Part 26

703 39 6
                                    


“Wow! Blooming! Ang ganda mo yata ngayon!” Lahat ng makasalubong ni Ran ay ‘yon agad ang dialogue pagpasok niya pa lang ng entrada ng St. Vincent. Halos lahat ay binibigyan siya ng second glance. Maging ang dalawang guwardiya sa harapan ng ospital ay nagkandabali-bali na ang leeg sa pagsunod ng tingin sa kanya. At nako-conscious siya!

Macky really did help her. Natulog ito sa apartment niya at tinulungan siyang mag-ayos. Her hair was not on the usual bun. Nakalugay ang hanggang balikat na buhok niya. May kulay pero cellophane lang naman. It was bronze na lalong nagiging matingkad ang kulay kapag tinatamaan ng sinag ng araw. Thick curls ang style ng buhok niya. Courtesy ng pagkamahal-mahal na ceramics na plantsa ng kaibigan niya.

Nang nakaraang gabi ay nag-apply ito ng hot oil sa buhok niya kaya naman lalo iyong naging malambot at bagsak. Her face has a very light make-up. Likas na makinis naman ang kutis niya kaya hindi na niya kinailangan pang magpa-facial. Macky did wonders in her eyes. Gumamit lang ito ng liquid eyeliner at mukha na siyang isa sa mga koreanang endorser ng Etude. Light pink ang kulay ng kanyang lipstick. Bagay daw ang kulay na ‘yon sa soft features ng mukha niya sabi pa ng bading.

Mukha daw siyang anghel na bumaba sa lupa. Ang tipo ng babaeng sineseryoso at inihaharap sa dambana. Hindi niya raw kasi style ang pagiging sopistikada. Masyado naman daw OA kung pilit at hindi naman niya talaga estilo. Kaya naman ang ini-enhace nito ay ang kainosentihan niya. In short, disente pa rin siya. Beautiful and decent like an angel.

May hiya siya kanyang dibdib nang pumasok siya sa ER. Nakabunggo niya si Dr. Pagaduan. Nabitawan nito ang hawak na chart. Sabay nila iyong pinulot.

“Sorry—” Literal na naestatwa ito nang makita siya. “R-ran?” Tila hindi pa ito sigurado na siya nga ang nasa harap nito.

“Good morning Dok,” kaswal siyang ngumiti.

Ilang beses itong napakurap. “You—you… looked so beautiful…” waring nahipnotismo ito. Hindi nagawang bitawan ang kamay niya.

“Thank you, Dok. Paalis na po ba kayo?”

Wala pa rin sa sariling napatango ang doktor. Ilang steps na ang nagagawa nito nang tawagin siya nito.

“Yes?” muli niya itong nilingon.

“Can… Can I invite you for a dinner tonight? Ahm. Alam mo namang matagal na ‘kong nagpapansin sayo. Though I’m not pushing it cause I thought you’ll reject me. Pero ngayong nakikita kita ng ganito…” Napailing ito. “Kinakabahan ako na baka hindi lang ako ang makapansin sayo.”

Napatanga siya. “Dok…”

“It’s alright. Kahit friendly dinner lang. I’m not going to expect anything but at least give me a chance that I can also be a man in front of you.”

She was too shy to refuse. Reluctant na pumayag siya. Masayang kumaway ang doktor. Wala naman sigurong masama kung pagbibigyan niya ito. Kahit isa lang ang taong nasa puso niya. Kung sakaling wala talaga siyang pag-asa kay Francis. Baka tama si Macky na ma-revive ng cardiologist ang puso niyang nakaamba na namang masaktan.

Ilang nurse at doktor ang napasukan niya sa loob. Puri at kantiyaw ang inabot niya sa mga ito. Bumaha pa ng katakut-takot na tanong at kuro-kuro. Kesyo daw baka may boyfriend na siya kaya siya blooming. Agad na hiningi ng mga luku-lukong doktor at nurse ang number niya nang pabirong sabihin niya sa mga ito na naghahanap pa lang siya ng nobyo. Ang tawanan nila ang dinatnang eksena ni Francis.

Awtomatikong tumingin siya dito at awtomatikong tumingin din ito sa kanya. But the guy didn’t look at her for at least five seconds. Balewalang pumasok ito sa loob. Bumati ng mahinang good morning at dumiretso sa employee’s locker room. Parang tinadyakan sa dibdib si Ranessa.

Love  Links 7: You Are My Dearest Prescription [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon