Fallen Facade
What does freedom feel like?
Dali-dali kong kinuha ang baon at mga notebooks ko sa upuan. "Ma, papasok na po ako sa school!"
"Sige anak, mag–ingat ka sa pagpunta mo roon," sagot nito habang naghuhugas ng plato.
'Opo ma!" Patakbo akong pumunta sa pinto at hinawakan ang handle nito.
Nang tuluyan nang makalabas, isang matinis na tinig ang pumukaw sa aking atensyon.
"Girl!!"
Lumingon ako sa kinaroroonan nito at nakita ang isang babae na kumakaway sa'kin.
Agad akong sumigaw, "Haven!" Tumakbo ako sa kanya at sinalubong siya ng isang mahigpit na yakap.
Sumilay ang ngiti sa labi niya. "You don't know how much excited I am!" magiliw na saad nito. "Ang bilis-bilis ng panahon, 1st year highschool na kaagad tayo." Tumalon-talon siya na naging sanhi rin ng pagsabay ko sa talon niya.
Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang batok at tumingin sa gilid. "Medyo kinakabahan rin ako kasi siyempre sa East Hills tayo makakapag-aral."
Hinawakan ko ang kamay nito. "Haven, huwag kang kabahan, parang ito rin yung time na nagkakilala tayo nung grade 1."
Tumawa ito. "Hay nako! Buti na lang talaga naging scholar ako," saad niya. "Sa tuwing iniisip ko yung mga mangyayari, 'di ko maiwasan maging excited like, ano kaya itsura ng mga building sa loob, may mga club kaya? Or may sports fest?"
Nang dahil sa sinasabi ng kasama ko ay hindi ko rin maiwasang mailarawan sa utak ko kung may mangyayari bang mga ganoon sa hinaharap. "Tama na nga 'yang mga idinadaldal mo, malalaman din natin yan kapag nakatungtong na tayo sa school." sabi ko.
"Siya nga pala, nabalitaan ko yung grupo ng papa niyo nanalo sa contest nung nakaraan! Sikat na sikat talaga sila ano?"
Umabot ang ngiti ko hanggang sa aking pisngi. "Siyempre, sila papa e'!" Nilagay ko ang mga kamay ko sa aking baywang. "Kanino ba ko nagmana? E' di sa kanya."
"Pero seryoso, ang galing talaga ng papa mo sumayaw. Alam mo yung pagkakaexecute niya ng sayaw, meron talagang storya. Parang hindi man lang siya nahirapan o napagod man lang."
"Passion niya talaga ang pagsasayaw noong bata pa siya, normal na lang sa kanya yun ano." sagot ko sa kanya. "Hay, sana maging dancer din ako katulad ni papa."
Hinampas niya ang likuran ko dahilan ng muntik kong pagkatisod sa daan. "Girl, naniniwala ako sayo, go for it! Malay mo d'yan ka na sisikat!"
Pumikit ako at dinamdam ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig.
Sana...
Agad akong tumakbo mula sa kanya.
"Hoy! Bakit ka tumatakbo?!" sigaw nito.
"Mahuli sa waiting shed, asawa ni King Kong!"
Nakita kong nagulat ito at tumakbo papalapit sa'kin. "H-hoy! Saglit hintayin mo ako!!"
...
Ibinagsak niya ang mga papeles sa aking harapan, papeles na magdidikta sa aking mga grado.
She is glaring at me. I can tell by her eyes that she is dead serious right now.
"What is this Borromeo?"
I tried to answer, "Ma'am, I'm sorry I can expla-"
"Paulit-ulit na kitang nireremind tungkol dito, do you even want to become a 3rd year high school student?"
BINABASA MO ANG
YOU
Teen Fiction"What holds you back from being you?" Shinelle Borromeo, a high school student, has always desired to become a dancer someday. Though, due to the problems she encountered in her everyday life, she believed that the ambition that she longed for so ma...