Chapter 17

24 2 0
                                    

Chapter 17


Offer


"JIEN," tawag ko sa kapatid ko. She's pulling me upstairs and I'm trying to calm her down.

Ayoko. Ayokong umuwi sa condo. Ayokong iwanan si Ferden dito.

"Ate," she whispered. Tumigil kami sa may grand staircase. "We need to go home. Mali itong pagtatago na ginagawa mo, na maski kami ay hindi nakakaalam! Alam mo bang halos mamatay-matay si Tito kakahanap sa'yo? The public will not know about this, we will just find you a new condo unit so-"

Umiling ako ng mabilis. Sa wakas ay nabitawan niya na ang aking kamay. "I will go and fix this mess with you all. Hindi ako tatakbo sa problemang ito. But I will not leave Ferden here-"

"What?!" Inirapan niya ako. "Ano'ng problema, Ate? Gustong-gusto mo ba talaga ang lalaking iyan na hindi mo na maiwan-iwan? Kayo na ba?" Ramdam ko ang panggigigil niya.

"That's n-not it, Jien! Uuwi ako ngayong gabi! For days, I will stay at our condo to fix all of these accusations and all! Haharap ako sa publiko kung kinakailangan at sasamahan ko si Tito! But I will not leave Ferden alone again..." Lumunok ako saka umiwas ng tingin.

"You'll get hurt... You know his reputation to girls for sure. Sasaktan ka lang niya." Humina ang kaniyang boses at nanginig.

I looked in her eyes intently. "But he will be left alone here again, crestfallen, if I won't come back..." I shook my head and went upstairs with light footsteps.

Para akong nakalutang pagkatapos ng lahat ng usapan na iyon. Hindi ako makapaniwala na ganoon lang kadali sa akin na baliwalain ang nakasanayan at kapayapaan ko, hindi ko lang siya tuluyang iwanan.

I won't mind the pain I'd get from being ignored by him. Ang mahalaga sa akin ay hindi maulit ang nakaraan niya — na iniwan siya ng babaeng nakasanayan niyang makasama. Hindi naman sa sinasabi kong nasanay siya na narito ako sa paligid niya, but I just don't want to remind him about his past. Iyon lang. Plain and simple.

Kumuha ako ng maliit na duffle bag at nilagay roon ang iilang damit at sapatos na puwede kong magamit sa mga susunod na tatlong araw.

Pagkatapos ay bumaba na ako at hinanap ng mga mata ang aking kapatid. She's talking seriously with Ferden. Siya lang naman ang medyo tensyunado, pero si Ferden ay kalmado lang na nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Ate..." She cleared her throat. Sabay silang tumingin sa akin.

Ferden looked at me coldly when he noticed the bag I'm holding. Napailing ang kapatid ko nang matantong kaunting damit lang talaga ang dala ko.

"Can you leave us alone, Jienter? May pag-uusapan lang muna kami bago tayo aalis," I croaked.

Nariyan ang pagtutol sa reaksyon ng kapatid ko pero umalis pa rin siya at lumabas ng bahay. I followed her with my gaze, and when she completely disappeared from my sight, I turned my gaze to Ferden.

I licked my lips. "Babalik ako," I informed him.

He looked at my bag again. "Yeah..." tanging nasabi niya.

"Tatlong araw lang akong mawawala, Ferden," sabay ngisi. "So if you want me gone, you failed. Hindi na ako mawawala rito sa mansiyon mo. Baka pa nga bukas, pupunta ako rito ng hapon... Depende sa mood ko," I said lightly.

"I don't want you gone," Ferden whispered absent-mindedly. Ayan na naman iyong magsasalita siya na iisang punto lang ang pinapatamaan sa dami ng sinabi ko.

Hiding from Your Love (Runway of Love #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon