The Encounter
"Hija, sigurado ka ba talaga na gusto mo na magtrabaho dito?" tanong ni aling Eliza habang hinahawakan ang aking kamay.
"Opo, aling Eliza," determinado kong sagot sa kanya.
"Hindi ba nakakaabala sa schedule mo ito hija?"
Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Hindi po!"
"Kaya ko po ito! At tsaka, tuwing sabado at linggo lang naman po ako magtratrabaho rito, hindi naman po ata iyon makakaapekto sa pag-aaral ko," dagdag ko pa.
"Alam ba 'to ng mama mo hija?"
My eyes widened. I abruptly shake my head and frantically think about how to respond to her. "T-tungkol po d'yan, h-hindi niya po alam...P-pero sasabihin ko rin po ito sa kanya sa katapusan! K-kailangan ko lang po talaga ng-"
Nakita kong siya'y huminga ng malalim na naging sanhi ng pagtigil ko sa pagsasalita. "Oh siya sige, basta't huwag na huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo ha?"
Lumawak ang ngiti ko at yumuko sa kanya, naramdaman kong nagulat siya sa kilos na aking ginawa. "Maraming salamat po talaga!"
I hear my phone ringing. Kinuha ko ang phone ko mula sa aking bulsa at tinignan ko kung sino ang tumatawag.
I looked at aling Eliza. "Paano po ba 'yan? Mauuna na po ako?"
She smiled and nodded at me.
Pumunta na ako sa labas ng karinderya at sinagot ang tawag. "Hello Haven."
["Girl, nasaan ka na ba? 11:40 na, 20 minutes na lang malalate ka na!"]
"I'm sorry Haven, don't worry, paalis na ako," saad ko pabalik.
["'Di kita marinig! Nasaan ka ba ngayon at b-bakit ang ingay d'yan sa lugar mo?"]
"Nasa labas ako ng karinderya!" sigaw ko sa kanya.
["Ano naman ang ginagawa mo d'yan aber?"] tanong niya.
I spotted a jeepney from afar. Agad kong tinignan kung saan patungo ang jeepney at nang mapansin ko na dadaan ito sa Silangan ay dahan-dahan na ako sumalubong roon.
"It doesn't matter, ibababa ko na 'to, sasakay na ko sa jeep," ani ko.
["Hindi pa tayo tapos mag-"]
I ended the call, I put my phone inside my uniform's pocket.
Hindi nagtagal ay nakasalubong ko na ang jeep, hindi na ako nag-atubili na sumakay dahil alam ko na malalate na ako.
Just as I sat, I turned my gaze to the left side, I saw a boy wearing the same uniform as mine. I extend my hand towards him. "Bayad po paki-abot, sa East Hills lang po."
He glanced at me and for just a brief moment, everything went slow as his eyes locked with mine.
I felt my heart flutter, eyes widened as I met his sweet like chocolate eyes.
Am I smiling?
Iniwas ko kaagad ang paningin ko sa kanya. "Y-yung bayad, p-pakiabot," I mumbled.
I heard him giggle. The tips of his finger brushed my hand as he took the money away from me. "Bayad daw po kuya." His silvery voice filled my ears.
Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko, pinilit ko nalang alisin sa isip ko ang mga nangyari at naghintay na lamang na makarating sa East Hills.
Wala pang limang minuto ay nakarating na ako sa harap ng East Hills na sakto naman na pagtunog ng bell. Habang ako'y naglalakad pababa ng jeep ay napansin kong may mga hakbang rin na sumusunod sa akin.
BINABASA MO ANG
YOU
Teen Fiction"What holds you back from being you?" Shinelle Borromeo, a high school student, has always desired to become a dancer someday. Though, due to the problems she encountered in her everyday life, she believed that the ambition that she longed for so ma...