KABANATA 7

31 2 3
                                    

KORONEL JULIAN DEL PILAR

IKA-20 NG HULYO 1899

Isang masigla at masayang umaga ang araw na ito para sa lahat. Lahat ng tao ay kani-kanilang asikaso sa mga pag aayos pati na sa entablado para sa pag tatanghal mamaya.

Napangiti naman ako. Natutuwa ang aking puso sapagkat nag sagawa sila ng ganitong pag tatanghal para sa aking kapatid upang mag bigay parangal sa kabayanihan nyang ipinakita para sa bayan.

Hindi sa pagiging mapag mataas sa tingin ngunit masasabi kong sadyang magiting ang aking kapatid ngunit hindi naman nya ito ginagawa upang sya ay hangaan at sumikat lamang, bagkus ginagawa nya ito upang magkaroon ng kapayapaan sa ating bansa at labanan ang nagtatangkang sakupin ang ating kayamanan; ang ating bansang Pilipinas.

Isang sakripisyong maituturing ang pag lisan namin sa bulakan at mawalay kina Ina ngunit tulad ng laging sinasabi ni Goyo, walang sakripisyo ang kay hirap basta't para sa bayan.

"Magandang Umaga, Koronel" masayang bati ng mga taong nakakasalubong ko habang nag lilibot sa paligid kung saan gaganapin ang pagtatanghal.

Tunay nang masasaya ang bawat tao na nakatira rito. Maging ang mga nakaaangat ay kasundo rin ng simpleng mamamayan lamang.

"Kuya, naririto kana pala. Ang akala ko'y pumunta ka sa mansyon ng mga nable" tawag sa akin ni Goyong. Siguro'y kararating nya lang.

"Nanggaling na ako roon. Balak ko ring kausapin si Angelito nang sa gayo'y malinaw ang nangyaring gulo ngunit ang sabi ni Dolores ay hindi pa sya nalabas ng kanyang silid" sagot ko rito habang sabay kaming nag lalakad patungo sa mga upuan na nasa harap ng entablado.

"Paano ngayon yan?"

"Hindi ko rin alam ngunit hindi ako susuko. Babalik ako mamaya upang kausapin sya" tumango naman sa akin si Goyong.

Kung pipilitin namin sya mas iisipin nya na kagagawan namin ang nangyaring yon at mas lalong lalala ang lahat.

Alam kong dapat nung una pa lang hindi na namin ginawa ang pagkakamali na ito. Hindi na dapat kami pumasok sa sitwasyon kung saan kami rin ang magiging masama.

Ngunit bilang tagasunod lamang at bilang isang sundalo, tungkulin namin ang gawin ito sa utos na din ng nakatataas.

Hindi namin ibig ng ganito ngunit kami'y sumusunod din lamang.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Nagawa mo na ba ang pinagagawa ko sa'yo?" Tanong ng isang lalaki sa isa nyang kaibigan habang nakatingin sa may bintana.

"Sa ngayon kakaunti pa lamang ang aking nalalaman tungkol sa ginoong iyon ngunit may nakuha akong balita na sa tingin ko'y ikagagalak mo" sagot ng kaibigan nito kaya't napalingon agad ang lalaki rito.

Hawak noon ang isang papel na ipinatong nito sa mesa "Nakuha ko iyan malapit sa tapat ng bahay na kanilang tinutuluyan. Marahil nahulog nila iyan nang hindi napapansin"

Lumapit ang lalaki sa kinaroroonan ng kaibigan bago pinatong ang baso na may lamang alak sa mesa at dinampot ang papel.

Isa itong telegrama.

Napangisi ang lalaki bago tumingin sa kaibigan "Magagamit natin ito para masira ang kanilang imahe at ako na ang mag wawagi. Mababawi ko kung ano ang para sa akin" nakangiti nitong sambit.

Tumayo ito bago ipinag salin ang kaibigan ng mamahaling alak na iniinom nito kanina.

"Uminom tayo, ilang araw na lamang at mawawala na ang lahat sa kanila, lalo na ang isang yon" ngisi nitong sambit at tila malakas ang kanyang paniniwala na mag wawagi sya sa plano nyang gawin.

Te amo, Mi CoronelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon