Nagsimula na ang University week. Mamayang gabi ang unang gabi ng tanghalan. 'Yung isinulat ko, sa Huwebes na ipapalabas. Kaso hanggang ngayon, hindi pa namin naaayos ang ending.
Maingay dito sa park. Marami kasing booth na pakulo ng iba't ibang college. May videoke booth, may pinoy henyo booth, dating booth, at kung ano-ano pa.
Maraming outsiders din ang pinayagang makapasok ngayon, kaya ang gulo-gulo. Hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos para sa magiging ending nung istorya ko. Putol pa 'yung napraktis nung mga gaganap... Hindi naman puwedeng hanggang doon na lang iyon.
"Cassy!!!" sigaw ni Bryan na tumatakbong palapit sa akin.
"Oh, kuya Bryan. Bakit?"
Hinila niya ang kamay ko, saka ako inakay, "Subukan mo yung shake sa booth namin!!!"
Marketing student si Bryan, parehas ni Jane.
"Ate Janeeeee!!!" tawag ko kay ate Jane na nasa counter ng kunwaring coffee shop nila. "Ayos 'tong booth niyo ah?"
"Ewan ko ba dun sa bakla naming chairperson" sabi niya na halatang hindi kumportable sa costume niya na parang pang-panadero. "Umupo ka na muna dun. Uutusan ko si Bryan na maghaltak ng customer, nang may silbi ang gwapo niyang mukha. Pinahanda ko na dun sa kaklase ko yung shake mo."
"Sige po. Thank you" sabi ko saka umupo sa isa sa mga bakanteng upuan. Pero maya-maya lang, may dalawang pulis-pulisan ang sumulpot sa magkabilaan ko.
"Huli ka!!!" sabi nila sabay hawak sa braso ko.
"Ha? Anong ginawa ko? Bakit?"
"Hinuhuli namin lahat ng nakapula!!!"
Dinala nila ako kung saan. Nakakainis, kasi palagi na lang ako nabibiktima ng mga ganito. Kahit nung hayskul, palagi na akong nadadali ng jailbooth.
Ang malas naman talaga, at nagpula pa ako ngayon. Hays...
DEAR CRUSH,
AKALA KO LANG PALA
MINALAS AKO.
EH KUNG IKAW NAMAN
PALA ANG MAKAKASAMA,
EDI KAHIT HABANGBUHAY
NA AKONG MAKULONG."Nagpula ka rin pala" sabi ni Bambam sa akin habang nakaupo sa sulok nung kunwa-kunwariang kulungan namin, na tambakan lang naman ng mga gamit ng Human Kinetic students. "Magpupula ulit ako bukas, sigurado namang ibang kulay na ang target nila bukas."
Paano namang may tutubos sa amin, eh walang nakakakita sa amin.
Magkatabi lang kami sa sulok. Yung ibang nakukulong tumatakas. Hindi naman kasi mahirap makatakas. Halos ilang minutong rin na ganun lang kaming dalawa. Hanggang sa may nagtulak sa akin, para magsalita.
"Tumakas rin kaya tayo?"
"Sa totoo lang, gusto ko rin talagang mapag-isa" nakayuko niyang sabi.
"Ah... Sige, ako na lang ang tatakas para mapag-"
Tatayo at aalis na sana ako, pero pinigilan niya ako. Kumapit siya sa kamay ko, "Dito ka lang..."
"Pero sabi mo-"
"Please?"
Ay wala na! Nakita ko na ang mga mata niya. Kahit siya pa ang magtaboy sa akin ngayon, hinding-hindi na ako aalis.
"Uh, sige..." sabi ko, at saka bumalik sa pagkakaupo. "Bambam, kung may problema ka, at kailangan mo ng makikinig... Okay lang sa akin ah..."
"Sigurado akong pamilyar ka na sa kwentong 'to..."
Umayos siya ng upo, at tumabi sa akin. Sa paraang hindi namin nakikita ang mukha ng isat-isa, pero nararamdaman namin ang pagtaas at baba ng balikat namin, sa tuwing hihinga.
BINABASA MO ANG
Dear Crush (Update)
RomanceKatulad sa ibang cliché na istorya, palihim na humahanga ang ating bida sa pinaka-gwapong nilalang sa campus nila. Paano naman hindi ililihim ni Cassandra ang pagtingin, kung maraming palaka ang nakapalibot sa kanyang Prince Charming. Wala siyan...