KABANATA 3

57 4 3
                                    

* * * * * * * * * * * * * * * *

'Huwag kang matakot mahulog,
Nakahanda akong saluhin ka

"Huwag kang matakot mahulog, handa akong saluhin ka" Nakangiting sabi ng Koronel na ngayon ay sobrang lapit na ang mukha sa mukha ko.

Hindi ako makagalaw at tulala lamang habang nakahawak pa rin siya sa aking baywang habang ako'y nakakapit pa rin sa may balikat niya. Walang sinuman ang gumagalaw sa amin. Parang sasabog ang puso ko sa kaba dahil ang kinaiinisan kong ginoo kanina lamang ay nandirito ngayon sa harapan ko at sobrang lapit ng mukha sa mukha ko.

Tila ba isang eksena sa palabas kung saan mag kakatitigan sila at-------

SUSMARYOSEP!!
ANO BA DOLORES! ANO IYANG NASA ISIP MO!?

Nang matauhan ako at nabalik sa aking ulirat ay agad akong napaayos ng tindig at pinag pagan ang suot kong puting baro't saya.

Ano ba itong ginawa mo Dolores!

"P-paumanhin" Iyon na lamang ang nasabi ko at aalis na sana nang mag salita ito. Nako talaga Dolores! Huwag kang mag papadala sa ginoo na iyon!

"Sandali Binibini" Ngiting sabi nito at lumapit sa akin. Napakunot naman ang noo ko at napapikit sa kahihiyan.

Ano na naman ang gagawin niya?

"Hindi ko inaasahan na makikita kitang muli matapos ang unang tagpo natin sa tindahan. Tila nakatadhana na tayo'y pag tagpuin muli. Ako'y nagagalak" Saad nito sabay pakita ng matamis nitong ngiti na nakapag padagdag sa kaguwapuhan nitong taglay.

Dios ko,
Kayo na po ang bahala sa akin!

Hindi!

Ano ba Dolores! Umayos ka!

"Pwes hindi ako nagagalak, tigilan mo na kung ano man ang balak mo sa akin, pangahas na ginoo" Tama nga! Ganyan Dolores!

Napatawa naman ang Koronel "Masyadong mapanghusga ang iyong mga labi, binibini"

"Sinasabi ko lamang ang sa tingin ko'y ugali mo" dipensa ko.

"Kung gayo'y marapat na kilalanin mo pa ako nang mabago ang iniisip mo tungkol sa akin. Mga ilang buwan rin kaming mananatili rito" Saad nito kasabay ng bahagya nitong pag lapit sa akin ng ilang hakbang pa. Napakunot ang noo ko, ano naman ba ang balak nyang gawin

"Oh, lalapit lamang ako ngunit kumukunot na naman ang iyong noo. i-unat mo iyan pagkat mas maganda kang tingnan kung hindi kukunot ang iyong noo" nakangiting sambit nito.

Hindi ako tumugon, nakatingin lamang ako sa kanya nang hindi ko namalayan at nung mag tama ang aming tingin ay napaiwas ako "Hindi mo na kailangan pang i-iwas ang iyong tingin pagkat akin nang nakita ang kinang nito habang nakatingin sa akin kanina. Hindi mo maitatago na nagu-guwapuhan ka sa akin" mahanging usal nito sabay ngisi.

Labas ng kaunti ang mapuputi at pantay nitong ngipin at masasabi kong mas ma-guapo at bagay sa kanya ang nakangiti kaysa sa seryoso niyang mukha.

Mas lalo lang kumunot ang aking noo dahil sa huli niyang sinabi.

Hindi mo maitatago na nagu-guwapuhan ka sa akin

Hindi mo maitatago na nagu-guwapuhan ka sa akin

Hindi mo maitatago na nagu-guwapuhan ka sa akin

Hindi mo maitatago na nagu-guwapuhan ka sa akin

Hindi mo maitatago na nagu-guwapuhan ka sa akin.

Hay Julian, gwapo ka naman talagang tunay ngunit hindi ko kinakaya ang iyong pagka-mahangin!

Te amo, Mi CoronelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon