KABANATA 4

52 4 6
                                    

Ika-10 ng Hulyo, 1899

Là officina del el Gobernador Torres
Pamunuan ng Pangasinan

Heneral Del Pilar,

Bilang aming espesyal na mga panauhin, nais po namin kayong imbitahan sa gaganaping pagtatanghal sa plaza ngayong darating na a quince ng hulyo taong 1899.

Ang nasabing palabas ay tungkol sa inyong kabayanihan at kontribusyon sa matagumpay na digmaan laban sa mga kastila na inihanda ng mga kabataan at mamamayan ng Dagupan na tumitingala sainyo.
Ilalabas rin dito ang kuwento ng inyong buhay mula noong kayo'y musmos pa.

Amin pong aasahan ang inyong pag dalo sa nasabing petsa. Iyon lamang po at Maraming Salamat!

Lubos na gumagalang,

Gobernador Torres

"Isang palabas para sa akin? Para ipag diwang ang aking kagitingan?" tanong nito muli sa akin. Hinablot nito ang liham pag-anyaya mula sa tanggapan ng pangasinan.
Tatlong linggo na ang nag daan nang mag simula kaming mag bantay sa bayan na ito.
At sa ngayo'y payapa pa ang kapaligiran.
Ngunit hindi dapat makampante.
Nandyan pa rin ang banta.

"Oo, goyong. Nakakatuwa hindi ba? Gumawa sila ng pag tatanghal para sa kabayanihan ng aking mahal na kapatid..." buong pag mamalaki ko sabay tapik sa balikat ni Goyong at inakbayan ito habang nag lalakad-lakad."para sa iyong kagitingan"

Napabuntong hininga na lang si Goyong at nag salita "Magiting? Ni hindi ko malaman mismo sa sarili ko kung karapatdapat pa ba akong tingalain ng marami" hay goyong. Ano naman ba ang iyong ibig sabihin?

"Magandang Tanghali Heneral, Koronel" bati ng isang Babae na sa tansya ko'y Bente'y sinco na nakasalubong namin. Tumango na lang kami at nag patuloy na sa pag lalakad habang nag u-usap.

"Masyadong tahimik ang mga nag daang araw Kuya. Pakiramdam ko'y kay layo na natin sa giyera. Tanging puro kababaihan na lamang ang ating nakakasalamuha.
Pati na rin ang mga taong iba ang iniisip tungkol sa atin at lalo na sa akin" dagdag pa nito at tila ba pinag dududahan nito ang kanyang sarili.

Patuloy lang akong nakikinig sa aking kapatid bagay na ginagawa ko upang mapagaan ang mga iniisip niya.
Bilang nakatatandang kapatid, handa akong makinig at sa tuwing pinang hihinaan siya ng loob, ako ang umaalalay sa kanya.
Iyon rin naman ang isa sa mga dahilan kung bakit ako naririto ngayon sa posisyon at trabaho na ito; upang magabayan ko pa rin ang aking kapatid at hangga't maaari, ayaw ko na mawalay sa akin ang aking kapatid na iyon.

"Ganoon na ba talaga ang tingin nila sa atin? Sa akin? Isang masamang ihemplo? tuta?" hay! Itong si Goyong iniisip na naman ang sinabi ng hayop na Manuel na 'yon.

"Hindi tayo masama. At mas lalong hindi ka masama. Kung nasasabi nila iyan dahil sa reputasyon mo at sa sabi-sabi, puwes, mas mainam na panuorin nila ang pag tatanghal sa plaza upang makita nila na hindi ka kasing sama ng inaakala nila" tsk! Mga tao nga naman! Sadyang mapanghusga!

"Atsaka hindi ka isang tuta, Goyong. Isa kang Aguila, tandaan mo iyan" isa kang Aguila goyong! Huwag kang papadaig at papatalo sa sabi sabi na naririnig mo.

"Tandaan mo kung sino ka,
Lahat ng tao tinitingala ka.
Ikaw ang Aguila!
Bayaning Bulakenyo, Dugong magiting" bahagya akong ngumiti at sinabi iyon upang muling bumalik ang tiwala nito sa kanyang sarili. Alam kong dumarating siya sa punto na pinanghihinaan siya ng loob. Kaya nga narito ako, upang gabayan siya.

Laging nag papaalala kung sino at ano siya.

Inalis ko ang pag kaka-akbay ko sa kanya at bahagyang ini-angat ang baba nito "Oh,Sino ka nga ulit?"

Ngumiti ito at inialis ang kamay ko sa may baba niya sabay sagot

"Aguila" ganyan nga goyong, kung tuta 'man ang tingin sa iyo ng nakararami, sige lamang.
Kung ang pagiging tuta at pagiging tapat sa Presidente ang daan patungo sa kapayapaan, ay gawin mo.

Te amo, Mi CoronelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon