Chapter Four

123 5 2
                                    

Chapter Four

{ Candice's POV }

"Bye mom, papasok na po ako." Humalik ako sa cheeks ni mommy at nagpahatid nalang sa driver namin since tinatamad akong maglakad ngayon.

Buti at hindi na gaano kalala ang galit sakin ng fangirls ng Decline na yan. Masama lang tumingin pero no harm naman.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko.

From: Ace Salazar
Buy me breakfast at the cafeteria and deliver it here in the practice room.

Hindi ko alam pero imbis na mainis ako, natuwa pa akong inutusan niya ako. Aish! Nababaliw na ata ako!

Desidido na ako. Sige na magpapakaslave ako kahit sandali lang.

Pumunta ako sa cafeteria at bumili ng pasta. Pagkatapos ay dumiretso ako sa practice room.

Naabutan ko dun si Bleu na naggigitara.

"Oh, hi." Bati niya at nagstop siyang maggitara.

"Hello. Sorry sa istorbo ha. Nasaan si Ace?"

"Si Ace? Nasa rooftop siya. Pumunta ka daw dun."

Aba! Bwisit. Aakyat pa ko?! Narinig kong nagchuckle si Bleu.

"Ba't ka tumatawa?"

"Wala naman. Your expression. It's cute." Cute. Cute daw ako? Omg!

"Ah.. thankyou. Sige, alis na ko." Napangiti ako. Cinompliment ako ni Bleu!

Pumunta na nga ako rooftop. Hayop na Ace yan! Pinapahirapan ako. Pasalamat siya crush ko siya at gwapo siya!

"Pasta mo."

"Bakit pasta?" Arte!

"Yan lang pagkain sa cafeteria at wala pa silang luto."

"Tss." Nilabas niya yung fork at kumain na siya.

Huminto siya saglit at tumingin sakin.

"Ano pang hinihintay mo? Alis na. Itetext nalang kita kapag may iuutos pa ako." Aba bwisit!

"Tss. Oo na aalis na!" Tumalikod ako at padabog na umalis.

Sama ng ugali, wala man lang thankyou!

Bago ako umalis sa rooftop ay sinilip ko muna siya. Nakaupo siya sa gitna habang kumakain at nakatingin siya sa ulap habang nakangiti. Hindi ko namalayang, napangiti na din ako.

Nagmadali na ako dahil malapit na magstart ang class.

"Candice, ngayon ka lang?" Tumango nalang ako kay Kat.

"Sasama ka mamaya sa Canon Rock? Gig ng Decline. Sama ka na, please, gusto ka naming makasama eh." Pumayag na ako since wala naman akong gagawin.

"Ah, Kat. Sa Canon Rock lang ba palagi tumutugtog ang Decline?"

"Ang alam ko, hindi. Tumutugtog din sila minsan sa ibang lugar. Pero sa Canon Rock talaga sila madalas tumugtog." Ahh. Kaya pala. Doon kami tumugtog sa One Tea Cafe kung saan kami dapat kami magme-meet ni Tristan noon e.

Kamusta na kaya sila? Galit kaya sakin si Tristan? Triny kong icontact siya pero hindi sumasagot. Hays.

--

Lunch na at dumiretso sina Nica sa classroom dahil tatapusin nila yung assignment sa Fili. Tapos ko na yun dahil motto ko talaga ay studies first before harot. Kaya dahil tapos ko na yon, haharot muna ako.

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon