7

196 8 3
                                    

YUMI'S POV. 

"Yumi, Wake up. Yumi!" Nagising ako ng may mag-poke sa pisngi ko. Si Chad! Chineck ko agad yung labi ko kung may laway ba, Thanks God wala naman. Nakatulog pala ako dito sa may table sa garden.

"It's already 6:00pm. Hatid na kita? Dito na matutulog sila Noel at Andy eh." Sabi niya. 6 pa lang, 9 pa ang uwi ko hindi pwedeng malaman ni mama na umabsent ako sa trabaho. Hays, sunod sunod na ang pagsisinungaling ko sa buhay. Kay Mama at Chad pero lahat naman ng ginagawa ko may rason. 

"Ahm.. Hindi pa kasi ako pwedeng umuwi." Nahihiyang sabi ko kay Chad. 

"Huh? Why?" Nagtatakang tanong niya.

"Hindi kasi alam ni mama na hindi ako pumasok sa trabaho baka pag umuwi ako ng maaga kung ano ano ang itanong nun sakin." Sabay kamot ko sa ulo ko. "Hindi kasi siya sana'y na may kaibigan akong iba bukod kay Tasha at Albert." Dagdag ko pa, Ayaw kasi ni mama na makipag-kaibigan ako sa iba lalo na sa lalaki. Bilin kasi yun ni Papa bago to mamatay, Hay. Papa, Miss na kita.

"Ah, Pero bakit ka asa bar noon? Mukhang over-protective naman pala ang mama mo sayo." tanong niya, kinabahan ako.. kung pwede lang isagot na nasa bar ako noon dahil sayo. "Tsaka, Legal ba kayo nun ex mo?" tanong niya pa. Sh-itbrix! Ang hirap talaga pag nagsisinungaling hindi mo na alam yung mga isasagot mo kasi magkakanda-letche letche na! Ano ba 'to, Ang hirap. 

"Aray-- Ouch." Nagkunyare nalang ako na masakit ang ulo ko.

"What happened?" 

"Masakit lang ang ulo ko. Hatid mo nalang ako sa mall Chad kung okay lang. Magpapamasahe nalang ako dun para nadin marelax ako." Pumayag kana please, kailangan kong makatakas sa mga tanong mo. 

"Sure." Pagpayag niya. Yun oh! Thanks God! 

Buong byahe nag-earphones lang ako para hindi narin ako matanong ni Chad. Hindi ko kasi talaga alam ang isasagot ko hanggang sa makarating na kami sa Mall. Hindi na bumaba ng kotse ni Chad ako nalang, nagpasalamat muna ako bago ako bumaba, ngumiti lang siya. Nakaka-lungkot akala ko sasamahan niya ko.. Ay teka, sino nga ba kasi ako? Masyado na ata akong natutuwa sa mga pangyayare, alam ko namang hindi pwedeng ganun palagi, hindi pwedeng parating masaya lang. 

Nag-lakad lakad lang ako sa mall. Ang totoo naman ayoko lang nga talagang umuwi ano kayang pwedeng gawin? 

Naisip ko nalang na maupo sa food court at kumain ng ice cream. Pampatanggal stress daw 'to, Stress ba ko? Hindi naman siguro pag naiisip ko lang kung pano ko ba matutulungan si Chad. 

"Hi, Can I join you?" Napa-tingin ako sa nagsalita. Isang lalaki, Pogi siya pero mas pogi si Chad. Tumango lang ako. Sa harap ko siya nakaupo, kumakain siya ng sizzling plate. "Ms. Sad Face." 

Hay, Hanggang mamaya ba gani--

"Uy, Miss." Napa-tingin ako sa lalaking asa harap ko. Tinatawag niya pala ako. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano bang kailangan nito mamaya kidnappin ako nito, uso pa naman yung ganon mga good-looking pero kidnapper pala. "Nakakainis makita ang pag mumukha mo, bakit ka ba nakasimangot? Di ka ba marunong ngumiti?" Aba! Siya na tong nakiki-upo eh. 

"A-aba!" 

"Teka lang, wag kang magalit. Maganda ka naman kaso nakakainis makita ang pagmumukha mo kung sisimangot ka lang." Pagpapaliwanag niya. "Problemado ka ba?" 

"Wala ka ng pake dun." Pag-tataray ko.

"Mataray ka pala talaga, Chayu." Nanlaki ang mga mata ko, Papa-anong?! "Safe ka sakin. Don't worry." sabay kindat niya. Pano niya nalaman na ako si Chayu? Stalker?

"Pano mo nalaman yan?" Halos pabulong ko na na tanong dahil baka may makarinig samin.

"Long story. Sabihin nalang natin na, Idol kita." Sagot niya. Naasar ako sa lalaking to! Hindi pwedeng may maka-alam na ako si Chayu. 

Hinila ko siya papalabas ng Mall. Kailangan kong makausap ang lalaking ito. Stalker. 

Sa parking lot ko siya dinala. 

"Pano mo ko nakilala?!" Inis na inis kong tanong.

"Payagan mo muna akong maging kaibigan mo." 

"Ha? Nahihibang kana ba? Ni hindi ko nga alam kung sino ka at mukha ka pang stalker!" Sigaw ko sakanya.

"Pag pinayagan mo ko maging kaibigan mo, makikilala mo 'rin ako." 

Tinitigan ko tong stalker kuno na to. Ang creepy niya. Hays bahala na, kesa naman kumalat ang nalalaman niya.

Tumango tsaka sinabing, "Fine. Pero I promis mo na lahat ng nalalaman mo ay satin lang. Sating dalawa lang." Madiin kong sabi.

"I promise." Sagot niya sabay taas ng kanang kamay tanda ng panunumpa. Ang weird. "Friends?" Sabi niya sabay offer ng kamay niya for shake hands.

Tinanggap ko nalang kahit labag sa kalooban ko. Nakakainis, 2 years kong tinago ang pagkatao ko tapos ganun ganun niya lang malalaman. Pano niya ba kasi nalaman? Papatayin na ko ng curiousity ko.

Nagulat ako ng maglakad siya papalayo. Teka, saan siya pupunta? Madami pa kong itatanong!

"Uy!! Ano? Teka, Uy!! Stalker!" Tawag ko sakanya. Sa wakas, huminto siya at lumingon na para bang nagpipigil ng tawa.

"Me? Stalker?" Sarcastic niyang sabi. Aba! Eh ano bang dapat itawag sakanya? Hindi ko naman alam ang pangalan niya.

"Eh bakit ba?! Hindi ko naman alam ang pangalan mo!"

"You'll know it. Tomorrow, sunduin kita sa office niyo." Sabi niya sabay kindat. What the?! Feeling pogi? Life who is he?!

Wala na kong nasabi pa dahil naka-alis na siya. Sobrang malaking pala-isipan kung sino siya.

Sino ba siya?

*

Pagkauwi ko ng bahay. Nagbeso ako kay Mama at umakyat na ng kwarto. Wala akong ganang kumain ngayon. Iniisip ko padin ang aking stalker. Bakit maganda lang ba may karapatan magka-stalker? Hay hindi ko naman pinangarap to. Ang creepy kaya.

Walang text si Chad, What do I expect?! Ano ba yan dahil sa nangyari kanina tumataas na agad ang expectations ko eh hindi pa nga ako umuusad. Eto mahirap sakin eh, basta si Chad nabibigyan ko agad ng kahulugan yung mga pangyayari at lumalawak ang imaginations ko. Masakit talagang isipin na merong mga bagay na hanggang imaginations na lang. De bale, basta matulungan ko siya. Ayun naman ang goal ko diba? Ayun ang dapat kong isipin, ang mapasaya siya.

Kinaumagahan.

Naghanda na ko para sa pag-pasok. Maayos naman ang naging araw ko, pero hindi parin mawala ang kaba ko. Magkikita kami ni Stalker at kaming dalawa lang. Sana talaga hindi siya masamang loob, hays bahala na.

Pag ka out ko sa office, naisip ko yung papeles na pinapa-ayos ni Tita Monica, ano na kayang balak ni Chad dun? Ay baka ayaw niya na ng kasama sa pag-lakad ng mga yon pero sayang din bonding time together narin sana namin.

"Hi Miss." Halos mapatalon ako sa gulat. Oo nga pala, susunduin ako ni stalker.

"Ang creepy mo talaga. Ginulat mo ko." Sabi ko sabay irap.

"Sorry naman, mukhang ang lalim at ang seryoso ng iniisip mo eh. Tara na nga sa kotse ko." Aya niya. Nako, baka puting van ang dala nito!

"San mo naman ako dadalhin, Aber?!"

"Dinner lang diyan sa Ag's." Simpleng sagot niya. "Sakay na." Andito na pala kami sa tapat ng sasakyan niya. Ang susyal naman nito? Naka-porche. Edi wow! Pati yung pag-didinerran namin eh alam ko mahal dun. Baka naman binobola lang ako nito, Ay ayoko na nga mag-overthink.

A/N: As promised. Please, if you're done reading this click vote! Thank you! Kapag naka-5 votes I'll update again. Medyo maarte. K. Hahaha!

When she left. [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon