Chapter 10 The womanizer meets the manhater

44 1 0
                                    

RAIN***

"Yes,Miss Tanga?"yun ang lumabas sa bibig ko pagkababa ng salamin ng kotse ko.

Napanganga pa ang babaeng kumatok sa bintana ng kotse ko pagkakita sa akin. Normal reaction kapag nakakita ng isang guwapong nilalang na tulad ko.

Ang kanina'y shock na mukha ay napalitan ng mala tigreng anyo!

"Hoy! Kagwang! " nanlilisik ang mga matang dinuro duro pa ako."Bakit mo 'ko tinawag na tanga,ha?!!! "

"Eh,di nga ba? Para kang tangang kinikilig diyan habang tinatanaw ang boyfriend mo! Alam mo bang nasa parking lot ka and your blocking the drive way! "Itinuro ko pa kung saan siya nakatayo kanina.Mas lalong nanlisik ang mga mata ng kaharap ko. Maganda ito, chinita at maputi. Pero parang pinaglihi sa tigre. Ang bangis! Roar!

"Alam kong nasa parking lot ako! Hindi ako bobo! Aba! Malay ko bang may tao sa loob ng kotse na'to!...ang lakas mong makabusina,inulit mo pa!Pwde ka namang magbusina ng mahina!Wala kang modo!"nanggagalaiting wika nito.

Ngumisi ako ng nakakainsulto.
"Ah,oo hindi ka nga pala bobo,Tanga lang!"and i winked at her.

"Ikaw naman,HAMBOG NA KOREANONG HILAW !Letse!"pagkasabi niyon ay nagmamartsang umalis ang babae.

Pumasok ito sa fastfood chain na pinanggalingan ko.

Napailing na lang ako.Magandang tigre.

Ako?Tinawag na Hambog na koreanong hilaw?What the heck?At KAGWANG?What was that?

I take a glance at the fastfood chain before i drive off.

~~
Xeina***

Nakasimangot akong pumasok sa fast food chain na pinagtatrabahuan ko. Bwisit na koreanong hilaw na yun! Hambog!

Hanggang sa locker room ay nakasimangot pa din ako.Yung mga nakasalubong Kung ibang employee alam na alam na bad mood ako ni isa walang bumati sa akin.

Pumasok ako ng comfort room at doon ay impit na sumigaw ako.

May kumatok! "Bestfriend? OK,ka lang? Na pano ka? Dinig dito ang mahinang pagsigaw mo. Matigas ba?I-ere mo pa lalabas din yan? "Anong pinagsasabi ng isang 'to? I-ere ko daw? At na realized ko kung ano ibig sabihin ni Joelle!

"Shunga!!!"sigaw ko mula sa loob. "Mali ka ng iniisip, i-ere ka diyan! Kaw umire kung gusto mo. ".Akala siguro ni Joelle nagdidiskarga ako!

Nakabihis na ako ng uniform namin ng lumabas ako ng C.R.Si Joelle ay ganun din,same kami ng oras ng shift nito.

"Ano best, success ba?"tanong ni Joelle sakin pagkaupo ko sa tabi nito. Naglalagay ito ng make up sa mukha. Required samin yun lalo na kaming mga nasa counter.

"Magbiro kana sa lasing wag lang sa akin ngayon, badtrip ako. "Inis na wika ko.Naalala ko na naman yung engkwentro namin nung hilaw na koreanong yun!

"Wooooohhhh...chillax best... "itinaas pa nito dalawang kamay. "Sino ba nakabangga mo at badtrip ka ngayon? Parang gusto mong manglapa ng tao, ah."Ugh! Daldal naman nitong babaeng 'to. Ewan ko ba bakit kami nagkakasundo nito gayung magkasalungat kami sa halos lahat ng bagay.

"Isang walang modong koreanong hilaw lang naman! Naku!!!Grrrrrrr..."I answered.Di pa rin ako natutunawan sa hilaw na koreanong yun.

"Kalma lang best, baka mamaya pati trabaho mo maapektuhan, baka buong shift kang nakasimangot. Bawal sumimangot! Kaya maya mo na isipin yung koreanong hilaw na yun! "Sermon ni Joelle sa akin.

Di nalang ako umimik. Tama si Joelle,erase muna galit ko sa koreanong hilaw na yun. Tumayo na ako at pumunta na sa may counter .

Nakita ko si Jay na kausap ang shift manager namin. Si Jay, anak ng franchise owner nitong fast food chain Kung saan nagtatrabaho kami ni Joelle. Palaging nandito si Jay dahil sinasanay nito ang sarili sa pagmanage ng business nila. Dahil ito ang mamahala ng mga business nila after college since only son lamang ito. Parehong HRM ang course namin actually kaming tatlo nila Joelle.

Nakita ako nito at tinanguan ako. Matapos nitong makipag usap sa manager ay nilapitan ako.

"O',akala ko ba susunduin mo pinsan mo kaya ka absent kanina."nauna akong magsalita pagkalapit nito.

"Oo, sinundo ko nga. Galing na nga siya kanina dito. Sayang di kayo nagpang abot ng pinsan ko. Papakilala pa naman sana kita. "

"Lalake ba yang pinsan mo o babae?"tanong ko.

"He."he answered.

"Wag nalang. Di mo na ako kelangan ipakilala sa pinsan mo. Alam ko yang tinatakbo ng utak mo, Sir Jay. "tinaasan ko pa ng kilay, alam ko kung bakit nito ako papakilala sa pinsan nito. Pwes I'm not interested!

"Papakilala lang naman...and will you please stop calling me 'sir'!"ayaw nitong tinatawag namin siyang sir ni Joelle. Magkakaibigan daw kami kaya no need na para tawagin siyang sir. Ano masama do'n?Duh!

"Then,stop acting a match maker. "Seryoso kong sabi. Napakamot pa ito ng ulo. And then i heard him sighed.

"Okey."

Di ko na nagawang sumagot dahil may mga customer na pumasok at pumunta sa counter.

I greeted them. Si Jay naman ay pumasok na sa mini office .

Naging busy na kaming pareho ni Joelle sa pagtake order. Dalawa kaming naka duty na cashier. Si Jay, ewan ko .Di ko na nakita, marami kasing customer pag hapon at lalo na sa gabi. Kaya di ko na napansin kung naka uwi na ba si Jay. Magkikita pa naman kami sa school.

11:00pm

Close store na. Naglilinis na kaming lahat ng kani -kaniyang station. Kami ni Joelle tulong kami sa paglinis sa counter area.

"Xeina, Joelle. "Sabay pa kaming lumingon ni Joelle sa tumawag samin. Si Jay pala.

"Bakit? "Iba na ang suot nitong damit, umuwi na pala ito kanina pa.

"Hatid ko na kayo pauwi. May i-checheck lang akong papers, sandali lang yun tapos sabay na tayong umuwi.OK?"tumango na lang ako.Pahirapan na ang sumakay sa ganitong oras, madalang na lang ang dyip, may tricycle naman kaya lang mahal ang singil sa pasahe. Mabuti sana kung malapit lang bahay namin dito sa pinagtatrabahuan namin.

Ok lang din sakin na ihatid kami ni Jay, kaibigan naman namin siya. Nag-iisang kaibigan kong lalake.

Pumasok na si Jay sa office. Kami naman ni Joelle at binilisan na ang paglilinis dapat kami mauna matapos nakakahiya naman kung si Jay pa ang maghihintay samin.

Tapos na kaming maglinis ni Joelle, hinihintay na lang namin si Jay na lumabas.Dito kami malapit sa may parking lot nakaupo ni Joelle.

Parking lot!

Naalala ko na naman ang koreanong hilaw na yun!Yung pagtawag niya sa'king Tanga! Ako tanga! Huh!

"O'tara na? "Si Jay na biglang nagsalita sa may likuran namin.

"Tara."sabi ni Joelle, at tumayo na ito.

Ako naman ay walang imik na tumayo na din.

"Mukhang badtrip ka, ah.Sorry,pinaghintay ko kayo. "Hinging paumanhin ni Jay.

"May naalala lang ako kaya ako na badtrip at walang kinalaman ang paghihintay namin sayo. "Paliwanag ko.

"May nakaaway kase yan kanina, dito daw sa may parking lot. "Sagot naman ni Joelle habang naglalakad na kaming tatlo sa kinaroroonan ng kotse ni Jay.

"Kaya naman pala.Naku, kawawa naman yung nakaaway mo, tigre ang nakaharap."ngiti -ngiting sabi ni Jay. Tigre kase tawag nito sakin pag ganitong galit o kaya badtrip ako.

Dito na kami sa labas ng kotse ni Jay. Bubuksan na sana ni Joelle yung pinto ng kotse sa likod ng biglang bumukas ang bintana ng kotse sa harapan.

"Hi, guys! "

"I-ikaw!!! "





The Womanizer meets a Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon