9

196 8 4
                                    

YUMI'S POV.

Pag-baba ko nakita ko si Gello, The Stalker na nakarsandal sa wall. Pa cool.

Pagkalapit ko sakanya, hinatak ko siya palabas ng building.

"Akala ko ba ako ang pupunta?" Tanong ko agad ng masigurado kong wala ng makakarinig samin.

"Uhm.. Namiss lang kita." Sagot niya sabay wink pa. What the--?

"The hell! Di mo ba alam na nakakaistorbo ka sa trabaho ko?!"

"Okay, look. I'm sorry. Nag-overtime ka at di ka pa kumakain. Chinecheck kita, hinihintay kitang lumabas kasi gusto man lang sana kitang yayain kumain kaso di ka naman nagbreak. Nag-aalala na kasi ako." Straight to the point niyang sabi at napayuko. My stalker was trying to be nice to me.

"Di kana kasi dapat nag-abala pa. Look, pupunta na ko mamaya sa condo mo. Okay? Marami pa kong gagawin." Sabi ko sabay alis na, walkout ang peg. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero nag-pretend nalang ako na walang narinig.

Hays, na guilty ako kaya nasabi kong pupunta na ko. Sh-it. Bahala na, mukha naman talaga siyang mabait pero for pete's sake he's still my stalker! Bahala na. Last na talaga mamaya.

Pagbalik ko sa desk ko. Nakita ko si Tannia na umiinom ng coffee at ng nakita niya ko tinaasan niya ko ng kilay.

"Soo who's that guy?" Diretso niyang tanong pagka-upo ko.

"Uhmm.. Nothing. He's just a friend." Wala sa mood kong sagot. Feeling ko kasi hindi muna ako magkwento sa kahit sino hanggat di ko nalalaman kung sino ba ang lalaki na yun.

"A friend? Look, Yumi what's up? Di kana nagkwekwento sakin." Malungkot niyang sabi. Argh! My conscience!

"I just meet him at--" I was about to tell her ng mag-ring ang phone ko. "Excuse me." Sabi ko sabay layo at sagot ng phone. It's Chad!

"Hey," Sabi niya sa kabilang linya. Napangiti nalang ako. Narinig ko lang ang boses ng lalaking ito parang nawala na yung stress ko.

"Yes, Chad?" I tried to speak normal.

"Can you join me? Yung aasikasuhin natin for Adoption."

"Yeah, sure. What time?" Makakasama ko nanaman siya.

"Tomorrow. 1pm. Sunduin nalang kita." Then he hang up. Di man lang ako nakapag-bye o ano pero wait-- What? Sunduin?

Pagbalik ko sa desk wala naman na si Tannia. Baka may kinuha sa ibang department. Nakaligtas din sa pagkwento kahit papano.

Matulin na lumipas ang oras at oras na para makita nanaman ang Gello, The Stalker.
Pagkababa ko ng taxi, Woah! Ang laki pala ng condominium na ito. Pangmayaman. Rich kid pala ang stalker ko! Ay-- nagmukha naman akong magnanakaw sa mga naiisip ko. Pwe!

Ng makita ko na ang room number ni Gello, The Stalker nag-doorbell ako agad at agad din naman may nag-bukas.

"Ew!!!!! My innocent eyes!!!!" Natataranta kong sabi. Pano ba naman naka-boxers lang siya! Boxers lang!

"Oh, wait. Sh-it. I'm sorry!" Nagmadali siyang pumasok at nagbihis ata.

Maya-maya lang, naka-tshirt at basketball shorts na siya.

"Pasok na," Alok niya at pumasok nalang ako ng walang imik. Bwisit padin ako dahil sa kanina sinasad-- "Hindi ko sinasadya yung kanina, Akala ko kasi hindi kana darating. Sorry."

"Sino ka nga ba kasi talaga?" Diretso ko ng tanong. Yun naman talaga ang pinunta ko dito.

Malinis ang condo niya, amoy na amoy yung men's perfume. Nakakahili tuloy.

"I'm Gello." Sabi niya ng nakangiti.

"Really? Di ako nakikipagbiruan. Kaya please lang, tell me everything." Pagmamakaawa ko. Pano na si Chayu? Yung sikreto ko? Hindi pwedeng may makaalam non.

"I'm your childhood bestfriend. Angello Wright." Sabi niya, nanlaki ang mga mata ko. Si Bilog!

"Bilog?"

"Yep, Malaki nga lang ang pinagbago ko ngayon," Sabi niya at may kinuha sa isang drawer, "Look." Sabay abot sakin ng photo album. Kinuha ko naman ito at binuksan.

"Ikaw nga, pero bakit di kita namukaan agad? Ang itim itim mo dati, Ang taba taba tas ang liit liit mo lang.. Mukha ka pang bisaya manamit." Curious na tanong ko, Sa mga litrato pa lang namin makikita mo na na parang hindi talaga siya.

"People change," Sabi niya at napabunton hininga. "Nagpunta ako ng states, magisa. Binago ko ang sarili ko para sa isang babae," Sabi niya habang nakatingin saakin at nakangiti.

"Nung umalis kami, andon pa ka pa ha?"

"Yes, After highschool umalis na din ako." Sabi niya na mistulang inaalala yung memories.

"Pero bakit mo alam na ako si Chayu?" Tanong ko.

"I know you, I know your heart. Alam kong ikaw si Chayu," Sagot niya, hinintay ko siyang magpatuloy. "I stalked you after college, Nalaman kong nagtratrabaho ka sa isang publishing company at nagtry ako magbasa ng isa sa mga ineedit mo then boom, Chayu? Is stands for Chad and Yumi."

"What the.. Really?!" I sighed. Di ako makapaniwala na ganon niya pa din ako kakilala. "Paano mong nalamang gusto ko si Chad?"

"You tweeted it on twitter once." Sagot niya sabay wink.

"Stalker ka nga talaga."

"Yes, I am. A handsome stalker." Confident niyang sabi.

"Ang yabang!" Natatawa kong sabi.

Ang laki ng pinagbago ni Bi-- este Gello, I know na safe ako sakanya. Safe ang mga sikreto ko sakanya. Ngayon, na nagkita na kami ulit, masaya ako. Masaya ako dahil nagbalik siya, hindi nga lang as bilog, as Gello na.

"Bestfriends?" He asked. Napatingin naman ako at kumunot ang noo ko, "Why? You don't miss me?"

"No, it's not that. Di lang ako makapaniwala, Ang laki ng pinagbago ng bestfriend ko!" Masaya kong sabi at patalon na niyakap siya. "Sayang lang, di kana bilog. Hindi kana masarap yakapin." Sabi ko habang yakap padin siya at sabay kaming nagtawanan.

Super close kami. Sobra. My boy best friend is back.

A/N: Sa wakas naisipan ko na din kung sino si Gello, Hahahaha! Nawala kasi yung plot sa utak ko, Sorry for the long wait. Thank you sa mga patuloy na sumusuporta.

When she left. [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon