YUMI'S POV.
Kinaumagahan.
"Anak?" Nagising ako sa katok ni Mama.
"Pasok ma." Sabi ko habang nagkukusot ng mata. 6am pa lang naman.
"Anak, uuwi ako sa bacolod." Malungkot na sabi ni Mama, umupo naman ako. "Namatay kasi yung pinsan mo si Jero." Malungkot na sabi niya. Si Jero, Ang lasenggero kong pinsan.
"Ah, ganun po ba. Ilang araw po kayo doon?" Tanong ko habang naglakad para kunin ang wallet ko.
"Isang buwan siguro anak. I'll wait until mag-40 days." Sagot ni Mama.
Kumuha ako sa wallet ko ng 2,000 pesos. "Eto ho ma, pamasahe at abuloy na din. Magpapadala nalang po ako." Sabi ko kay Mama at niyakap siya. Ang tagal kong mawawalay kay Mama. Matagal na ang isang buwan para sakin.
"Salamat, Anak. Magiingat ka ha? Wag kang magpalalipas ng gutom. Ikakamusta nalang kita sa mga kamag-anak natin doon, Alam ko namang hindi ka makakasama." Malungkot sa sabi ni Mama, matagal na rin akong hindi nakakauwi samin. Nakakamiss din doon at malapit din ako kay Jero dahil bungisngis ito. Nalulungkot ako, Ang bata niya pa.
"Pasensya na, Ma. Hindi ko kasi maiwan ang trabaho." Malungkot kong sabi, napayuko ako.
"Ayos lang, Anak. Day off mo ngayon diba?"
"Opo Ma, pero may lakad po ako." Lakad namin ni Chad ngayon pero sabi niya susunduin niya ko pero alam niya ba ang bahay namin? Weird. Epic."Alis na ko. Magingat ha?" Bilin ulit ni Mama. Tumango ako at ngumiti at umalis na siya.
Home alone. Sayang di makikita ni Chad si Mama, is this the sign ba? Na hindi ko muna i-open up sa kahit sino ang tungkol kay Chad? Ano nga bang meron kay Chad? Tinutulungan ko lang naman siya, hindi ba? Ay, ewan.
Hindi na ko nakabalik pa sa pagtulog kaya minabuti ko nalang na kumain. Marunong ako ng gawaing bahay, mabuti nalang.
Puro mga unexpected ang pangyayari.
1am na. Tapos na din ako maligo. Naka-boho lace top at high-waist skinny jeans lang ako. Basic na pormahan, sabi nga ng kabataan.
"Hays, pano na 'to?" Frustrated kong tanong sa sarili ko. Naghihintay ako sa Chad na impossibleng dumating dahil hindi naman niya ala--
"Tao po?" Napatalon naman ako sa gulat. Boses ni Chad yun! Dali dali kong kinuha ang bag ko at lumabas.
"Chad!" Normal kong bati. "Good Afternoon."
"Good Afternoon, Yumi." Bati niya pabalik. Ang gwapo niya. Wala namang bago, Yumi! Singit ng utak ko. Naka-aviator shades siya at polo shirt at tokong. Basta yun! Ang gwapo! "Hey,"
"Ay, poke mo!" Nagulat ako. Nakakahiya! Ang bastos pa ng bibig ko! Tinititigan ko na pala siya!
"Pasok na." Medyo iritadong sabi niya. Pinagbuksan niya pala ako ng pinto, Wait teka... Pinagbuksan niya ko ng pinto!
Yumi, pinagbuksan ka lang ng pinto. Wag mong palalimin masyado. K? Singit nanaman ng epal sa utak ko. Okay, fine. He's just being nice.
Habang asa biyahe. Tahimik lang kaya nag-lakas loob akong magtanong, di ko naman alam kung san kami pupunta.
"Sa main office ng NSO then after that sa DSWD naman." Sagot niya, Okay. Ang awkward ng silence or.. Ako lang ang na aawkwardan? "Why? Are you hungry?"
"Naku, Hindi. I'm very very fine. You know, Look! I'm full. 40 minutes pa lang naman tayong bumabyahe." Sagot ko. (Imaginin niyo po yung boses ni Kim para mas dama niyo yung pananalita ni Yumi.)
"Okay." Sabay bukas niya ng radio..
Now playing: Bakit hindi ka crush ng crush mo?
Seriously? Hindi naman na crush LANG ang maitatawag ko sa nararamdaman ko kay Chad. Hmp!
Di nag-tagal nakarating na kami sa main office ng NSO.
Sabay kaming naglakad ni Chad papasok, Pinagtitinginan siya. Siyempre, Gwapo.
"Good morning Ma'am and Sir." Bati nung babae. Nanlaki naman ang mata niya ng magtanggal ng shades si Chad. "Chad?!"
Ngumiti si Chad. "Hey, Liza!" Bati ni Chad. Nakangiti siya.
Move on na ba siya? Natawa ako sa sariling tanong ko. True love niya si Mika kaya impossibleng mabilis niyang makalimutan pero okay lang, Andito ako para tulungan siya. Yun naman talaga ang balak ko diba?
"Oo, sige ako ng bahala." Nabalik ako sa senses ko ng magsalita si Liza. Classmate lang siguro ni Chad dati, Wala naman akong nakikita na may kaibigan siyang babae dati.
Nag-uusap pa sila ng biglang mag-ring ang phone ko.
"Uhm, Chad excuse lang ha?" Pa-alam ko. Tumango lang siya. Ang sungit, Well ganyan naman talaga siya. Masyado naman akong nageexpect! Pero kasi diba kaibigan niya na ko?
Si Mama pala tumatawag. "Hello, Ma?"
"Anak, Asan ka ngayon? Na-ikamusta na kita sa mga pinsan mo. Si Lady, nanganak na! Ninang ka daw." Sunod sunod na sabi ni Mama, masaya si Mama kasi matagal na siyang hindi nakauwi samin.
"Nasa NSO ako ma. Talaga, Ma? Gusto ko ng makita ang pamangkin ko!" Masaya kong sabi.
"Edi anak pumunta kana, kahit umabsent ka man lang ng isang araw aa trabaho mo. Tsaka bakit ka nasa NSO?" Sabi ni Mama sa kabilang linya.
CHAD'S POV.
"Okay, Thanks Liza."
"You're welcome, Chad. Balikan niyo nalang after 2 days." She said. Buti nalang may kakilala ako, hindi na kami matatagalan ni Yumi sa pag-aasikaso. Well, ayoko namang maka-abala ng tao. Kung hindi lang dahil kay Tita, tinawagan niya ko at humingi ng favor na magpatulong daw ako kay Yumi. "Kaibigan mo?" Pa-alis na sana ako ng biglang magtanong si Liza.
"Ah-- yeah." I asnwered. Nakita ko naman ang panlalaki ng mata niya, Weird. Magkaibigan naman talaga kami. She cheered me up.
Mahanap na nga si Yumi para maka-alis na.
"Hindi talaga pwede Tita, May inaasikaso kasi ako, Opo eh pero gusto ko po talagang pumunta gusto ko makita ang pamangkin ko. Ang layo po kasi eh, Po? Opo. Nakakaiyak. Miss ko na lahat kayo." Di ko intensyon na marinig si Yumi. Malungkot siya at humihikbo na nga.
"Hey," Napatingin siya sakin, maluha-luhang mata.
"Naku, Chad. Wag kang-magalala. Okay lang ako, Ano ng balita? Bakit ang bilis mo?" Natataranta niyang tanong habang nagaayos ng sarili.
"Everythings okay. I think you should go visit your family." I said. Yes, buti pa siya may pamilyang na-aalala siya. Namimiss. Eh ako? They wouldn't remember me depende nalang kung about sa business.
"Ha? Eh may pupu--"
"May kakilala ako sa loob. Siya na bahala sa lahat." I assured her.
"Ah, ganun ba. Pero anong oras na din kasi mahirap na ang bus ngayon." She looked soo sad. "Okay la--"
"No, Ihahatid na lang kita."
A/N: Naeexcite ako sa next chapter!! Opss. Silent readers mabuhay! Love ko kayo lahat.