KABANATA 4

1.1K 25 9
                                    

"Cassandra!!!"

At iisang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganoon. At muli narinig na naman niya ang nga yapak na 'yon.

"Uy, Cassandra" sabi nito nang makalapit sa akin.

"Uh..."

"Himala, hindi 'ha' ang bungad mo sa akin."

"Ha?" hindi ko sinasadyang masabi na naman iyon. "Nagmamadali kasi ako, eh-"

"Ganun? Oh sige, tingnan mo na lang ito baka interesado ka" abot niya sa akin nung papel na hawak niya.

"Ah, sige sige" wala sa isip na sabi ko na lang habang nagmamadali nang maglakad dahil nagpapanic na ang buong katauhan ko.

Nung medyo makalayo na ako sa kanila, nagsimula na akong tumakbo. Hanggang sa may makabunggo ako.

"Uh, sorr-"

"IKAW NA NAMAN?!" galit na sabi nung lalaking nakasunggo ko.

"Ha?"

"Ikaw yung babaeng nakatapon ng juice sa akin nung nakaraan, na hindi man lang nagsorry! Alam mo bang ang tagal na kitang inaabangan ha!"

Nagpanic ako nang hilahin niya ang kwelyo ng uniporme ko, saka siya umambang susuntok. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil nakakatakot ang laki ng katawan niya, kaya napapikit na lang ako at nagabang ng suntok.

Pero wala akong naramdamang suntok.

"Hoy Mike! Ano na namang kalokohan 'yan?!"

"Wag ka makealam dito Bryan, may kasalanan sa akin 'to."

Napadilat ako nung naramdaman kong may humila sa akin mula kay macho.

"Eh kung sipain kaya kita diyan?!" sabi nung lalaki'ng tumulong sa akin.

"Tss. Pakelamero" sabi lang nung macho at umalis na.

Emegesh. Nawala yung kilig na dinulot sa akin ni Bambam dahil sa macho na 'yon ah?!

"Hey girl, you okay?"

"Ha?"

"I am Bryan" alok niya sa akin ng kamay niya. "Pagpasensyahan mo na yung kaklase ko, feeling siga kasi 'yon, eh."

"Ah..."

"Oh, susubok ka diyan?" tanong niya habang nakaturo sa papel na hawak ko.

"Ha?"

Ni hindi ko pa nga alam kung ano itong papel na binigay ni Bambam, eh.

"Member ako ng theater club, halika papunta na rin ako doon eh" sabi ni Bryan sa akin at walangpakundangan akong hinila kung saan. Wala ako sa katinuan kaya nagpatangay na lang ako. Huli ko nang mamalayan na nasa theater na ako.

"Hey Richie, may mago-audition dito. Wait ano nga ulit pangalan mo?"

"Uh... Wait, kasi-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil inabot niya na ang ID na nakasukbit sa leeg ko.

"Cassandra dud. Cassandra Garcia, BSA 2-1" sabi ni Bryan dun sa Richie at saka ako hinila papasok sa theater.

"Ano nga pala aapplyan mo Cassandra?"

Para naman akong nakuryente nang tawagin niya akong Cassandra. Isang tao lang kasi ang tumatawag nun sa akin.

"Actually"

"Lemme guess, stager?"

"Uh..."

"No? Technicals?"

Dear Crush (Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon