Chapter 5

47 1 0
                                    

Mrs. Sandra Chui ***

Sa tuwing naririnig ko ang rason na yun ng anak ko, nakokonsensya at natatakot ako.
Natatakot ako sa posibleng mangyari oras na malaman niya ang totoo. Ayokong kamuhian ako ng anak ko. Ayokong mawala siya sakin. Kaya ko lang naman nagawang magsinungaling dahil mahal na mahal ko anak higit pa sa buhay ko. Kaya kong mawala ang lahat ng yaman na meron ako, pero anak ko di ko kaya. Ikamamatay ko .

Di ko alam hanggang kelan ko maitatago sa kanya ang katotohanan. Wala akong sapat na lakas at tibay ng loob para sabihin sa kanya ang totoo.

Walang sekretong di naibubunyag,alam ko kaya ilang beses na akong ngtangkang sabihin sa kanya. Pero pagkaharap ko na anak ko,nawawala lahat ang naipon kong lakas.Di ko magawang sabihin sa kanya.Umaatras dila ko.

Dalangin ko na lang na sana kung dumating man ang tamang panahon na malaman niya ang katotohan,ay sana maintindihan niya ako at di kamuhian.

"Rain,ano ibig mong sabihin na paghihigante?Kanino? At bakit? "Dinig kong tanong ni Bridgette.
"Wala!pwede ba wag ka ng maraming tanong Bridgette!? "
  "S-sorry Rain "
  
Habang tinitingnan ko anak ko di inuusig ako ng aking konsensya.
  "Ma, why are you crying? "Tanong ni Rain sakin?

Di ko namalayan tumulo na pala ang mga nagbabanta kong luha.
"A-aah....nothing anak... I'm, i'm just worried about you.. yeah yes  nag -aalala lang ako sayo. Kaya ako napaiyak. "-uutal utal kong paliwanag kay Rain.
"Ma, please don't cry,and don't worry about me. Ok na po ako.See, humihinga pa'ko. Di pa ko patay para iyakan niyo. "
"Dios mio! Wag mo ngang mabanggit ang salitang yan Rain. Kinikilabutan ako. Ako ata mauuna mamatay dito eh!"
  "Hey! Hey,..Ma, joke lang. Masyado ka kasing seryoso. "
  "Naku, kaw talaga bata ka! Oh,siya sige lalabas na muna ako anak, kakausapin ko muna doktor mo. Dito naman mga kaibigan mo.Babalik din ako agad."paalam ko.
Gusto kong lumabas muna baka di ko mapigilan sarili ko. Kanina ko pa pinipigilan maiyak ulit.

Nagmamadali na akong lumabas ng room .

*****************************
CHLOE***

"Gette, Rain... Ahm... aalis muna ako kakausapin ko lang si Blaine.I think kailangan naming mag -usap ulit. "Paalam ko sa dalawa,pagkalabas ng mama ni Rain.

Kailangan kong kausapin si Blaine. Di na mabuti itong pinaggagagawa niya. Nanakit na siya ng tao.

Paglabas ko ng hospital room ni Rain, nakita ko mama nito na nakaupo sa di kalayuan nitong kwarto.Kala ko kakausapin niya ang doktor.

Lalapitan ko sana para magpaalam, pero bigla itong tumayo at naglakad di ko alam kung saan.Sinundan ko na lamang ito.

Chapel? Pumasok sa mini chapel ng ospital ang mama ni Rain.Bakit? Nakausap na ba nito ang doktor? May serious injury ba si Rain? Pero sabi na rin ng doktor kanina wala naman.

Pumasok na din ako sa chapel. Kakausapin ko sana, pero nahinto ako sa paglapit ng marinig ko ang mga mahinang paghikbi ng mama ni Rain .
"Dios ko, patawarin Niyo po ako. Bigyan Mo Po ako ng sapat na lakas at tibay ng loob para sabihin sa kanya ang katotohanan. Alam ko kasalanan ko po lahat. Dahil nagsinungaling ako sa anak ko. Nagawa ko lang po yun sa takot na pati sya mawala at iwan ako. Patawarin niyo po ako. "

Yan ang narinig kong dasal ng Mrs. Chui. Katotohanan? Anong katotohanan?

Di ko na lang nilapitan si Mrs. Chui. Palagay ko kailangan nitong mapag -isa. Wari ko'y may dinadala itong mabigat na problema. Pero nasisiguro ko yung hindi ito tungkol sa kalagayan ni Rain ngayon,ang pagkaka ospital nito.

May ibang dahilan,at kung di ako nagkakamali ay tungkol ito sa kaninang binanggit ni Rain na paghihiganti.

Nilisan ko na ang naturang chapel. Pagdating ko sa parking lot, sumakay na agad ako sa aking kotse.

Sinipat ko relo ko. 5:30pm.Wala na sa school campus si Blaine. Nasa tambayan na nila ito. Alam ko naman ang papunta doon. Naisama na ako ni Blaine isang beses doon nang ipinagtapat niya sakin lahat lahat.

Matagal tagal na ring di ko nakakausap at nakikita si Blaine. Sa cellphone niya lang ito nakakausap.Kase ayaw niyang makipagkita dito. Ngayon siya na mismo ang pupunta sa ex bf niya. Kakausapin niya ito. Di para makipag balikan. Para sa formal break up nila. Wala silang formal break up. BAsta nakapagdesisyon na lang sya ng araw na nilisan niya ang tambayan nila,na tapos na sila ni Blaine. He chose them over me.Kaya para sa kanya tapos na rin sila.

After half an hour. Narating ko na hide out nila. Napakaganda ng bahay.Napakaganda ng paligid. Nasa parteng Tagaytay na ito.  Di mo akalain na hide out ito ng mga gangster. Sabagay,di ko maikakaila na mayayaman din naman mga kagrupo ni Blaine.

Dirediretso akong pumasok sa gate. Di naman siya naka lock kaya pumasok na ako. Nasa may pintuan na ako. Kakatok na sana ako ng may naulinigan akong nag -uusap sa loob.
Bigla akong kinabahan.May kung anong nagtulak sakin para pakinggan ang nangyayaring pag-uusap sa loob.

Boses ni Blaine ang naririnig ko at isa sa mga kasama niya.

Bigla akong itinulos sa pagkakatayo ko ng marinig ko ang pinag -uusapan nila. Bigla kong naisip si Rain!

The Womanizer meets a Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon