulo habang naglalakad.

Nasa pintuan na ako nang bigla nalang ako nahimatay. Pero bago paman ako tuluyang mawalan ng malay, naramdaman ko ang mga bisig na sumalo sa'kin. I landed into someone's arm. And after that, I passed out.

Nagising ako na nasa hospital na. Naka-dextrose.

"Hmm..." I groaned. Masakit pa rin kasi ang ulo ko.

"Sabs... Gising ka na pala." Ellie said. Inalalayan niya ako para makaupo mula sa pagkakahiga.
"Kumusta ang pakiramdam mo? Nagugutom kaba?"

"Bakit ako nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"Hinimatay ka kasi sa pintuan ng comfort room kanina. Buti nalang nasalo ka ni Zhander." She said.

"Si mommy?"

"Nasa labas kasama si Zhander, kausap ang doctor."  She said.  " Gusto mo ba ng tubig?"

"Ayoko!" I half-shouted. Tiningnan niya ako ng may pagtataka.

"Ba't ka sumisigaw?"

"Ayoko sa'yo." Parang bata na sabi ko.

I look away. " I hate you, Ellie."

"Sorry na nga eh. Ito naman parang bata." She tries to comfort me. "Oh, apple oh." Binigay niya sa'kin ang isang plato na may lamang binalatan at hiniwas na apple.

"Ayoko nang binalatan." I complaint. "Gusto ko yung buo. Ayoko nang hiniwa."

"Eh pareho lang naman 'yan. Apple pa din naman to."

I got pregnant by a Billionaire Where stories live. Discover now