Chapter Two
{ Candice's POV }
Its been one week since lumipat ako sa Berlin Academy. Naging close na din ako kina Nica.
Its lunch time at pumunta na kami sa cafeteria. Medyo kabisado ko na din ang school na to.
At sa one week ko dito, sanay na ako sa mga eksena sa school na to. Nagtilian ang mga estudyante. Hudyat na nandiyan na ang Decline.
"I LOVE YOU DECLINE!" Sigaw ng mga babae. May mga naging kaclose na din akong lalaki dito. At lahat sila, ang number one sa hate list ay ang Decline dahil sakanila lang nakatingin lahat ng babae sa Berlin.
"DIE JASMINE GUEVARRA, DIE!" Sigaw ng isang babae. Natahimik lahat at napahinto din ang Decline sa mala f4 na paglalakad. Mukhang galit ang mga itsura nila.
"Sinong nagsabi nun?" Kalmadong sabi ni Ace.
Nagulat kami ng biglang sumigaw si Ace. "SINO ANG NAGSABI?!" Woah. Galit talaga siya.
"A-ako..." tumayo yung babae na nasa kabilang table namin.
Naglakad si Ace papunta dun sa babae. All eyes on them. Taray. Koreanovela ang peg.
"Ace, hayaan mo na." Pigil sakanya ni Jasmine.
"No, Jasmine. Hindi pwedeng nababastos at napapagsalitaan ka ng ganun."
Napangiti ako. All of these, already happened to me. OA at overprotective din ang CLC saakin noon. Hindi nila hahayaang may mangaway sakin.
"Say sorry to her." Utos ni Ace dun sa babae.
"S-sorry Jasmine.." Naiiyak na yung babae sa takot. Sus. Takot pala sinabi pa yun.
"Next time, ayoko ng marinig na may mangiinsulto pa kay Jasmine. Let's go. Nawalan ako ng ganang kumain." At ayun, lumabas lang ulit sila ng cafeteria.
"Araw-araw nalang ganyan ang eksena haynako." Sabi ni Nica.
Oo nga. Ganito nalang palagi ang scene dito sa cafeteria. Nakakasawa na.
"Nood tayo gig nila mamayang gabi ha. Sama ka, Candice?"
"Sorry hindi ako makakasama. May gagawin pa kasi ako eh." Sabi ko. I'll be meeting with Tristan, CLC's drummer. Ang pinakaclose ko sa buong CLC.
"Sayang naman. Sa Saturday, sama ka samin sa gig nila ha?"
"Saan ba?"
"Sa Canon Rock. Sama ka ha, please!" Canon Rock. Yung katapat nun, Agatha, dun naman ang gig ng CLC. Um-oo nalang ako. Ayoko na ding.. magpakita pa sa CLC.
"Nga pala guys, wag niyong kalimutan. Half day lang tayo bukas ha." Halfday?
"Bakit?" Tanong ko
"Ah, tuwing Friday halfday lang talaga. Tumutugtog kasi ang Decline every Friday sa school. Diba ganun din sa St.Andrew?" Parang ang daming alam ni Katrina sa St.Andrew ha.
Lumabas na kami ng cafeteria pagkatapos naming kumain at tumambay muna kami sa School garden. Madalas kaming tumambay dito dahil tahimik at peaceful.
"Katrina." Napatingin kami sa lalaking humarang samin.
"Inigo I don't have time for you. So please." Inigo? Oh siya yung sa Decline.
"Katrina.. pakinggan mo naman ako." Wait. Anong meron sakanila? Naging sila talaga?