KABANATA 2

46 3 0
                                    

Mga ginoo, ang mga anak ko. Mariano, Feliciano, Rocio, si Dolores at si Remedios Pag papakilala ni ama sa amin sa tatlong ginoo na kaharap namin ngayon.

Nakapalibot kami sa mesang lahat at nag sisimula na sa pag kain.
Nasa tapat ni Ate Remedios ang Heneral at nasa tapat naman ng kinikilig na si Rocio si Koronel Vicente Enriquez na napag alaman kong ayudante at matalik na kaibigan ng dalawang Del Pilar. Kaya pala sila ang mag kakasama tulad kanina.

Habang ako???

Nasa tapat ko ang pangahas na ginoo na sya palang nakatatandang hapatid ng Heneral.

Sadyang masarap ang mga putaheng nakahain sa hapag ngunit tila hindi ako makakakain ng maayos dahil sa pag kailang.

Kanina nya pa kasi Hindi inaalis ang paningin sa akin. Hindi ko pa rin nalilimutan ang pangyayari kanina sa tindahan ng kwaderno at ang nangyari na gulo kanina kung saan naroroon sila.

Ngumisi pa ito sa akin bago sumubo ng kanin. Ano ba ang kaniyang problema?

May kung ano ba ako sa mukha?

Nagagandahan ba sya sakin?

Matapos nya akong sabihang bangus?

Mabulunan sana sya!

Nag sisimula na ang masarap na kainan at kahit na kumakain na kami, nakatingin pa rin sya sa akin. Parang nais kong itusok sa mata nya ang tinidor na hawak ko upang hindi na sya tumingin ng ganoon.

“Koronel, baka matunaw ang anak ko nyan sa kakatitig mo” pabirong sabi ni ama.

Napansin nya siguro na kanina pa natitig ang Koronel na iyon sa akin. Napatawa Naman si Julian.

Nabighani lamang ho ako sa kagandahang taglay ng inyong anak” sagot ng Koronel sabay kindat sa akin.

Muntikan maman akong masamid sa sinabi nyang iyon

“Ate, Nabighani daw oh” bulong ni Rocio na syang katabi ko ngunit sinuway ko sya.

Tatawa-tawa naman sina Mariano at Feliciano habang kumakain. Lagot kayo sa akin mga kapatid!

Napayuko na lamang ako upang itago ang pamumula ng aking pisngi.

Bakit ako ganito?

Napalingon ako kay Ate remedios na nag papatuloy lamang sa pagkain at hindi pinapansin ang heneral. Aba! Kay tibay ni Ate Remedios ngayon ah. Parang kanina lamang ay halos mamula na ang pisngi nya dahil sa Heneral tapos ganito? Bakit tila ako yata ang madaling bibigay ngayon? Ano bang mayroon sa Koronel na iyon?

“Sya nga ho pala Don Mariano, kami po'y muling humihingi ng paumanhin sa nangyaring kaguluhan kanina” sa pag kakataong iyon ay si Heneral na ang nag salita.

Hay! Salamat naman at maiiba na ang usapan pagkat ako'y naiilang na kanina pa.

“Sa mga dalaga ko kayo nararapat humingi ng dispensa, nasindak nyo kamo sila sa kaguluhan kanina”

Itay, baka isipin ng Heneral na madaling masindak ang mga kababaihan sa tahanang ito” sagot naman ni ate Remedios nang hindi tumitingin sa Heneral.

Napansin ko naman ang pag silay ng ngiti sa mga labi ng Heneral. Tsk! Tila si Ate ang puntirya ng Agila na ito ah!

“Hanga ako sa matatapang na mga babae”

“Edi hindi nyo na kailangang humingi ng dispensa, heneral” sagot naman ni ate Remedios. Talagang himala na ang tibay ni ate sa Heneral.

Kilala ko pa man din si ate na kay daling bumigay lalo na at hindi ko naman maipag kakaila na gwapo ang heneral. Tulad sila ng kuya nya.

Te amo, Mi CoronelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon