Part 5

580 38 5
                                    


Nagniningning ang mga mata ni Ranessa habang nakatingin kay Francis. He was sitting in front of her. Nakadekuwatro sa couch habang matamang tinititigan siya. Eleganteng rakista ang dating. At gusto niyang matunaw na parang isang ice cream sa ilalim ng araw.

“So, you are Ranessa Ramos?”

Todo ang ginawa niyang pagngiti. “Tawagin mo na lang akong Ran. Age is fifteen. Third year. Aquarius ang zodiac sign ko. At die-hard fan mo ako. Sobra! As in loyal talaga.”

Ngumiti rin ito. “Really? Kailan pa?”

“Ah... e… kahapon?”

Naglaho ang ngiti nito. “Kahapon lang ako nag-transfer. So ibig mong sabihin hindi mo kilala ang bandang kinabibilangan ko just ‘till yesterday?” He snorted. “Die-hard fan, huh?”

“Totoo! I mean ano kasi… Kahapon lang ako nagka-taste sa music. Pero nang makita kita—I mean nang marinig ko ang music niyo. I was mesmerized…” Madramang natuptop niya pa ang dibdib. “Grabe talaga! Dark Eclipse is the best!”

“Ppfft!!!”

Sa gulat ni Ranessa ay bumunghalit ng tawa ang binata.

“What’s your favorite song of our band then? The Dark Eclipse!” connotation pa nito gamit ang daliri.

Nagtatakang nakatingin lang dito si Ranessa. Patay! Wala akong alam sa kanta nila! “T-total eclipse of the heart?”

Ipinaling nito ang mukha. Umiiling habang nangingiti. “Hindi mo na kailangan pang magsinungaling. I’m not going to punish you just because you didn’t know Black Eclipse. May sampung porsiyento ng taong gaya mo. Walang hilig sa ibang genre.”

“Mahilig ako sa rock!” Itinaas niya pa ang isang kamay. “At sorry.” Napangiwi siya. “Malapit naman ang dark sa black, di ba?”

“So, kung hindi sa genre ang problema? Mismong banda ang hindi mo type.”

“Naku hindi! Ang mga bopols na gaya ko, walang alam sa mga banda! Hindi lang talaga ako nakikinig ng mga local music. Pero ang kapatid ko mula gradeschool, walang bukambibig kundi ang banda niyo. Matalino ‘yon. Accelerated at consistent valedictorian.”

Muli itong tumawa. “You have a very strange way of giving appraisal?” Tumayo ito. Nakapamulsang yumuko sa kanya. “Sabihin mo nga, gusto mo ba ako?”

Nang ilapit nito ang mukha sa kanya ay literal na napanganga si Ranessa. Those sexy red lips are taunting her.

“B-bata pa ako para magkagusto. C-crush lang.” Sapo ang namumulang pisngi na iniiwas niya ang mukha. “S-sino bang hindi magka-crush sayo? Kahit akong may pinakamababang IQ sa pamilya namin, marunong naman akong kumilatis ng guwapo.”

Amused na umupo ito sa tabi niya. Noon lang napansin ni Ranessa na lumang silid-aralan ang kinalalagyan nila. Subalit di na tulad ng dati ang itsura no’n. Gumala ang paningin niya sa paligid.

May ilang malalaking stereos doon. Instrumento tulad ng electric guitar, drums set, at keyboard. Sa dingding ay may nakadikit na mga tray ng itlog. Ang mga armchairs ay napalitan ng ilang stool sa harap. Ilang patong ng amplifiers ang nasa mesita sa sulok at isang computer.

Nagkaroon din ng mga sofa na siya ngang inuupuan nila ngayon ni Francis. May personal ref rin, coffeemaker, microwave oven, at lalagyan ng tablewares mula sa isang parte ng kuwarto.

“Pinagamit sa akin dean. He said it was okay,” sagot ni Francis nang huling bumaling ang tingin niya dito. “It’s pretty convenient.”

“Err… mukha nga.”

Love  Links 7: You Are My Dearest Prescription [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon