Chapter 4

61 1 0
                                    

Rain***
 
Iminulat ko mata ko. Bakit ang sakit ng katawan ko. Argh! Sh*t!Babangon sana ako sa pagkakahiga,pero putek ang sakit ng katawan ko.
  Nasa puting silid ako. Nasaan ako? Iginala ko mga mata ko. Napagtanto kung nasa isang room ako -private room sa hospital.Ano ginagawa ko dito?
  F*ck! Naalala niya kung bakit sya andito naka confined sa ospital. Sh*t.
  May narinig syang boses babae na parang may kausap sa telepono. Tumingin sya sa may gawi nito.Nakatagilid yung babae sa pagkakaupo do'n sa may couch. Pero kilala niya ang babae.Si Chloe. Ano ang ginagawa niya dito?
 
"Ano nakausap mo ba sila? "Dinig niyang sabi nito sa kausap nito sa phone nito.
  Sinubukan kong bumangon ulit.
"Ahhhhhh!!!....Sh*t!Sh*t!"napamura ako ng ilang ulit, sobrang sakit ng katawan ko.
  Napalingon sa gawi ko si Chloe. Kita sa mukha niti ang pagkagulat.
  "Oh my GOD! He's awake! O-ok. Cge hintayin namin kayo dito. Bye! "Wika pa nito sa kausap nito sa phone.
  Dali daling lumapit sa kinaroroonan ko si Chloe.
  "Rain! Thank God! You're awake!"-sabay yakap sakin.
"Ouch! "
"Oppssss...sorry... i was just happy..kumusta pakiramdam mo?tanong ni Chloe sakin.
  "Ahm..a little bit fine? I think... yeah yes. I'm fine coz im alive. And they're going to regret bakit di nila 'ko tinuluyan! "Galit kong sabi. Lintik lang. Di ako mananahimik lang. Gaganti ako. T*e!
  "Di ka pa nga magaling. Naghahanap ka na naman ng sakit ng katawan. Nahihirapan ka na ngang gumalaw ."
  "As soon as i get well... they're going to pay for this! "
  Nakita kong pumasok ang isang doktor. Kasunod ang isang nurse. Lumapit sila sakin. At kung anu-anong tsinek sakin. Pagkatapos ay kinausap nito si Chloe na nakatayo sa may bandang pintuan. Di ko narinig kung ano sinabi ng doktor. Malaki kase ang kwarto kaya malayo ang kama ko sa may pinto.

"Sabi ng doktor. Wala naman gaanong malaking pinsala sa katawan mo. Bukod dyan sa mga pasa mo. Maybe the day after tomorrow pwede kanang magdischarge. Reresetahan kana lang daw nila ng gamot at pwede kana lang daw sa bahay niyo magpagaling.
  "Kahit ngayon gusto ko ng magpa discharge. I hate being admitted here .Feeling ko mamatay ako. "Inis kong sagot. Ayoko talaga sa ospital.

Bumukas ang pinto sa room ko at iniluwa nito sina mama at Bridgette.
  "Rain!...anak! Anong nangyare? Bakit? Sino?.... Bakit nila ito ginawa sayo,ha? A-ano,may masakit ba sayo?Ano pakiramdam mo? Tell me anak!"sunud-sunod na tanong ni mama.Umiiyak pa ito.Tch!
"Ma,don't worry. I'm ok .Pasa at bugbog lang 'to. Malayo sa bituka. "Niyakap ko si mama para pakalmahin. Alam ko nag -aalala lang sya sakin.She loves me very much that's why she's so worried. At dahil yun sa mga nambugbog sakin. Sila ang dahilan kung bakit umiiyak mama ko ngayon. Walang sinuman ang may karapatang magpa -iyak sa mama ko.
  "Ma, tahan na po. I'm sorry pinag-alala kita.By the way pano nyo po nalaman na nasa hospital ako? "tanong ko kay mama.
  "Dahil kay Bridgette. Pinuntahan nya ako sa isang branch store natin. Pumunta daw sya sa bahay pero sabi ng katulong ay nasa store ako and conducting an interview .Nasa kalagitnaan ako ng pag -iinterview ng dumating sya. Ang Store Manager na lang ang pinagpatapos ko sa pag interview .Thanks to Bridgette."sumulyap pa ito sa gawi ni Bridgette. Ngumiti ito at nagsalita.
  "Actually po,si Chloe po ang nag -utos sakin na puntahan kayo. Sya din po ang nakakita kay Rain.At humingi po sya sakin ng tulong para maisakay namin si Rain sa kotse nya. "Paliwanag ni Bridgette at itinuro nito si Chloe na nasa likod nito at ng mama niya. Di ata napansin ni Mama agad ang presensya ni Chloe.
  "Thank you iha! Thank you Chloe? "Nakipagkamay si mama dito.
  "Chloe de Lara po. Schoolmate po kami ng anak niyo at kaklase at kaibigan po ako ni Bridgette. "pagpapakilala nito.
  "Nice to meet you iha. And once again thank you so much! "Niyakap ito ni mama.
  "Ah, Chloe pano mo nga pala nalaman na andun ako sa likod ng school. Sa pagkaka -alam ko nag start na klase that time nung mangyare ang pambubugbog sakin? At kung ikaw nga ang nakakita sakin,ibig sabihin ikaw yung babaeng sumigaw habang hahampasin sana ako ng tubo.At naalala ko pa bago ako mawalan ng malay narinig kong tinawag ka nilang 'Maam Chloe '.So therefore i conclude na kilala ka nga nila at kilala mo din sila."tanong ko kay Chloe. Nakita kong napalunok pa ito ng laway. At umilap ang mga mata.
"Ang totoo  niyan. Kilala ko ang master mind ng pambubugbog sayo Rain. Ex boyfriend ko sya. "Nakayukong wika nito.
  "What? Teka! Ibig sabihin din na ikaw yung sinasabi ng unggoy na yun na gf niya na hiniwalayan siya ng dahil sakin? "Galit Kong tanong kay Chloe.
  "O-Oo. A-ako nga. Pero matagal na kaming hiwalay. Hindi ikaw ang dahilan kung bakit ko siya hiniwalayan. Bago pa man nung nangyare satin kagabi, wala na kami ni Blaine .Hiniwalayan ko sya kase nalaman ko na isa syang gangster at siya mismo ang pinakaleader sa grupo nila. Natakot ako sa kanya,minsang may binugbog sya mismo sa harapan ko dahil binastos ako. Nakita ko kung pano niya ito binugbog. Halos mamatay na nga yung nambastos sakin kung di ko pinigilan si Blaine.
"Paliwanag ni Chloe.
"Nalaman ko din na ilang beses na syang naglabas pasok sa kulungan at dahil sa impluwensya ng ama nitong Governor napapawalang sala ito. Kaya Rain ako na mismo ang magsasabi sayo. Kung may plano kang gumanti sa kanya wag mo ng ituloy. Di mo sila kaya. Baka sa susunod di lang ikaw ang galawin nila pati na rin ang mga taong malalapit sayo. "
  "Teka, sabi mo matagal na kayong hiwalay. Pero bakit ang anak ko ang sinisisi ng ex bf mo sa pakikipaghiwalay mo sa kanya?"nagtatakang tanong ni mama.
  "Kase po mula nung nakipaghiwalay ako sa ex ko. Wala pa pong nalilink na lalake sakin. Pero nung gabing may nangyare samin ng anak niyo. Nalaman ito ni Blaine kase pinapasundan pala niya ako sa isa sa mga member nila. At nung time na umiyak ako sa harapan ng anak niyo, begging him to not to dump me like a trash after what happened to us. Nalamam din niya yun. Galit na galit si Blaine .At naalala ko pa sabi niya ipaghihigante daw niya ako.Babalaan sana kita Rain pero nahuli na'ko. I'm sorry. "Naiiyak na sabi ni Chloe.
  "Rain! May nangyare sa inyo ?Anak naman. Kelan ka pa ba titino? Tingnan mo nga nangyare sayo! Diyos ko. Ako ata unang mamatay dahil sa nerbiyos anak. "
"Tch! Ma,uulitin pa ba natin? Alam mo naman kung bakit ako ganito di ba? Wag niyo na akong pilitin na magbago dahil hanggat di ko kayo naigagante sa kanila. Di ako titigil!"naikuyom ko kamao ko sa galit. Sila! Silang mga babae ang dahilan ng pagkamatay ng papa niya. Di man lang niya ito nakita. Bata pa lang sya ng mamatay ito.Ayon na din sa kwento ng mama niya kaya namatay ang papa niya ay dahil sa car accident. Iniwan sila ng papa niya at plano sanang sumama na sa kabet nito pero sa kasamaang -palad naaksidente ito. Hindi sya nakaramdam ng galit sa papa niya. Sa babae nito. Dahil kung di ito pumatol sa papa niya di sana sila iiwan ng papa niya at di rin ito maaaksidente! Mga babae di dapat nirerespeto! Dahil sila mismo walang respeto sa sarili. Yun ang nitatak sa isip niya kahit bata pa lamang sya noon. Isang babae lang ang nirerespeto niya at mahal niya yun ang mama niya. At nangako siya sa sarili na ipaghihigante niya ito. Pero sa ibang paraan sya gumaganti. Yung nakikinabang at nag eenjoy sya.At yun ang pagiging babaero niya.
  Yes! I'm a Womanizer. I'm proud of it!

The Womanizer meets a Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon