CHAPTER 6

4 0 0
                                    

Sorry, I'm Late

“Hi hun! Mukhang maganda ang gising mo ah.”

It has already been weeks since I was discharged from the hospital, medyo matagal-tagal rin ako roon nag-stay, I think it’s almost 2 months. Now is the time for school again and I’m currently packing my things to be ready later.

“Medyo, dahil araw-araw na kita nakikita dito sa bahay, mas nagiging kampante na ako.”

I forgot to include, mom’s boss has been living in our house since the day of my discharge although I haven’t agreed na siya ang magpapagawa ng artificial na paa ko. Hindi ko alam na titira siya dito sa bahay. Ano nga naman ang magagawa ko? Palagi namang ganito ang mga scenario sa bahay. Sila ang masusunod at ako ang susunod sa kanila. 

“Kumusta naman si Shine hmm?” saad ni Richard habang iniikot ang kanyang kamay sa baywang ni mama, his chest facing my mother’s back.

Mom sighed. “Ganoon pa rin, hindi pa rin ako pinapansin.” 

“Pabayaan mo lang iyon, lalapit din iyon sa atin, maghintay ka lang.” 

My mom smiled at him, showing him that his comfort reassures her slightly. 

Inabot ko ang saklay ko sa gilid at pinilit ko ang sarili kong makatayo sa sofa, at kahit masakit ay kinuha ko ang bag ko roon. “Ma, alis na ko!”

Nagkatinginan ag dalawa at nag-usap ng mahina. Tumingin muli sila sa akin, nagsalita ang lalaki. “Shine, ihahatid na kita-”

“No, Richard. I can manage.”

Bumulyaw si mama ng, “Shine! Ano ba ‘yang mga sinasabi mo?! Iika-ika ka na nga, nagmamagandang loob na nga ang tatay mo-”

“For the record, I no longer have a father so don’t expect him to be one.” 

Lalapit na sana si mama ngunit hinarang ito ni Richard, siya naman ang lumapit sa akin. “Look, I know you hate me and all but please, let me help you. Halos hindi ka na nga makatayo nang dahil diyan, ang haba-haba pa ng lalakarin mo papuntang waiting shed. I’m just worried about you okay? So please, don’t be stubborn just this once.”

I scoffed. Worried huh? “I really appreciate your concern but no. So please, can you let me leave?”

Tongue tied. Hindi sila nakaimik, they knew all along this would happen, it was expected. 

Kahit iika-ika na ay pinilit kong maglakad papalabas ng bahay. I know mataas ang pride ko, pero huwag sila mag-eexpect na magkakasundo kami nang ganon-ganon lang, not after what they've done to me. 

Patuloy pa rin ako maglakad, wala masyadong tao kaya naman ay kampante pa ko. 

Grupo ng mga dalagita ang nagkwekwentuhan sa may tabi, nang makita nila ako, agad silang nag-bulungan. Narinig ko pa ang isa sa kanila.

"Lumpo."

Naibaba ko ang ulo ko, nahihiya, natatakot. My heart aches. Hindi ko mapigilan ang mga luhang namumuo sa aking mga mata. Tama na yan Shine, ang drama mo. Please, get over it. Hindi naman sila makakatulong sa future mo, just move on. 

Mabuti na lamang ay nakasuot ako ng hoodie ay kung hindi ay makikita nila ang mukha ng isang kaawa-awang lumpo na naglalakad papuntang eskwelahan. 

I sighed, wiping my tears as I continuously walked towards the waiting shed, pretending to be fine.

Nang makarating ako ay tumabi ako sa babae na nakatayo sa loob ng waiting shed at gaya ng kanilang kinagawian, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, almost as if she was judging me. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon