Part 19

597 52 12
                                    


“Tatlong linggo mo na akong hindi kinakausap,” mahinang saad ni Francis.

Nanatiling nakatanaw sa malayo si Ran. Pareho silang nakaupo sa bench ng binata. Magkatabi subalit may distansiya.

“Kung hindi pa kita nakorner dito sa school. Babalewalain mo pa rin ako.”

Hindi niya makuhang bumaling dito. “Nag-isip ako, Francis. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Ang problemang pinoproblema ko. Isang bagay na ayaw mo namang pag-usapan. At natatakot akong malaman ang tunay na saloobin mo kaya kita iniiwasan.”

Ramdam niya ang ginawa nitong paglingon sa kanya. “Is it about Wendy?”

Mapakla siyang ngumiti. “Mahal mo pa rin siya, di ba? I saw you kissing her inside the car.”

Napahilamos ito sa mukha. Umiling-iling. “No! Hindi ako ang nag-initiate ng halik na ‘yon!” pagtanggi nito. Pero pamaya-maya pa ay bumakas ang guilt sa mukha nito. “I’m sorry. It’s my fault for letting my guard down. I don’t want to love her.” Humarap ito sa kanya. “Ran… Kung mawawala ako sa paningin mo, makakalimutan mo ba ako?”

Tumaas ang kamay niya papunta sa pisngi nito. Marahan siyang ngumiti. “Iyon ang bagay na hindi ko magagawa, Francis. Pero siguro mas makabubuti kung magiging isang magandang ala-ala ito para sa ating dalawa sa hinaharap. Dahil kung sakaling maiisip kita, gusto ko ‘yung mapapangiti ko. Gusto ko maiisip ko na naging magandang parte ka ng buhay ko. Na kahit papaano, may isang Francis Van Robles na nakapasok dito sa puso ko.” Pumatak ang pinipigilan niyang luha habang tuptop ang dibdib. “Ang hirap paniwalaan na ang first boyfriend ay kabilang sa sikat na banda. Wuhoo!Baka walang maniwala sa akin.” Pilit siyang tumawa kahit ayaw tumigil sa pagdaloy ang mga lintik na luha niya.

“Do you love me?” nagsusumamo ang boses nito.

Tumango siya. “Yes. Umibig ng sobra ang batang puso ko. Sa puntong nasasaktan ako sa tuwing nakikita kita. Siguro nga tama si kuya. Napakabata ko para maintindihan ang lahat maging ang sarili kong nararamdaman. Dahil takot akong sumubok at takot akong umasa. Takot akong mahalin ka, Francis dahil hindi ka sigurado sa nararamdaman mo. Dahil baka kahit anong gawin ko, hindi mo ako matutunang mahalin.”Napahikbi siya. “I’m sorry!” Inalis niya mula sa tainga ang suot na hikaw. “I shall treat this as a puppy love. Hindi para sa akin ang sapphire earring na ‘to.” Kinuha niya ang palad nito at inilagay doon ang hikaw.

Mahigpit na naikuyom nito ang palad. “So, this is goodbye?” May kinig ang boses nito. Kumislap ang mga mata nito at tumulo ang luha.

Tumingala siya para pigilin ang sariling emosyon. “Idiot! Huwag mo na akong paiyakin, buwisit ka!” Natakpan niya ang bibig. “Ayoko talagang gawin ‘to.” Kumawala ang ungol sa kanyang lalamunan at napahagulgol siya.

“Don’t leave me.” Pinigilan siya nito nang magtangka siyang umalis. Hawak nito ang kanyang braso. “Please… Ran. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling iiwanan mo ako sa ere.”

Umiling siya. “This is what you need. And this is what I need. Siguro mali ang timing natin, Francis. Bata pa ako. At ikaw rin. Hindi kita kayang intindihin kung nasasaktan ako. Ikaw naman pinipilit mo ang sarili mong umibig sa iba. Well in fact, hindi dapat pinipilit ang pagmamahal. Dapat kusang sisibol at kusang nararamdaman. Hindi ginagawang dahilan para takasan ang mali. Kundi ginagawang basehan dahil pakiramdam mo tama ang lahat ng nararamdaman mo.”

“I know.” Tumango ito. Bakas ang paghihirap ng loob sa mukha. “I’m leaving, Ran. Gagawin ko para sayo. At para sa akin.”

Pumuno ang pag-aalala sa kanyang dibdib. “A-aalis ka?”

“Yes. Tutulak ako papuntang Amerika pagkatapos ng graduation.” Pinilit nitong ngumiti. “I’m leaving the city so I’m going to be parted from the band. Baka ma-disband na rin ang Black Eclipse dahil may plano rin ang ibang miyembro na mag-aral ng kolehiyo.”

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Nahihirapan siyang makahinga.

“I’m not going to see you anymore ‘till then. Sorry kung nasaktan kita.” Hinaplos nito ang pisngi niya. Pinahid ang luhang hindi maampat ang pagtulo sa pisngi niya. “Stay as you are. I like that cheerful side of yours. Iyon ang nagustuhan ko sayo. I wish to see your smile once again. Ngitian mo naman ako sa huling pagkakataon, Ran.”

Napasinghot siya. Kahit gusto niyang ngumawa ay marahas na itinaboy niya ang kanyang mga luha. She collected every piece of courage inside of her to smile in front of him. “Take care, Francis. You’ll be a precious memory for me.” Para sa kauna-unahang taong nagkaroon ng puwang sa kanyang puso. Si Francis ay mananatiling si Francis para sa kanya. At ipinangako niya sa sariling sa susunod na pagngiti niya dito kung sakaling magkita sila ay ‘yung totoo na sa loob niya.

~~~~~~~~~~~~~~~

Eight years later...

“Tabi-tabi lang po! May nag-aagaw buhay po sa ER. Emergency! Excuse me pow!” Tulak-tulak ni Ran ang Automated External Defibrillator habang binabaybay ang mahabang pasilyo ng ward. Imbes na siya ang umiwas ay siya ang iniiwasan ng mga taong nakakasalubong niya. Takaw-aksidente kasi siya kaya naman magmula ER, OR, DR at ward ay namamayagpag ang pangalan niya sa St. Vincent Medical Hospital sa Morayta.

Ranessa Ramos. Now at twenty-four is a certified nurse. Bakit siya naging nurse? Mababaw lang ang rason niya sa simula. Gusto niyang makapag-asawa ng doktor. Subalit nagbago ‘yon nang magsimula siyang mag-duty sa ospital. Enjoy na siya sa kanyang trabaho. At ang mga doktor na nakakasalamuha niya ay sadyang napakahirap intindihin pareho ng mga penmanship ng mga ito. Isang bagay ang natutunan niya sa mga ito, ang mga size ng utak ng mga ito ay mananatili sa kanyang misteryo.

“Dr. Sanchez! Bawal manigarilyo dito sa hallway!” saway niya dito nang madaanan niya.

Ngumiti lang ang may katabaang pulmonologist at kinindatan siya. Isa ito sa mga katrabaho niyang di niya ma-gets. Nagbibigay ng advise sa mga pasyente na tigilan ang paninigarilyo samantalang ito ay nakakailang stick ng Malboro sa maghapon. Well, hindi naman siya inis dito dahil mabait ito at madaling pakisamahan.

****

I'll post the next part on June 15.

Thank you for reading!💜💜💜

Love  Links 7: You Are My Dearest Prescription [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon