Prologue

112 5 0
                                    

Prologue


"ARE you cheating on me?"

Nanindig ang balahibo ko sa paratang niya. Medyo may tama pa ang alak sa akin pero nawala iyon dahil sa tanong na iyon. Marahas akong tumayo at hinampas sa sahig ang purse ko. Narinig ko ang pagkabasag ng aking phone sa sahig ngunit wala na akong panahon pa para pansinin iyon.

"Ako pa talaga ang nagloloko rito?" I asked breathlessly.

Paano niya nasabi iyon? Buong... buong pagkatao ko, alam niyang pag-aari niya! Halos wala na ngang pagmamahal ang natira sa akin dahil naibuhos ko na sa pagpapakaboba ko sa kaniya, eh! Tapos... ganito?

He looked at me darkly. Ibinaba niya ang hawak na whiskey at nakapamaywang na tumayo. He looked at my shattered phone first, and then into my eyes.

"Did you think, I will not know about your fresh issue, Jaydah? You are fucking dating with that fucking singer!" Dumagungdong ang boses niya.

"What?! Issue iyon! Hindi ko kinumpirma! Ibig sabihin, rumor lang! Alam mong hindi ko magagawa iyon! Ano ka ba? Ganiyan ba kababa ang tingin mo sa akin? Cheater? Naging desperada na nga ako ng harap-harapan sa'yo, pagpapakahiya na iyon tapos magiging cheater bigla? Come on! This conversation is ridiculous!" sunod-sunod kong sigaw.

"Then, why can't you just confirm to the public that you two aren't dating?" hamon niya.

I groaned. "My reputation has already stained! Sa tingin mo ba maniniwala pa ang mga tao sa akin?! Mas lalo lang nila akong kamumuhian, so I prefer to remain silent and let the issue fade! But, I'm telling you, wala akong ibang lalaki!" I tried to approach him but my anger is too much.

"Gustong-gusto mo lang ng atensyon, simula pa lang. Didn't know you can cheat. Wala sa itsura mo." He smirked nonchalantly.

My jaw dropped at what he said. Matagal bago iyon naproseso ng utak ko.

Napahikbi ako. Sinubukan kong hampasin ang dibdib niya pero nahawakan niya ang aking palapulsuhan. Binawi ko agad iyon. "I know!" I ran my fingers through my hair and then I cried. Nanlaki ang mga mata niya.

I never thought, even in my wildest dreams that I would cry like this in front of someone.

Sa mga taon na kasama ko siya sa iisang bubong, hindi ko kailan man ipinakita na nasasaktan ako, na marupok ako, na nanghihina ako... ngayon lang... kasi sobra na ang paratang niya. Nakakasakit na...

"I badly want your whole fucking attention! Ayaw mong ibigay, 'di ba? Namilit ba ako?! Gusto ko lang naman na pahalagahan mo ako, ah? Hindi ko naman sinabing mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal ko sa'yo!" Parang baliw akong tumawa. "Ah! Oo nga pala, 'no? I begged you to accept me as your 'girlfriend'. Oo na! Ako na ang papansin, malandi, desperada rito! Ano? Tapos ka na ba? Sabihin mo na lahat ng gusto mong iinsulto, nahiya ka pa!"

Sobrang bilis ng paghinga ko. I gasped for air while I continue to cry. He bit his lower lip. Naghubad siya ng coat niya, na parang wala lang at pabagsak na naupo ulit sa sofa.

"Leave..." he said, almost a whisper. He didn't look at me again. He just poured another amount of liquor on his shot glass.

Well, what can I expect from him? S'yempre, hindi niya ako aaluin, hindi siya magso-sorry. He's heartless as fuck. He just doesn't love me...

"I really am..." Nabasag ang aking boses. "This time."

Napaangat siya ng tingin sa akin. Tumaas-baba ang aking balikat at tila nalukot ang puso ko. I already said this uncountable times everytime we're having fights. But I didn't do it because I can't leave him.

Hiding from Your Love (Runway of Love #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon