CHAPTER ONE

1.2K 34 13
                                    


"When you turn to 18 we'll get married"

"When you turn to 18 we'll get married"

Paulit- ulit iyong nagp-play sa utak ko. Hanggang ngayon ay hindi ko padin makalimutan ang sinabi ni Sir Monteverde sa'kin bago ako lumabas ng office n'ya. Napabalik lang ako sa reyalidad ng mayroon akong nabangga.

"Ay! Sorry!" Ani ko dito at tinulungan itong pulutin ang mga libro nya na nahulog noong nabunggo ko s'ya. Umangat ito ng tingin sa'kin. Nagulat ako sa reaction nito. Nanlalaki ang mga mata nito na naka-tingin sa'kin. Kinuha nito ang librong hawak ko at pinulot ang iba pa.

"Ay! Ako na po" natatarantang ani nito. Tumayo ako at tumayo din s'ya. Bahagya pa itong naka-yuko. Humingi ito ng tawad sa'kin saka nagmamadaling nilagpasan ako. Weird.

Mas lalo yatang weird ang atmosphere dito sa school namin ng mag simula na ulit akong maglakad. Naka-tingin lang ako sa mga estudyante ng nagtataka. Lahat kase sila tuwing dadaan ako ay biglang matataranta at mag sisiiwas. Anong mayroon?

Mas lalo akong nagtaka dahil ng makapasok ako sa room namin ay walang sumalubong na maldita sa'kin. Noon kase tuwing papasok ako sa room ay mayroon na kaagad na haharang sa'kin at pagsasalitaan ako ng kung ano.

"Rapunzeeeeelll! Nakapag- review ka ba? May quiz kase tayo ngayon sa Science e" Ani sa'kin ni Melka ng maka-upo ako sa tabi n'ya. Nilabas ko naman ang notes ko at binigay sakanya.

"Aanohin ko 'to?" Tanong nya sa'kin habang naka-kunot ang noo na nakatingin sa'kin.

"Kung kaya mo, lunokin mo" Ani ko dito. Napangiwi naman ito.

"Biro lang, sabi ko nga babasahin." Ani nito sabay peace sign pa sa'kin. Nag basa naman ito at tumahimik na.

"Melka" pabulong na tawag ko dito. Inilipat nya muna sa kasunod na pahina ang notes bago ako sagutin.

"Hmm?" Ani nya na ang mga mata ay nasa notebook padin.

"Wala ka bang napapansin?-" pinutol naman nito ang sasabihin ko.

"Wala naman." Inis na sinamaan ko ito ng tingin.

"Oo na! Oo na! Meron. Ang we-weird na naman ng mga estudyante at pati kaklase natin ngayon, kesyo walang nang bully sa'yo, nang asar at kung ano pa!" Ani nito. Bigla naman nitong isinara ang note at lumapit sa'kin para bumulong.

"Utos kase 'yan ni Sir Monteverde" Saad nito. W-What?!

"Good morning class!" Bati sa'min ni Sir Lim, teacher namin sa Mathematics ng makapasok ito sa room. Nagsitayuan naman kami at binati s'ya pabalik. Discuss lang ng discuss si Sir hanggang sa makarating kami sa recitation.

"There are two basic equations here, who'll answer the first one?" Ani Sir. Wala namang nag-taas ng kamay kaya Nagsimula itong maglakad sa gitna habang nakatingin samin isa-isa.

"Mr. Del Villa! Answer the first equation" kaagad naman tumayo si Rick at sinagutan ang equation sa board.

"Okay, good. Second equation?" Ani Sir Lim at inilibot pa ang paningin.

"Ms. Abanzo!" Tawag ni sir kay Kyla, classmate namin. Napakamot naman ito ng ulo bago tumayo.

"I-i don't know, sir" kabadong ani nito kay sir. Napa-buntong hininga naman si Sir.

"Arranzo?" Nanlaki ang mata ni Melka ng marinig na tinawag s'ya ni sir. Nawala din kaagad 'yon at napalitan ng ngiti bago tumayo. Para namang nag-liwanag Ang mukha ni sir.

"I bet you know the answer, Arranzo" Ani Sir dito.

"Hehe, di ko din po alam sir e!" Sagot ni Melka dito. Napatawa naman ang mga kaklase namin. Napatigil lang sila ng mapansin ang masamang tingin ni sir.

Monteverde Brothers#1: Aldrin MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon