Chapter Three
{ Candice's POV }
"Hoy ate! Kanina ka pa nakatulala diyan." Napatingin ako kay CJ, 13 yr old brother ko.
Napailing nalang ako at napabuntong hininga. Hindi ako matahimik. Yang Ace naman kasi na yan eh!
{ Flashback }
"Don't you dare touch my slave."
"A-ace. Sorry sorry, tara na dali!"
Nagmadaling umalis yung mga babae at tumakbo palayo. And I was left dumbfounded habang ang lalaking nasa harap kong nagngangalang Ace ay nakangisi.
"Anong... ibig mong sabihin?"
"YOU.ARE.MY.SLAVE."
"Slave for what?!"
"Punishment sa pakikinig sa usapan ng iba. Be my slave or lalong hihirap ang buhay mo sa Berlin?" And with that, umalis na siya.
{ End of Flashback }
"Ughhh! Mababaliw na ko!" Ginugulo ko ang buhok ko out of frustration.
"Ano ba yan ate! Nakakairita ka. Diba may pasok ka pa?"
"Hala oo nga!" Nagmadali na akong umalis para pumasok. Sht halos makalimutan ko na.
Kasalanan to nung Ace na yun eh! Napatigil ako sa paglalakad. Slave... ibig sabihin uutus utusan niya ako? PA? Katulong?
Prinsesa ako sa bahay tapos gagawin niya lang akong muchacha niya?!
Teka. Ano pang ikinakatakot ko? As if namang kaya niya akong utus utusan. Pwede naman akong tumanggi. Ha, ibla-blackmail ko siya na ipagkakalat ko ang narinig ko kapag ginawa niya akong "slave" niya!
Friday ngayon at halfday lang kami. First time kong maririnig tumugtog ang Decline mamaya since hindi sila nakatugtog last week dahil something came up daw. Pero parang ayokong pumunta. Ayoko ng makita yang Decline na yan!
Pagkadating ko sa school ay may 10 minutes pa bago magsimula ang klase.
"Goodmorning Candice! First time mong mapapanuod ang Decline na tumugtog mamaya diba?" Tanong ni Janine. Tumango ako.
Marami pa ring galit kung makatingin sakin. Kasi nga, kumanta ako kasama ng Decline. Psh. Ang O.A. Subukan lang nila akong awayin, makakatikim sila sakin ng malutong na sampal!
Psh. Sayang lang at hindi ko nakaaway yung mga babae kahapon. Pinigilan kasi nung Ace na yun. Feeling knight-in-shining armor!
Wala pa din yung katabi ko. At yung si Ace naman, nowhere to be found. Wag na sana siyang dumating pa!
Dumating na ang homeroom teacher namin at wala pa din talaga si Bleu at Ace. So mukhang wala talaga sila ngayon. Yes!
"Goodmorning cla--"
Bigla namang pumasok ang hinihintay ng lahat. Si Bleu at Ace. Dumiretso na sila sa upuan nila at humarap ako sa side ni Bleu dahil ayokong magpakita kay Ace.
"Morning." Sabi ni Bleu.
Napangisi nalang ako. Makulit at mabait naman tong si Bleu eh. Minsan lang talaga masungit.
Natapos ang dalawang klase at pinagbreak na kami. At ayun, pinagtitinginan pa din ako. Ano ba yan, hindi ba sila makaget over?! Aish.
"Instant celebrity ka, Candice! Pinanlilisikan ka ng mata ng mga yan oh!" Psh. As if I care.