YUMI'S POV.
Pag-kagising ko, 9AM na. Kinuha ko agad yung cellphone ko. Itetext ko na si Chad.
'Chad, Hello! Good morning! Gising ka na? Si Yumi 'to.'
'Chad! kamusta? Yumi 'to.'
'Yumi Ocasion here. Save mo ha? Uy!'
after ng madaming type, erase, type, erase nakapag-decide nadin ako ng itetext sakanya. Siyempre nahihiya ako, FIRST TEXT EVER KO 'TO KAY CHAD DOMINGUEZ!
To: Chad<3
Good Morning, Chad. It's Yumi. :)
Pagka-tapos ma-send nung text, pumasok na ako agad ng banyo.. may pasok pa ko.
After lang ng 20minutes tapos na ko mag-ayos, kaya lumabas na ko ng CR at dali dali ko agad kinuha ang cellphone ko.
1 message recieved.
"OH MY GOSH!! AAAAH~" Nag-sisigaw ako sa kilig, eto naman ang first reply ever ni Chad sakin.
From: Chad<3
Saved. :)
Ay, ayun lang? pero okey lang, may smiley face. O M G!
NG maka-recover na ko sa matinding kilig, napag-pasyahan ko na pumasok na sa office. 30 minutes nalang late na ko.
"Ma, alis na po ako." pa-alam ko kay mama.
"Anak.." tapos lumapit sakin si Mama, asa kitchen kasi siya.
"Po?" nagtatakang tanong ko.
"Bakit late kana nakakauwi? Saan na nagpupunta?" bigla naman akong kinabahan, Uhm.. Alam ni Mama na hindi ako party girl o nagpupunta sa bar dahil hindi naman niya ako pinalaking ganon.
"Ahm.. Nag-oovertime kasi ako sa office, Ma. Sorry di ko nasabi." I lied.
Tumango tango nalang si Mama. "Osya, baka mahuli ka na. Ingat ka anak ha? Wag magpapalipas ng gutom!" pa-alala sakin ni mama, tumango tango naman ako at ngumiti saka tuluyan ng umalis.
SH-IT naman, kung kailan nagmamadali na ko tsaka pa ngayon walang masakyan na Fx o taxi man lang!
*Beeeeep*
"AY~ PUCHA!" halos mapatalon na ko sa gulat, tinignan ko yung kotse. Aba, BMW kaya pala ang lakas maka-busina porke't mamahalin ang sasakyan.
CHAD'S POV.
I almost forgot na hindi ko naman pala alam ang number niya, Sh-it lang. Weird. Wala naman akong mapupuntahan. I guess sa park nalang.
Pero habang asa byahe ako papunta sa park, naka-recieve ako ng text from Yumi. Finally!
From: +63975412358
Good Morning, Chad. It's Yumi. :)
Hmm, ayain ko na kaya siya ngayon? kaso baka busy siya? Naiilang padin ako kasi it's my first time na makipag-kaibigan sa babae, I'm not into that. Lalo na sa ngayon, baka kasi ma-alala lang si Mika.. pero ano'ng magagawa ko? Mukhang si Yumi nalang ang makakaintindi sakin, mukhang siya nalang yung kaibigan ko, ewan ko. I dont know.
Still, I decided na wag na muna siguro. Siguro dun na nga muna ako sa park na di ko alam, basta sa park na madaanan ko. Ayoko naman kasing mabalitaan ni Mika na may kaibigan akong babae, baka kasi ma misinterpret niya.
To: Yumi.
Saved. :)
SA PARK.
"Kuya~" Sigaw ng batang gusgusin na hindi ko naman kilala. Tinitigan ko lang siya. "Penge piya, gutom na ko e." sabay pout niya. Huh?