"Ano ba ang hustisya?" tanong ni Keighn habang pinag-lalaruan ang daliri.
"Bakit hindi mo itanong sa asawa ng Kuya mo?" I asked, sarcastically.
He heard him tsed before he drink his wine. "You know how sensitive he is. Ayaw niya malaman ng asawa niya ang tunay niyang pagkatao,"
"Justice my ass, matagal nang patay ang hustisya," Drake interrupted us.
May hawak siyang bote ng alak at nilagyan ang aking baso. Umupo siya sa aking tabi habang masayang tinapik ang aking braso.
"Hindi namatay ang hustisya, natabunan lang ng kasakiman at kasamaan," Drake said, full of anger.
"I don't believe in justice. Dahil kung may hustisya man bakit kailangan natin pumatay para ipaglaban ang hustisya sa bulok na sistema?" I gritted my teeth while mesmerizing the painful chapter of my life.
Bigla ko naalala ang dahilan kung bakit ako nawalan ng tiwala sa hustisya. Ang araw ko kailangan pinagka-itan ako ng karapatan upang sumaya at kung paano binulag ang mga tao ng malinh pangako na nag sanhi ng madugong hustisya.
It was Christmas when I waited for my father to come back home. I seated in front of our gate while doing my school works. I was in grade 1 yet the memory was still clear - like it was meant to shattered my soul.
"Anak, pumasok ka rito sa loob baka lamigin ka," mahinhin na sabi ni Mama.
Pinunasan niya ang aking labi na puno ng dungis.
"Ano ba ang kinain mo?" natatawa niyang tanong.
Kahit ang kamay ko na binabalutan ng alikabog ay kanyang pinunasan gamit ang kanyang puting panyo.
"Kumain ako ng tsokolate at naglaro sa labasan kanina," I responded.
Tumingila ako sa kalagitan, namangha ako sa kulay rosas na langit.
"Mama, kulay rosas ang langit!" nagagalak kong sabi sa aking Ina.
Biglang may tumulong dugo sa aking puting papel. Iiyak na sana ako ng biglang pinunasan ni Ina ang aking papel kung saan may kumalat ang dugo.
Bakas na bakas ang kulay pulang dugo sa puti na papel.
Kailangan ko umulit ngunit tiyak na hindi na mauulit ang dating pagkakamali. Ngunit sino ba ang aking niloloko? Kahit ilang dugo pa ang dumanak sa aking papel ay lagi itong mapupunit. Sapagkat magaling ang mga tao sa pagbasa ng nilalaman ngunit hindi pipiliin ang aral sa nakalipas.
"Huwag mo iyakan ang dugo na nabahid sa iyong papel, mas iyakan mo kung saan nanggaling ang dugo," wika ni Ina.
Tumayo siya at dinala sa aking munting palad ang kawawang ibon na pinaslang sa gitna ng alapaap. Binato habang sinasariwa ang kalayaan.
"Bakit kailangan siya batuhin ng mga tao? Wala siya ibang hinangad kun'di kalayaan?" naguguluhan kong tanong sa aking Ina.
"Hindi lahat ay sasang-ayon sa kalayaan. May mga tao na mas pipiliin isakdal ang kanilang sarili sa rehas ng kalupitan kaysa piliin ang tama. Hindi porque naging rosas ang kalangitan ay hatid nito ay pag-asa. Sa sobrang pagiging kampante nakakaligtaan natin na hindi pa tapos ang laban at maaari pa maging dugo ang kalangitan," mahinhin na sabi ni Mama habang pinikit mata ng kawawang ibon. Hudyat ng pamama-alam.
"Mama, bakit kailangan po mamatay?" I innocently asked my mother.
She sighed before she faced me.
YOU ARE READING
Zech Chartreuse
RomanceZech Chartreuse is an orphan kid who witnessed the world's cruelty at the very young age. He believes that he born to kill for living. He consider himself as dangerous man who doesn't deserve to be loved and accepted. He is a secret assassin who tur...