Part 6

569 36 3
                                    


“Grabe, Ate! Hindi ako makapaniwala! Totoo ba ‘to?” kanina pa paulit-ulit na sambit ng kapatid niyang si Paulina.

Hindi siya nagkomento. Nanatiling nakikigulo at nakikianod sa ingay ng mga audience sa ibaba ng stage. Concert iyon ng Black Eclipse. Ginawa niya ang lahat para makarating kahit sa Maynila pa iyon. 

“Junta, iiwanan ko ang boyfriend ko para sayo!!!” sigaw ng isang babae.

“Cykiel I’ll give you my inheritance, pakasalan mo lang ako!”

“Francis! Wuhoo! I love you!!! Nakahanda akong maging ina ng mga anak mo!”

Doon na siya napahinto. Yamot na napalingon sa mga nagsisigaw na fans. “Pambihira! Ang iingay naman ng mga hitad na ‘to! Sixteen years old pa lang si Francis! Mga matronang ‘to…”

“Sshh! Ate, huwag ka nang umepal. Hayaan mo na sila. Suwerte pa rin tayo at nandito tayo sa unahan. Shucks! Kainis ka! Kung hindi ka pa no choice at hindi mo naisabit si Melody sa lakad mo, hindi ko pa malalaman na sa school niyo nag-aaral ang isa sa member ng Black Eclipse.”

“Huwag ka nang magreklamo diyan, Paulina. Nunka kitang isama kung hindi mo aksidenteng nakita ang tickets sa kuwarto ko. Pakialamera ka talaga! Tiyak na lagot ako kay Daddy.” Nasabunutan niya ang sariling buhok.

Binunggo siya nito sa balikat. “Don’t worry. Hindi niya naman malalaman e. May kaso siyang hawak dito sa city. Sa makalawa pa siya uuwi ng Bataan. At bago mangyari ‘yon, nakauwi na tayo. Safe and sound. Mas dapat na i-enjoy na lang natin ang moment na ‘to.”

Tumingin siya sa stage. Mula roon ay nakita niya ang tumutugtog na si Francis. Nakapikit ito habang abala ang mga kamay sa electric guitar. Pakiramdam ni Ranessa ay tila ito magnet sa kanya. Hinahatak ang kanyang paningin at atensiyon.

The way his fingers beautifully pressed and strummed the strings. The way his body mystifyingly moved and swayed over the crowd of people who she knew revered him. The way his eyes opened and looked at her—Nahigit niya ang hininga. Kumurap ang mga mata. Pero nakatutok pa rin ang mga mata ng binata sa kanya. Teka, sa kanya nga ba?

“Ladies and gentlemen. I would like to use this opportunity to introduce our new song. Last month lang nangyari ang recording. Pero napag-usapan na namin na dito sa concert informally ipakilala ang kanta.” Nagsalita ang bokalista na si Junta. Tumingin muna ito sa mga kasama sa stage. “The first ever rock love song of Black Eclipse. Composed by our very own lead guitarist, Francis. Here’s the song entitled Ran. Hope you like it guys.”

Daig pa ni Ranessa ang UP oblation sa pagkaestatwa. Napako siya mula sa kinatatayuan.

“Ran? Teka ate, ikaw ba ‘yon? Sayo ipinangalan ni Francis ‘yung kanta? O coincidence lang? Run as in takbo? O Ran as in palayaw mo?” Niyugyog siya ng katabing kapatid.   

“E-ewan ko. Tumahimik ka, puwede?”

Umugong sa tainga niya ang pamilyar na lyrics na ginawa.

Every day is full of mystery. Want to chase something that I could grasp with my hand. Am I being too shallow with these feelings?

I forgot to lock my heart when I’m in front of her. First encounter with a laughter. Seconds turned to minutes. I can hear the whisper in my ears.

Hindi niya maialis ang paningin niya kay Francis. Sumasabay ito sa ilang linya ng kanta.

Will you rather hear me out if I became part of your world? This voice that calling unto you if I’m not mistaken. I’ll be someone who will listen.

You can cry… you can lie. I’ll bear everything ‘till the day you say goodbye. Cause I know the word that hits me. Love will set us free.

Pumuno ang malakas na hiyawan ng mga tao sa loob ng concert hall. Tilian ng mga babae ang nangingibabaw. Alam ni Ranessa ang dahilan. Kahit ang pulso niya ay kasabay na nagwawala ng ingay sa paligid. Sa unang pagkakataon, naramdaman ng mga babaeng ‘yon ang pagbubukas ng puso ng banda. Nagpapahayag sa simula ng posibilidad na istorya ng pag-ibig ng bawat miyembro.

Love  Links 7: You Are My Dearest Prescription [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon