Chapter 6

39 3 0
                                    

Chapter 6


Nice


MY PHONE was beeping insanely. Umungol ako nang muli itong tumunog sa may tainga ko. I groaned louder this time, just enough to wake my sleeping soul. "Hello..." inaantok ko pang sagot, nakapikit pa rin at mas lalong niyakap ang napakalambot na unan.

["I'm so done with you!!!"]

"Aw!" Nailayo ko tuloy ang cellphone ko sa aking tainga dahil sa matinis na boses ng nagsalita! Agad akong napabangon, itinuon ang pansin sa phone at nanlaki ang mga mata. "Tita Bea?! Bakit po?!" Natataranta na rin ako dahil sa tunog niya kanina, parang kay laking kasalanan ang nagawa ko!

["Hoo! Oh my God, kahit kailan hindi ako naging ganito ka-stressed noong mga anak ko ang inaalagaan ko! Pero nang naging manager mo ako, Jaydah, jusko, ayoko na! I'm packing up my things, I'm resigning! I'm so done with your bullshits-"]

"H-Ha? Teka, Tita, bakit?! What did I do?!" Bumangon ako. Napansin kong nakaitim na t-shirt ako. Medyo nanibago dahil wala naman yata akong damit na ganito kalaki... at kakaiba ang bango.

["Shut up! Wala na akong mai-reason out sa agency mo! Magre-resign na ako, maghanap ka ng ibang manager na kaya kang ipaglaban sa mga kasutilan mong bata ka!"] puno ng galit niyang bulyaw.

"H-Ha? Bakit-"

["Oh, sige, nasaan ka ngayon?!"] pahisterya niyang tanong kaya parang nagising na talaga ako ng tuluyan.

I looked around. I saw how different this room to my room! May mga hindi pamilyar na makalumang paintings sa kulay puting dingding. May chandelier... may antique na statue sa may gilid at masyadong malaki ang kama!

I sniffed. Amoy panlalaki!

Nasapo ko ang labi ko at nalaglag ang aking panga sa naalala.

"Take me with you tonight... Please..." My sensual voice echoed in my head that made my hair stand up in fear and realization.

"Oh my God!" sigaw ko at nagkukumahog na hinanap ang aking damit. I looked at my underwear. Jusko, salamat at suot ko pa naman! Pinakiramdaman ko rin ang aking katawan. Walang masakit sa akin, lalong-lalo na sa ibaba... Maayos naman ako, ah!

I then touched my lips. Normal naman ang tekstura! I didn't kiss anyone last night! I'm still a virgin, thanks God!

Natawa si Tita ng sarkastiko. May mga kaluskos sa background niya kaya baka nga nag-iimpake na at desidido na talaga sa desisyon!

"Tita, nasaan a-ako-"

["Aba, aywan ko sa'yong sutil ka! Kapag may nangyari sa'yo riyan sa kinarororoonan mo, huwag na huwag mo akong sisisihin! Kasasabi ko lang kagabi, ha, Jaydah, na huwag kang lumabas nang walang pahintulot o bodyguard! Oo na, hindi ka gaanong kilala pero delikado pa rin! Bahala ka na!"] Binabaan niya ako. I looked at my phone, dumbfounded. Sixteen percent remaining! Ha!

Naghalu-halo ang mga bagay-bagay sa aking isipan pero kailangan linisin ko ito nang makapag-isip ng tama at maayos! Una, magbibihis ako! Kaso, nasaan ang mga damit at sapatos ko?!

"Whose room is this, Jaydah? Katangahan mo!" pinagalitan ko pa ang sarili ko. But I realized, hindi ito ang tamang pagkakataon para sisihin ang sino man!

Lumuhod ako at yumuko para tignan ang ilalim ng kama. Malaki ang t-shirt, but it's not enough to cover my booty when I leaned over to reach for my dress under the bed! Naroon din ang pares ko ng stilettos!

With my one hand reaching my dress, and the other one pulling the hem of the shirt to cover my butt, the door suddenly opened.

"Got it!" Ngumisi ako ng malapad nang maabot ang damit saka sapatos. Tumayo ako ng maayos at agad na nagtama ang paningin namin ng isang lalaki.

Hiding from Your Love (Runway of Love #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon