Chapter 11

51 1 0
                                    

  Xeina***

"I-ikaw! "Nagulat ako pagbukas ng bintana sa harapan ng kotse, kase mukha ng hambog na koreanong hilaw ang nakita ko.

"Ako, nga! "Tinaas ,baba pa nito ang kilay, kala naman kina gwapo nito.

"Anong ginagawa mo dito? "Nagpipigil sa inis na tanong ko.

"Malamang nakasakay sa kotse,habang hinihintay ko yang pinsan ko. "

Nagpalipat lipat ako ng tingin kina Jay at dito sa koreanong hilaw na'to!
"Magpinsan kayo?"tanong ko kay Jay.

"Oo, at siya yung sinundo ko sa airport at siya din sana ang pinsan kong ipakikilala  sayo Angeline. "Ani Jay.

"Sige, Jay... salamat na lang sa offer na ihahatid mo kami. "Nagbago ang isip ko, ayokong makasama sa loob ng isang kotse ang hambog na koreanong ito!

"Best naman!Mag-iinarte pa ba! Hirap na sumakay pauwi ngayon, uy. "Pagmamaktol ni Joelle.

"Kung gusto mo,ikaw na lang magpahatid. "Ang sagot ko.

"Xeina, mahirap na ang pagsakay pauwi ngayon. Wala na masyadong mga dyip. Kung meron man ay ibang rota no'n. Alam kong alam mo na mahirap sa ganitong oras ang pagsakay pauwi. Kaya sumakay kana. Ihahatid na namin kayo nitong pinsan ko. "Pangungumbinsi ni Jay.

"Sige na best, wag ng choosy. Mga gwapo naman ang kasama natin, oh."dagdag pangungumbinsi pa ni Joelle, habang halatang kinikilig.

Sa totoo lang, tama naman sina Jay at Joelle na mahirap sa ganitong oras ang pag-uwi. At mahal ang singil sa tricycle.

"Sige, na... payag na ako. "

"Hay, salamat! Oh,tara na best! Sakay na tayo!"excited na wika ni Joelle.

"Excited masyado best?!"

"Hehehe...slight lang best. 'To naman!"tinulak pa ako ng mahina habang pasakay ako sa sasakyan ni Jay.

"Magpapahatid naman pala, pa hard to get pa." Dinig kong mahinang sabi ni koreanong hilaw matapos kong maisara ang pinto ng kusina.

"May reklamo ka?! "Tanong ko kay koreanong hilaw.

"Tch! "Ang tanging narinig kong tugon mula kay koreanong hilaw.

Grrrr!!!Ang sarap sabunutan ng koreanong hilaw na'to! Medyo may kahabaan ang blonde hair nito kaya ang sarap sabunutan. Sakto namang nasa likod niya ako nakaupo kaya abot -kamay ko ang buhok nito. Eto na nga ang may atraso sa'kin, ako pa tinawag na tanga! Sarap din sipain pabalik sa planetang pinanggalingan nito.

Di pa tayo tapos koreanong hilaw!

At ang sumunod ay mahabang katahimikan sa biyahe. Tahimik sa loob ng sasakyan pero di ako pinapatahimik ng koreanong hilaw na nasa harapan ko, panaka-naka itong sumusulyap sa rear mirror at kapag saktong napapatingin ako ay ngumingiti ito! Ngiting nakakaloko!Bwisit !

~

Una naming narating ang bahay nina Joelle,di naman kami masyadong nagkakalayo ng bahay nasa iisang barangay lang kami.

"Thank you Jay at sa'yo din...?"nahinto si Joelle kase di nito alam ang pangalan ni koreanong hilaw at ganun din ako. Pero di ako intresado na malaman pa.

"Rain,"nakangiting sagot ni koreanong hilaw.

"Ulan?! "Nangingiting wika ni Joelle, napangiti din ako sa inasta ni Joelle. Kalog si Joelle at palabiro alam kong binibiro lang nito ang kausap.

"Hmmmmm.... yeah, ulan in tagalog.Pero nickname ko lang ang Rain,short for Rainier. "

"Biro lang."

"Ahemmm!"tawag pansin ko sa kanila,aba parang wala na atang plano pang bumaba si Joelle eh."Ah,best baka may plano ka pang bumaba o gusto mo magbiruan na lang kayong dalawa at ako na lang ang bababa ."inis kong wika.

"Oo na!Eto na po ale, bababa na po. "Nagsusungit sungitang wika ni Joelle habang pababa ng sasakyan.

"Napipilitan, best?"taas-kilay na tanong ko.

"Ay,di naman best. Kaw talaga napaka seryoso mo. Oh, sya babosh na. Salamat ulit Jay at Rain sa paghatid. Best,... bye. "Kumaway si Joelle at pumasok na ito sa kanilang gate .

Mula kina Joelle ay nasa pangalawang kanto pa ang bahay namin. Huminto ang sasakyan ni Jay sa harap ng bahay namin, patay na ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay, marahil ay tulog na silang lahat.

"Salamat sa paghatid Jay. "Wika ko bago tuluyang buksan ang pinto ng kotse para bumaba.

Pagkababa ko ay hinarap ko si Jay at nagpasalamat uli.

"Walang anuman yun. "Nakangiting wika ni Jay.

"Pangalawang beses ka ng nag-thank you dito sa pinsan ko pero sa akin wala. "Biglang sabat ni koreanong hilaw.

"Kotse mo ba 'to? "Iritadong tanong ko.

"Hindi. "

"Ikaw ba nag-drive?"tanong ko ulit.

"Hindi rin. "

"Oh!...eh,ganun naman pala,so walang rason para pasalamatan kita! "Nakapamewang kong sabi.

"Teka nga! Teka nga! "Awat sa amin ni Jay, " kanina ko pa kayo napapansin, "pinaglipat lipat pa nito ang tingin sa amin, "para kayong aso't pusa ah,kanina pa kayo nagkakainitan,ano bang meron sa inyong dalawa,ha? "

Inirapan ko si koreanong hilaw ng mahuli kong nakangiti Ito sa akin, ngiting nang-aasar.
" 'Nag-met na kami insan. "Ngingiti-ngiting wika ni koreanong hilaw.

"Oh,really! "

"Yes, remember yung kinuwento ko sa'yong babaeng tigre na naka engkwentro ko? "

"Yeah!...yes, natatandaan ko,..wait, don't tell me na ikaw yun Xeina?! "Baling na tanong sa akin ni Jay.

"Babaeng tigre! Ako!? Hoy!koreanong hilaw na ipinaglihi sa buhok ng mais ang buhok, anong karapatan mong tawagin akong babaeng tigre, ha. "Dinuro duro ko pa ang kumag.

"At sino rin ang nagbigay ng karapatan sa'yo na binyagan ako sa pangalang koreanong hilaw?...tsaka di ba't totoo naman isang kang babaeng tigre... roar! Hahahaha "

"Ok na din sa akin yang babaeng tigre. Matapang. Palaban. Malakas...di katulad mo, bakla!...pumapatol ng away sa babae...  palibhasa baklang koreanong hilaw! "

"Hahahahaha—"dinig kong tawa ni Jay,pero siniko Ito ni Rain a.k.a baklang koreanong hilaw.

"Ako bakla?! Gusto mo patunayan ko sa'yo na di ako bakla?Oh, baka naman gusto mo lang na halikan kita. "

"Ay, luma na yan! Bakit sa halik lang ba napapatunayan ang pagkalalake? Yung iba nga dyan, may ka 'totot' pa na girl. Kaya di na effective yan! Aminin mo na lang kase, na isa kang paminta !"

"Ganun ba? Eh, di gusto mag 'totot' tayo, kase kaw na rin ang may sabi na may mga bakla na nakikipag 'totot ' sa babae, so pwede tayo. "

"Bastos! "Matapos kung sabihin yun ay tumalikod na ako at nagmamartsang pumasok sa gate ng bahay.

"Hoy! Babaeng tigre! 'Totot' tayo minsan! "Pahabol na sigaw nito.

"L*tse! "Sabay kuha ko sa walis tingting na nakita ko at handa ko na sanang sugurin ang bakla na 'yun pero bago pa ako makalapit ay pinaharurot na ito ni Jay.

Di pa tayo tapos baklang koreanong hilaw!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Womanizer meets a Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon