Part 18

577 43 7
                                    


Francis knocked again on the door. Muli ay naroon siya sa apartment na tinutuluyan ni Ran nang linggong ‘yon. Matapos ng kanilang gig ay doon agad siya dumiretso ng hapong ‘yon.

Di niya naintindihan ang away nila. At hindi siya mapapanatag hangga’t hindi sila nagkaka-ayos. Hangga’t hindi niya nalalaman ang bagay na ikinagagalit nito sa kanya.

“Ranessa! Mag-usap tayo!” Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Ngunit imbes na babae ang mabungaran niya. Ang kuya nito ang tumambad sa harap niya.

“Why are you here?” malamig na turan nito.

“I want to talk to your sister. Let me see her.”

Nakapamulsang hinarap siya nito. Mas matangkad ito sa kanya. Pero walang balak na umurong si Francis. Alam niyang mas matanda ito sa kanya. At hindi siya nito gusto. Subalit wala siyang balak magpa-sindak.

“Wala dito si Ran.”

Sarkastiko ang ginawa niyang pagngisi. “Sigurado ka? Hindi mo naman siguro siya itinatago sa akin, di ba?”

“Malamang itatago ko nga siya kung nandito siya. Pero wala nga siya. Umalis ka na. Nakakaistorbo ka. At puwede, tigilan mo na ang kapatid ko?”

“I am her boyfriend,” mariin niyang bigkas. If the brother didn’t like him, he disliked him more ten times.

“Not on my book. Hinding-hindi kita kikilalanin bilang nobyo niya. Magpakatino ka man o magmukha ka mang matino.” Naglakbay ang mga mata nito sa kanya mula ulo hanggang paa. “My first impression of you wouldn’t change. You are just a little punk. Maghanap ka ng ibang babaeng paiiyakin mo, my precious little sister is out of your league.”

He smirked. “You are too domineering for a brother. Kung tunay na kapatid ka niya, baka maniwala pa ako sa concern na ipinapakita mo. Anong tunay na matibo mo?”

Nagtagis ang mga ngipin nito. On one second, ibinalandara siya nito sa pinto at kinuwelyuhan. “Don’t line me with the likes of you! Hindi ako tulad mong pumapatol sa sariling stepsister niya!”

Mahigpit na hinawakan niya ang kamay nitong hablot ang damit niya. “Just be sure that you’re not making any move on your sister. Dahil kapag kinain mo ang mga sinabi mong ‘yan, ako mismo ang papatay sayo!” Tinabig niya ang kamay nito.

“Ang lakas ng loob mong magsalita ng ganyan gayong hindi ka naman mananatili para kay Ranessa. You are leaving her after graduation, right? Don’t be too conceited! Umaasa kang magiging okay lang siya habang wala ka? Don’t dream for the impossible! May sariling buhay ang kapatid ko. Napakabata pa niya para matali sa isang pangakong ni hindi mo alam kung mapapanindigan mo.”

He stopped like a statue. Sinabi nito ang isang bagay na hindi niya gustong pag-isipan. Na tinatakasan niya dahil alam niyang hindi niya ‘yon kayang harapin. He just didn’t know what to do in his life. Madali niyang nakukuha ang lahat. Pero nawalan siya ng sariling pangarap. Dahil napagtanto niyang ginagawa niya ang ilang mga bagay hindi para sa sarili niya, kundi para sa ibang tao.

Iyon ang sinabi sa kanya ni Ran. She’s right. Papaano niya mapag-iisipan ang takbo ng buhay niya kung nagpapatianod lang siya sa mga bagay-bagay? Wala siyang plano sa sarili niya. Ni hindi niya pa napagpapasyahan ang kursong kukunin niya. How could he be the right man for her if his own life didn’t feel right at all?

Matapos ang mahabang buntong-hininga ay nilisan niya ang apartment. Magulo ang isip niya. Pero isa lang ang alam niya. Ayaw niyang mawala si Ranessa sa buhay niya.

~~~~~~~~~~~~~~

“Papa I don’t want to study political science on US,” ungkat ni Francis sa hapag kaharap ang pamilya niya.

Love  Links 7: You Are My Dearest Prescription [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon