Chapter 15

140 20 0
                                    


The day of my mom's funeral has come  and I was trying very hard to  not shed tears because that's her last wish. Yan ang naksulat sa letter niya for me. Ayaw niya akong maging malungkot at ang umiyak nang umiyak sa araw ng libing niya. Na lagi daw dapat akong mag-iingat lalo na ngayong wala na siya. Maging masaya lang daw dapat ako kasama ang bagong pamilya ko, kasama ang apo niya.

Pero ang hirap. 

Ang hirap dahil alam ko na wala na siya. Wala na siya para takbuhan ko. Wala na siya para patahanin at pakalmahin ako. Wala na siya. Wala na ang mommy ko.

"Sabrinah," mahinang tawag ni Ellie sa akin.

Nakatayo ako sa harapan ng litrato at abo ni mommy.
Sa katabi ng litrato niya ay ang litrato namin na magkasama  kaming tatlo ni daddy.  Kuha pa ito noong bata pa ako.

"Uwi na tayo." Hinawakan niya ako sa balikat ko. Katulad ko, mugto rin ang mga mata ni Ellie. Namumula rin ang mga mata katulad ng sa mga mata ko.

" 'Li ka na?" Kinuha niya ang kamay ko at nagsimula na humakbang para lumabas na sa libingan.  "Si Zhander na nga pala ang nag-asikaso ng  mga dumalo sa libing ni tita. Nasa labas na siya "

Tumango lang ako.

"Hinahanap ka nga rin pala ng daddy ni Zhander, si Chairman kanina pa. " Hindi pa rin ako sumagot. Hinahayaan ko lang siya na magsalita hanggang sa makalabas na nga kami ng cemetery.

Sa labas, nakaparada ang kotse ni Zhander, ni Chairman at ng iba pang shareholders ng kompanya na nakilibing kay mommy. Nandoon din ang kotse ng mga pinsan ni mommy at kapamilya ni daddy. 

"Sabrinah," sinalubong ako ng yakap ni tita Christine, ang pinakamalapit na pinsan ni mommy.  Walang ibang sinabi pa si tita, niyakap niya lang ako ng mahigpit. Hinihimas niya ang likod ko hanggang sa maramdaman ko ang pagtulo ng luha niya sa balikat ko.  Nang kumalas siya sa yakap ay hinalikan niya ako sa noo. " Mag-iingat ka ha? Kahit wala na ang mommy mo, dapat alagaan mo pa rin ang sarili mo."

"Pinsan," yumakap  din sa akin si Elsey, ang nag-iisang anak ni tita Christine.

" 'Wag na 'wag mong pababayaan ang sarili mo. Magpalakas ka kahit wala na ang mommy mo. Nandito lang kami lage." Ang sabi naman ni Tito Carlo na kapatid ni Daddy. Hinimas-himas niya ang buhok ko. Sumunod na yumakap sa akin ay ang asawa niya na si tita Loren.

"Tumawag ka lang kapag nagka-problema ka ha, Sabby? Dadating kaagad kami para sa'yo. Basta mag-iingat ka palagi." Tanging tango lang naisagot ko sa bawat paalala at bilin nila sa akin.

"O sige, aalis na kami. Tatawag kami palagi kaya 'wag ka nang malungkot. Basta tumawag ka lang kahit kanino sa amin ng  mga tito at tita mo kapag nagka-problema ka." Niyakap at hinalikan ulit ako ni tita Christine sa noo.

"Pinsan, aalis na kami."

"Aalis na kami," tinapik ako ni Tito sa braso. "Ellie... Zhander, kayo na muna ang bahala kay Sabrinah."

"Opo, ingat po kayo." Sagot naman ni Ellie.

Nang makaalis na sila ay  tumungo na kami sa kotse ni Zhander.  Hawak ni Zhander ang kamayy ko habang tahimik na naglalakad.

"Sab, kay Mark na ako sasabay, maaga pa kasi ang pasok ko bukas. Basta magpahinga ka, tatawag ako sa'yo." Paalam niya. Kinuha niya ang isang kamay ko. " 'Wag ka nang maging malungkot, malulungkot si tita kapag nakita ka niyang ganyan. "

"Oo. Mag-iingat ka."




                 *********

Tahimik lang kami sa buong biyahe, walang naglakas-loob na magsalita. At dala ng pagod at emosyon ay nakatulog ako. Naramdaman ko nalang na huminto ang kotse pero hindi ako nagbukas ng mga mata ko dahil sa sobrang pagod at panghihina.

 

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagtunog ng phone ko, pero nawala din kaagad.


Zhander’s POV

“Ellie, it’s me Zhander. “ Ang sagot ko sa tawag ni Ellie. Si Sabrinah ang tinawagan niya pero dahil natutulog siya at ayaw ko naman na maistorbo ang tulog niya ay ako na kaagad ng sumagot ng tawag.

“Ayos lang ba si Sabrinah?”  She asked, full of concern.

“Yeah, she’s fine. She’s sleeping.”

“Mabuti naman.” She sighed in relief. “ Ibababa ko na’to , tumawag lang ako para kumustahin siya. Zhander, ‘wag mo siyang iiwan mag-isa sa gabi dahil hindi siya nakakatulog kapag ganyang may pinagdadaanan siya. Please lang.”

“Don’t worry.” I said as I stared at Sabrinah na mahimbing ang tulog habang nakasandal sa closed window ng kotse. “Okay, bye.”  Pinatay ko na ang tawag.



Bumaba ako ng kotse at lumapit sa passenger’s seat. I unbuckled her seatbelt and wrapped my arms into her body to carry her into the house.
She’s so light.

As I walk into our bedroom, I feel her hugging me tightly together with sobs. Here goes her sobs again. I hate hearing it. I don’t like her crying.


Slowly and carefully, I put her down on bed. I took her shoes off of her and put the blanket on her.  Inalis ko ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa mukha niya ‘tapos hinalikan ko siya sa noo. 

I was about to left the room to get changed when she grabbed my wrist. “’Wag mo’kong iwan.”

I turned back and look at her face na may bakas ng takot.


Kinuha ko ang kamay niya at saka tumabi ng higa sa kaniya. “ I’m not going anywhere. Dito lang ako.” I said, slowly caressing her head.

Pina-unan ko sa kaniya ang braso ko at saka  ko siya niyakap.

Morning came and Sabrinah was still soundly sleeping. Napangiti nalang ako bigla.  Ang sarap gumising sa umaga na katabi ang taong gusto kong makasama for the rest of my life. The feeling is priceless.


After a few minutes of just staring at the sleeping Sabrinah on my bed ay tumayo na ako to prepare breakfast. I have decided na mag-leave sa work since Sabrinah is the most important than anything else. I have to stay with her until she feels better.


Pagkatapos kong magluto ay nagtimpla ako ng gatas para kay Sabrinah. When everything was set up, I went upstairs to wake Sabrinah up.
Mahimbing pa rin ang tulog niya nang balikan ko kahit tumatapat na ang sinag ng araw sa kwarto namin. Nakabukas na kasi ang kurtina.

“Hey, wake up. It’s breakfast time.” I kissed her on her forehead. “Wake up.”

Nagbukas naman siya ng mata pero halatang antok pa rin. “Good morning.” I smiled and kiss her on her lips. “Breakfast is ready.” Sabi ko at hinalikan siya sa lips ng paulit-ulit.

“Ano ba, stop it.” Cute na saway niya sa akin. Tinakpan niya ang mukha niya at saka nahihiyang ngumiti bago nagtalukbong ng kumot.

And I can’t help but laugh at her reaction. She’s so cute and beautiful. Always.

I got pregnant by a Billionaire Where stories live. Discover now