KABANATA 1

99 5 0
                                    

TE AMO, MI CORONEL

AUTHOR'S NOTE: Hello! This is my first story and ito ay tungkol sa kinahuhumalingan kong tambalan ng isa pang couple sa movie na GOYO: Ang batang heneral. So naisipan ko na Gawan ito ng story. Alam kong hindi ako ganoon kagaling sa pag sulat pero still hoping na basahin nyo ito at naway inyong maibigan.
Basta gagawin ko yung best ko para matapos ko ito ng buo. Salamat mga mahal!

PAUNAWA: Ang ibang mga karakter,lugar,ngalan ng tao at ilang mga pangyayari sa kwentong ito na aking iniba ay kathang isip lamang at parte lamang ng aking imahinasyon.
Ang anumang pangyayari na may pagkakatulad sa totoong buhay o storya ay nagkataon lamang at parte lamang ng malawak na kaisipan ng may akda.

MERCADO DE DAGUPAN

Mataas na ang araw at marami na ang naririto sa merkado upang mamili ng Kani-kanilang kailangan lalo na sa lutuin. Halos siksikan na sa bawat pwesto ng mga paninda dahil sa dami ng mga tao.

Ngayon nababatid na namin kung gaano kahirap makipag sabayan sa mga mamimili ang mga kasambahay namin sa tuwing bumibili sila. Sobrang hirap!

Narito kami ngayon sa puwesto kung saan naroroon ang mga sariwang mga prutas. Mayroong mga nag la-lakihang pakwan, mansanas, saging, dalanghita at mga mangga na syang pinaka paborito namin sa lahat at sya ring bibilhin namin ngayon upang ihain mamaya sa hapunan. Mayroon raw kasing panauhin si Ama kaya't dapat ay mag handa ng marami sa hapag. Pero kahit naman kami-kami lang sa bahay, sadyang marami din talaga kung magpa luto sina ina dahil malalakas kumain ang aking mga kapatid.

Siya nga pala kasama ko rito sina Ate Remedios at ang nakababata kong kapatid na si Rocio.Kami naman ang mamimili ngayong araw.

Hindi na namin pa iniasa sa mga ito sa mga kasambahay sapagkat batid namin na abala sila sa pag lilinis at pag aayos sa bahay. Ang sabi kasi ni ama, isang taong may mataas na posisyon ang panauhin namin mamaya. Dito daw din muna titigil ang mga ito nang ilang buwan kaya't pati yung isang bahay na pag mamay-ari rin namin ay ginayakan din upang ipagamit sa mga ito.

Ngunit sino naman kaya ang mga ito?

Hay, bakit ko pa ba iisipin iyon?

Bakit naman tila interesado ako?

Ipinag pasawalang bahala ko na lamang ang aking pag iisip at tinungo ang pwesto ng aking mga kapatid na kakamot kamot sa ulo habang pumipili ng mga mangga.

Dolores, Ikaw na ang pumili sa mga mangga. Hindi ko batid kung ano ang hitsura ng mga mangga na pu-puwedeng ihain mamaya” nakakamot ulong utos sa akin ni Ate Remedios. Hay! Si Ate talaga! Itinuro kona sa kanila noon na tamang pag pili sa prutas eh!

“Kay tagal ko nang naituro iyan sa inyo ngunit hindi pa rin  kayo marunong sa pag pili ” Reklamo ko pa sabay tingin sa mga mangga.

Si ate talaga oh! Hindi ba talaga niya  alam kung paano pumili ng isang magandang prutas?

Nagsimula na ako sa pag pili. Ipinakita ko rin ito kina Rocio at Ate Remedios upang ituro muli ito sa kanila. Kapag talaga ito hindi pa nila natandaan, kukurutin ko na talaga sila!

Pinili ko ang mga mangga na  walang anumang tama o kung ano mang itim sa balat nito. Pu-pwede na iyon.
Sa pag pili ng magandang prutas, hitsura Ang basehan upang masabing pwede pa itong ihain. Ganoon dapat!

Pag katapos kong pumili, binayaran na iyon ni Ate Remedios.
Pauwi na sana kami nang aking maalala na may ipinabibili palang kuwaderno si Feliciano at Mariano. Sinabi ko naman kina Ate na manuna na sila sa Bahay. Pumayag Naman sila at nauna nang umuwi.

Ako nama'y pumunta na sa tindahan ng mga kuwaderno upang bumili ng ipinabibili nung dalawa kong kapatid. Batid ko kasi na mag tatampo ang mga ito sa akin kapag hindi ko ito nabili para sa kanila. Mahilig kasi silang mag sulat ng mga tula at istorya at doon nila iyon sinusulat sa kwaderno kaya't kada mapupuno nila iyon ng sulat ay nag papabili ito ng bago.

Te amo, Mi CoronelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon