Chapter 10

169 42 0
                                    


"Sabrinah," tawag ng isang malambing  na boses sa akin.

"Sabrinah..."


Sinubukan ko ang lumingon lingon para hanapin ang may ari ng boses na yun pero wala akong nakikita. Madilim kasi sa parteng ito na kinahihigaan ko tapos wala pa ang buwan, kaya madilim ng sobra.

"Sabrinah,"  tawag  ulit  sa'kin nong malambing na boses.

This time, sinubukan kong gumalaw at doon ko lang napansin na nakapikit pala ako kaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. 

Pagkamulat ko ng mata, ganun parin, madilim. Malamig din ang simoy ng hangin.

"Sabrinah, I'm here." Sabi ng boses.

Sinundan ko ang boses na yun hanggang sa matunton ko ang  isang parte ng madilim na daanan. 

"Sabrinah, I'm here. It's me, your dad."

"Dad?" Tawag ko.


"Yes sweetie it's me," ngiti ng isang lalaking medyo may katandaan na. 
Nakatayo siya sa gitna ng kalsada na may isang metrong layo sa kinaroroonan ko. Sa tabi niya ay may isang babae na sa tantya ko ay kasing edad ni mommy kaya lang hindi ko makita ang mukha niya kasi. Tinitigan ko siya nang mabuti hanggang sa ngumiti siya sa akin.


Ang ngiting yon... Pamilyar. Ganun din kasi ang ngiti ni mommy kaya nga lang parang mas bata at maganda ang babaeng ito kesa kay mommy. Si mommy kasi parang stressed masyado sa mga nagdaang araw.

"Anak.... Sab." Tawag sa akin ng babae. Nang ngumiti ulit siya ay doon ko lang napagtanto na si mommy nga pala talaga ang babaeng yon.

Ang ganda ni mommy don ah!

"Dad! Mom!" Masayang sigaw ko at papalapit sa kanila. Malaki ang ngiti ko habang naglalakad ng dahan dahan.

It's been more than 10 years since I last saw my dad's face. I was just 10 years old when he smiled at me for the last time. And I have always been dreaming of seeing him again, talking and smiling with me. With mom. At ngayon, nandito nga siya, nakangiti habang tinatawag at hinihintay ako.

Napaluha ako nang malapit na akong makalapit sa kanila. Si daddy, ganun pa din ang hitsura niya, walang pinagbago. Mas bata nga siyang tingnan ngayon kaysa sa dati. Ang kaibahan lang ay ang kulay ng damit niya. Para kasing lumiliwanag iyon, puting puti. Si mommy naman, nakangiti sa akin pero parang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya magawa.

"Don't come close sweetie. Stay there. Don't come with us. "  Ang bulong ni daddy, pero rinig na rinig ko yun.
Hindi ko siya sinunod. Gusto ko siyang mayakap. Gusto ko siyang makasama. Gusto ko pa siyang makausap. 


Huminto ako sandali nang lumingo-lingo siya sa akin. Puno ng pag aalala ang mukha niya.

Napansin ko ang pagbukas niya ng baba niya kaya doon ko tinoon ang paningin ko.

'No.' ang sabi niya sa hangin. 

Hahakbang na sana ako nang bigla nalang may isang sasakyan ang mabilis na nagpatakbo palapit sa direksyon ko. Sinasabi ng isip ko na tumakbo at umiwas pero parang nakabaon ang buo kong katawan. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko hanggang sa...parang kinain ako ng malaking liwanag. Tawag tawag ko si mommy at daddy habang umiiyak na ako.

"Sabrinah!"

Napabalikwas ako ng bangon. Habol ang hininga ko nang mapagtanto ko na nananaginip lang pala ako.

"Ok ka lang  ba?" Tanong ng isang kaedad ko lang din na babae?

Tiningnan ko siya at pagkatapos ay tumango.

I got pregnant by a Billionaire Where stories live. Discover now