Chapter 14

148 27 2
                                    

Dedicated to sacbishi


SABRINAH

Nakaupo ako sa sahig ng kuwarto ni mommy hawak-hawak parin ang diary ni mommy nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan.

Pumasok doon si Zhander na may hawak na isang puting sobre. Lumapit siya sa akin at inabot ang sobreng iyon sa akin. Napansin ko na bukas na ang sobre kaya naisip ko na baka tiningnan at alam na ni Zhander kung ano ang nasa loob nito.

"Ano 'to?" Tanong ko nalang sa kaniya.

"That's for you, from your mom." Sagot niya.

Napatigil ako sandali. Parang may pumipigil sa akin na 'wag ko itong tingnan. Pero may parang nagsasabi rin na tingnan ko ito para malaman. Lalo na at galing kay mommy ito.

Napansin ni Zhander ang kaba ko kaya hinawakan niya ako sa kamay. "It's a letter from your mom." He said. Lalo tuloy akong kinabahan.

To My Lovely Sabby, Sabrinah
Ang sabi sa harapan ng puting sobre. Titingnan  ko na dapat ang nasa loob ng sobre pero biglang nag-ring ang phone ko na nasa bulsa ko. Dali ko itong sinagot.

"Sabrinah, si tita..."




           ~*~*~*~*~*~*~*~

(Hospital)

"Ellie, si mommy?" Agad na bungad ko kay Ellie. "Nasaan na ang mommy ko?!"

Walang sagot si Ellie. Yumuko lang siya.

"Sabs, w-wala na... Wala na ang mommy mo." Si Erickson na ang sumagot. Pagkatapos niya iyong sabihin ay napayuko siya.

Bigla akong natuod sa kinatatayuan ko.

"Gusto ko siyang makita." Nanghihinang sabi ko. Ilang minuto lang ay lumabas ang doctor pati mga nurse sa operating room kasama ang mga nag-aassist sa kanila. Tulak tulak ang isang stretcher na may nakatabon na puting tela.
Huminto ito sa harapan namin.

Lumapit sa akin ang doctor.

"Time of death, 9:41 PM." Sabi nito. "Hindi na kinaya ng katawan niya ang operasyon, I'm sorry. "  Ang huling sabi ng doctor bago tuluyang umalis.

Narinig ko ang paghagulgol ni Ellie. Lumapit siya sa akin at yumakap. Ramdam ko na nababasa na ng luha ni Ellie ang balikat ko pero bakit ako... Bakit wala man lang tumulong luha sa akin kahit isa man lang? Bakit parang ayaw tumulo ng luha ko? Hindi na man na ako nagpipigil, bakit hindi ako naiiyak?

Hinimas ko ang likod ni Ellie para tumahan na siya sa pag-iiyak na naging epektibo naman. Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin. Tulala ako nang yakapin ako ni Zhander nang mahigpit na mahigpit.

Bigla akong kumalas sa yakap ni Zhander at naglakad nalang basta. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Blanko ang utak ko. Magulo ang isip ko at hindi ko alam ang gagawin. Ganito ba talaga kapag naiiwanan ng ina?

Bata pa ako nang iwanan ako ni daddy pero tanda ko pa rin naman kung anong ginawa ko noon pagkatapos mawala ni daddy. Pumapasok pa din naman ako sa eskwela pero naging tahimik nga lang. Halos hindi kumikibo kapag kinakausap ng mga kaklase at hlos hindi kumakain. Paano pa kaya ngayon? Ano na ang gagawin ko?

Oo, siguro nga adult na ako pero bata pa rin ang asta ko kasi alam ko na nandiyan si mommy. Sinusuportahan at inaalagaan niya ako, kaya paano na ngayong wala na siya?

Ang daya naman eh.

Binigla mo naman ako mommy eh. Ano na ang gagawin ko ngayong wala ka na? Paano ko malalampasan 'to?

Hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako ng hospital. May nakita akong isang bench sa ilalim nang malaking puno kaya naupo ako doon.

"Sabby!"

Napalingon ako bigla sa pinagmulan ng boses. Sa pag-aakalang si mommy iyon dahil siya lang ang nag-iisang tumatawag sa akin ng Sabby.
Pero nabigo ako nang makitang iba ang nagmamay-ari ng boses at saka, hindi pala Sabby ang pangalang binanggit niya. Ibang pangalan pala.

"Abby, kanina pa kita hinahanap." 

"Mommy..." Banggit ng bata.

Napabuntong hininga nalang ako. Tumingin nalang ako sa langit at pumikit.

"Halika na. Baka umulan bigla, wala tayong dalang payong." Rinig kong sabi ng ina sa bata.

Napatingin naman ako ulit sa langit at tama nga. Mukhang uulan nga talaga anumang oras. Nangingitim na kasi ngayon ang kaninang maliwanag na kalangitan. Naalala ko na naman tuloy ang laging paalala ni mommy sa tuwing dumidilim ang kalangitan.

"Sabs, magdala ka ng payong, wag kang magpapaulan at baka magkasakit ka."

"Dalhin mo na itong payong baka umulan bigla."

Paulit-ulit ang boses na iyon ni mommy sa isipan ko hanggang sa magsimula na ngang bumuhos ang ulan. Kahit malakas ang ulan ay hindi parin ako tumatayo mula sa pagkakaupo kahit medyo nababasa na ako. Wala na akong lakas para gawin iyon kaya pinili ko nalang ang magpaulan.

Itinaas ko ang kaliwang kamay ko para saluhin ang ilang tulo ng ulan sa kamay ko. Nakakaramdam sakin ang langit. Siguro, dahil sa wala nang luha ang tumutulo sa mga mata ko ay nagpaulan nalang ang diyos.

Nagtaka ako nang bigla ay tumigil ang pagtulo ng ulan sa kamay ko kaya itinaas ko ang tingin at napagtanto na pinapayungan na pala ako no Zhander. Nakatayo siya sa harapan ko habang hawak ang isang payong. Hindi ko man lang napansin ang pagdating niya.

Tumabi siya sakin sa pag-upo.
"Bakit ka nagpapaulan? Magkakasakit ka niyan." Napatitig ako sa kanya.

Ang linyang 'yan... Ganyan na ganyan ang sinasabi sa akin ni mommy kapag nababasa ako ng ulan.

Nginitian ako ni Zhander. Hinawi niya ang mga basang hibla ng buhok ko na nakatabon sa mukha ko. Hinalikan niya ako sa noo at niyakap.

"Ayos lang kung gusto mong magpaulan, sasamahan kita. Kung wala kang dalang payong, ako ang magdadala para sa'yo." Sabi niya na nagpagaan ng loob ko.

Kumalas ako sa yakap niya ng dahan-dahan. Pagkatapos ay tiningnan ko siya ng taimtim sa mga mata.  Malakas pa rin ang buhos ng ulan pero parang mas naririnig ko ang pagtibok ng puso ko. Lalo na nang maramdaman ko ang pagdampi ng mainit na palad ni Zhander sa aking pisngi.

Hawak pa rin ni Zhander ang payong sa isang kamay niya habang nakatingin ng buong puso sa aking mga mata. Nanunukso pa ang tingin niya na iyon .

Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko kaya napalunok ako.

Napapigil hininga ako nang bigla niya akong kabigin sa batok palapit sa kanya.


At dahan dahan ay inilapit niya sa akin ang mukha niya hanggang sa maglapat ang mga  maiinit naming labi.



Don't forget to:

vote

comment

Follow

Thank you 💕

I Got Pregnant By  a BillionaireWhere stories live. Discover now