Chapter 2

91 1 0
                                    

Rainier***

Naalimpungatan ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko. T*e!Storbo!
Ini-off ko yung alarm clock at pumikit ulit. Antok pa 'ko.
"Rainier! Gising na! Bangon na dyan! Mali -late kana naman. Alas 7 na oh! "-malakas na sigaw ni mama sa labas ng pinto ng kwarto ko, habang malakas din ang pagkatok nito .
No choice kundi bumangon. Di sya titigilan ng mama niya hanggat di siya bumabangon.
"Ahhhhhhhhhaaaayyyyyy.....gising na po ako Mama .Maliligo na po ako."sagot ko habang naghihikab pa.
"Dalian mo na diyan. Hintayin kita, sabay na tayong mag -breakfast. "
"Ok."

Pagkatapos kung maligo bumaba na 'ko. Nakita ko si mama na naghihintay na nakaupo sa hapag -kainan. Kami na lang ni mama at dalawang katulong dito sa bahay.Ulila na ako sa ama.
"Good morning 'ma. "bati ko kay mama sabay halik sa pisngi nito.
"Good morning too."
"Nakabihis po ata kayo ngayon. May lakad po ba kayo. "-tanong ko habang naglalagay ng pagkain sa plate ko.
"Oo, pupunta ako ngayon sa isa nating branch ng fast food chain
.May final interview ngayon at ako mismo ang mag -iinterview sa mga aplikante. "
"Oh, that's good. Atleast may pagkaka abalahan ka ngayong araw. Di yung dito na lang kayo lage nagkukulong sa bahay. "
Franchise -owner si mama ng isa sa mga sikat at kilalang fast food restaurant.May limang branches si mama dito sa Cavite. Meron ang iba sa mga malls.
Meron din kaming restaurant na kami talaga ang owner at di franchise. Si papa daw ang nagpatayo no'n noong nabubuhay pa ito'y sya din ang namamahala. Isa itong Filipino -Chinese restaurant,half Filipino ,half Chinese kasi papa ko. Dahil mahilig daw si papa magluto kaya naitayo ito.
At no'ng mamatay ito ay si mama na ang nagmanage lahat ng food business namin. Siyempre dahil only child lang ako, ako ang susunod sa yapak ng mga parents ko. Kaya business management ang course na kinuha ko.
4th year college na 'ko.Sa Hougwart University ako nag -aaral.
"Mauna na po ako mama. Baka ma -late na po ako.Di ko na po kayo hihintayin. Ingat na lang po kayo sa pagdadrive,ok? "-paalam ko kay mama sabay halik ulit sa pisngi nito. "Kakaunti lang ang nakain mo. Halos di mo nga nagalaw yang nasa plate mo."
"Sa school na lang po ako kakain mamayang pagka break namin.Sige ma,una na 'ko. Love you. Bye! "
"Love you too,iho. Bye! "

******************
Dito na ako sa may parking lot ng school. Dali -dali akong bumaba sa kotse ko. Tingin sa watch. Di pa ako late. 8:30 first subject ko. Alas-otso pa lang. Napangiti ako, di ako masesermunan ni Miss Talaq.
Naglalakad na 'ko ng may humarang sakin na limang mga lalake. Hindi ito mga studyante dahil pawang nagpaka hood na red jacket at maong pants,terno pa talaga parang member ng isang dance troupe.At di rin pamilyar sa kanya ang mga pagmumukha nito.
"Kaw ba si Rainier?! "-tanong sakin nung isa.
"Oo, ako nga, bakit? "Taas noo kung sagot.
"So, ikaw pala ang pinagpalit sakin ng gf ko!"-sabi pa nito. Sa tingin ko rin siya ang mukhang leader sa kung ano mang grupo meron sila, narinig ko kasing tinawag ito ng isa sa mga kasama niya na boss.
"Kilala mo ba 'ko ha? "
"Malamang hindi eh sa ngayon ko lang nakita yang mga pagmumukha ninyo. "-sagot ko. Aba tanungin ba 'ko,pake ko kung sino siya.Tch!
"Aba,hambog to ah!"Sabi nitong may galit na mukha. Sabay suntok sa sikmura ko.
(Bogsh!)
"Tang'na! Anong problema mo ha!-galit kong sabi habang namimilipit sa sakit. Put*a!Nabigla ako dun ah, kaya di ko naiwasan.
"Kaw! Ikaw ang problema ko! "suntok uli sa sikmura,na siyang ikinatumba ko.
"Alam mo bang dahil sayo kaya hiniwalayan ako ng gf ko. "-tinadyakan ako.
"At ang malala pa do'n,pinaiyak mo pa gf ko. Pagkatapos mong magpakasarap,itinapon mo na parang basura! Ako nga di ko pinapaiyak yun tapos ikaw, ikaw na damuho ka paiiyakin siya! Lintik lang ang walang ganti! "-hinawakan ako sa kwelyo ng suot kong uniform pilit na itinayo at sinapak ako ng dalawang beses.
"Eh sa mas guapo kase ako at magaling magdala kaya siguro hiniwalayan ka ng gf mo. "-sabi ko na may nakakainsultong ngisi.
"At kung sino man yang sinasabi mong gf mo aba dapat pala talagang hiwalayan ka. Mukha mo mukhang sanggano! Hahahaha! "-dagdag ko pang pang iinsulto. Kahit man lang sa ganong paraan makaganti ako.Hindi ako duwag at lampa,pero aaminin ko sa sarili ko na di ko sila kaya. Ang lalaki ng mga katawan at mukhang sanay na sanay sa bakbakan. Baka nga patayan pa. Mukhang mga mamamatay tao eh,lalo na yung apat na kasamahan nitong nanuntok sakin.
"Di ka lang pala babaero! Hambog ka pa at lampa! "-sinuntok na naman ako. Nakakarami na ang unggoy na 'to ah!
"Matapang ka lang kase may mga back up kang gorilla. "gorilla kase malalaki sila at siya unggoy kase medyo maliit ito kung ikukumpara sa kanila.Magkasing katawan lang sila kung tutuusin.
"Gorilla pala ha! Oh, gorilla daw mga 'tol. Patikim niyo sa kanya pagka gorilla ninyo. Kayo ng bahala sa kanya. Turuan niyo ng leksyon. Papasok na 'ko sa kabilang university. May klase pa 'ko. "paalam ni unggoy sa mga kasamang gorilla. Pero bago ito umalis sinapak pa muna ako.
"Hawakan yan! "narinig kong sigaw ng isa sa mga gorilla.
Hinawakan ako ng dalawang gorilla sa magkabilang braso. Yung isa naman sininyasan nung sumigaw na magbantay baka may makakita.
Sapak,suntok sa sikmura at tadyak.Hinang-hina na'ko. Di ako makalaban.Wala man lang may nakakita samin.Sabagay narito kami sa likurang bahagi ng parking lot ng university. At sa mga oras na ito'y nagsisimula na ang klase.
Huminto si Gori sa panggugulpi sakin. Akala ko tapos na. Nakita ko na lang na may hawak hawak na itong tubo. Ewan kong saan galing. Nakangiti pang lumapit sakin habang pinapalo palo sa kamay ang tubo.
"Para sa finale mo hambog! Sana magustuhan mo 'tong tubo na inilaan namin para sayo. "
"Pwe!Mga duwag! Pinahawakan mo pa talaga ako dito sa dalawang kasama mong gorilla. Ano, takot ka na magalusan ko yang pangit mong mukha!"-sabi ko sabay dura sa pagmumukha nito.
"Aba't hambog ka talaga no!Nakuha mo pang maghambog kahit bugbog sarado kana. Matibay ka rin ano!Tingnan natin kung makakapaghambog ka pa dito sa hawak ko. "galit na sabi nito sabay angat sa ere ng tubong hawak nito. Ihahampas na sana nito sa ulo ko ang tubo ng biglang may sumigaw.
"Waaaaaaaagggggg......!!!!!!"sigaw ng isang boses babae.Di ko makita dahil sa may bandang likuran ko nagmula ang boses.
"M-maam Chloe! "Sabi ni Gori.
"Takas na tayo mga 'tol bago pa may ibang makakita sa'tin. "Dinig kong sabi ng isa sa mga humawak sa'kin.
"Tara na. Iwan na natin yan. Papalapit na dito si Maam Chloe."
Bago ako iniwan nila sinuntok pa muna ako ni Gori. Bagsak ako. Hinang hina at nanlalabo na paningin ko.
"Rainier!
"C-Chloe? sabay ng pagbigkas ko sa pangalan niya ay dumilim na ang lahat sa'kin.
"Rainierrrrrrrrr.......!
"Somebody help me !Please help us!Hold on Rain,please. Hold on! Sh*t!

The Womanizer meets a Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon