Napahinto ako habang hingal na hingal nang makarating na sa kalsada. Ang daming jeep at mga sasakyang dumadaan. Hindi ko makita ang kabilang side ng kalsada.
Hindi ako mapakali habang nakatingin sa stoplight. Kailan ba ako makakatawid?! Bilisan niyo naman. Gabi na pero ang dami paring tao.
Toot. Toot. Toooot.
Sa wakas!
Patawid na ako nung isang matinis na tunog ng speaker ang umalingawngaw.
*Teeeeeerrrk*
"Dear Crush" narinig ko ang boses ni Bambam mula sa mga speaker. "Siguro, nawi-weirduhan ka na sa akin dahil sa mga ginawa ko. Siguro iniisip mo na feeling close na ako masyado. Ginawa ko lang naman 'yon dahil may nakapagsabi sa akin na soulmates daw ang lalaki at babaeng may magkasukat na pinky finger at ring finger."
Para namang nag-flashback sa akin ang ginawa niya nung araw na 'yon...
"Naiwan mo nga pala 'yung notebook mo... May crush ka na pala. Pasensya na kung nagsinungaling ako na hindi ko binasa 'yung notebook mo. Ang totoo, nakailang page rin ako. Pero hindi ko tinuloy, dahil nakonsensya ako."
Nagpatuloy ang trapiko, at ang mensaheng naririnig ko.
"Dear Crush. Paano ko kayang isasauli 'yung notebook mo? Hindi kita maabutan sa klase niyo, wala ka rin sa resto. Nasaan ka ba? Sa puso ko?"
Napangiti ako nang marinig ko ang part na 'yon.
"Dear Crush, hanggang ngayon, umaasa pa rin akong babalik ka sa theater... Dapat ba nagpanggap na lang ako na hindi ko alam yung tungkol sa pagdadala mo ng lunch sa locker ko?"
Napasapo ako sa noo. Tae, nakakahiya sa mga nakikinig. Ano ba naman 'yan, Bambam.
"Dear Cassandra. Tumakbo ako papuntang klasrum niyo, kaya hingal ako pagdating dun. Akala ko kasi hindi na naman kita maaabutan. Pero nakakagulat dahil nadatnan kitang natutulog. Puyat ka na naman siguro kaya hindi kita ginising agad."
Yung gabing iyon, naaalala ko pa iyon!
"Joke lang. Aaminin ko na, gusto ko rin talagang panoorin kang natutulog. Ang ganda-ganda mo talaga... Kaso lang may crush ka na..."
"Awwwwww~" reaksyon ng mga taong nasa paligid.
"Dear Crush. Ang saya saya ko na sumali ka sa theater club. Pero pakiramdam ko, kilala ko na kung sino 'yung crush mo. Kaya, hindi rin ako ganun kasaya."
"Dear Crush. Dumaan ako sa room niyo kanina-"
"Hoy Bam! Tara na!"
Biglang may sumingit na kung sino kay Bambam.
"Dun ka nga! Nagre-record ako dito!!!"
"Ayieeee~ May ligaw na siya~" pang-aasar nung kung sino man kay Bambam.a
Nagtawanan na naman ang mga tao sa paligid.
Pero nagpatuloy pa rin 'yung pinapakinggan namin, "Ayun nga, nakatingin ka sa labas. Sakto, nagkatinginan na naman tayo.""Dear Crush. Nakasalubong kita kanina. Gusto kita kausapin kaso baka maweirduhan ka na naman sa akin. Takbuhan mo na naman ako. Saka na lang, pag may lakas na ako ng loob."
"Dear Crush. Ang sabi ko lang naman, hindi muna kita lalapitan. Pero pwede pa rin naman kitang tingnan 'di ba? Hay... Ang ganda mo talaga."
"Dear Crush. Aamin na ako. Hindi ko na kayabg itago yung nararamdaman ko, eh. Wala na akong pakialam kung may iba kang crush. Basta ako, gusto kita talaga."
Kinilig ako nang marinig ang linyang iyon.
"Dear Crush. Bakit ganun? Bakit hindi mo ako kilala? Tapos sabi mo may boyfriend kang tao? Kayo na ba? Kayo na ba nung crush mo? Pumunta ako sa resto niyo, pero wala ka. Kayo na ba?"
"Awwwwww~" sigawan na naman ng mga nakikinig.
"Dear Crush, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo at nagpaulan ka nang ganoon. Nagalala ako ng sobra. Sana maayos na ang lagay mo. Nakumpirma ko na rin kanina. Oo, kayo na ng crush mo."
"Awwwwww~"
Si Bryan may pakana nun, hindi ako. Sorry na Bambam, sorry na.
"Dear Crush. Pasensya na kung napagsalitaan kita ng ganun. Siguro nga hanggang magkaibigan na lang tayo..."
"Na-friendzone si kuya" sabi nung katabi ko.
"Dear Crush. Hindi ko inaakalang mangyayari 'yung mga nangyari kagabi. Nagpunta ulit ako sa resto, this time kasama si Cathy. Natatakot ako nun. Pero sabi ni Cathy abangan ka raw namin. Nagpass out ka. Pero ako ata ang hihimatayin sa mga nalaman ko sa kaibigan mong si Jaireh. Ang dami ko ring sermon na natanggap. Pero lahat 'yon, worth it."
"Dear Crush. Ito na ang huling entry ko sa notebook na ito. Kasi simula ngayon, direkta ko nang sasabihin lahat sa'yo. Buong gabi kong binasa ang script na sinulat mo. Ikaw ha... Crush mo rin pala ako..."
Putek. Nakakahiya!!! Nakakahiya!!!
"Loko-lokong Bryan na 'yon, inis na inis pa naman ako sa kanya dahil akala ko pinopormahan ka talaga niya! Uh... Sana nagustuhan mo 'yung palabas. Kahit walang ending..."
Naka-hinto ulit 'yung mga sasakyan. Tumawid na 'yung ibang tao. Pero yung iba, parang katulad kong hinihintay 'yung susunod na sasabihin ni Bambam.
"Naaalala mo ba yung sinabi ko sa'yo na mala-telenobela kong ibibigay yung notebook na 'to sa crush ko? What do you think? Mala-telenobela na ba 'to? Oo Cassandra, ikaw nga ang crush ko dati."
Umandar na ulit 'yung mga sasakyan. Anong ibig sabihin na dati niya lang ako crush? Naguguluhan ako ah!
"Cassandra.."
Saktong natapos ang recording nung patawid na ulit 'yung mga tao.
"Mahal kita."
At mula sa kabilang side ng kalsada, nakita ko siya...
Minsan akong hindi naniwala sa milagro... But I guess, they do happen. Miracles do happen. You see, it did happen to me. Soulmates? They do exist. I found mine. And for the first time, destiny gets to be on my side.
Nagsimula kaming humakbang papalapit sa isat isa, hanggang magkatagpo kami sa gitna. Inabot niya sa akin ang notebook na hawak niya, pero imbis na tanggapin iyon, ay niyakap ko siya.
"I love you, Bambam."
Naramdaman ko rin ang pagyakap niya pabalik, kasunod nang pagbulong sa akin ng, "I love you too, Cassandra.
You got me caught in all this mess.
I guess, we can blame it on the rain.
Tell me, Am I crazy?
Or is this, more than a crush?
BINABASA MO ANG
Dear Crush (Update)
RomanceKatulad sa ibang cliché na istorya, palihim na humahanga ang ating bida sa pinaka-gwapong nilalang sa campus nila. Paano naman hindi ililihim ni Cassandra ang pagtingin, kung maraming palaka ang nakapalibot sa kanyang Prince Charming. Wala siyan...