Chapter 24

26 4 1
                                    

Chapter 24


Cheat


"BA'T nakasunod ang lalaking 'to? Tang ina..." bulong-bulong ko sa sarili habang nagmamaneho.

Tawagin niyo na akong makapal ang mukha para magreklamo sa may-ari ng sasakyang ginagamit ko papuntang ospital pero nakakairita na talaga itong lalaking 'to! Sabing huwag akong guluhin, eh!

Inapakan ko ang preno at padabog na lumabas. Nakita kong huminto siya sa likod lang ng sasakyan na tinangay ko mula sa kaniya.

"Ano ba!" salubong ko agad.

"Where the fuck are you going?! Anong oras na-"

"Sabi ko, hayaan mo muna ako!" untag ko at inirapan siya. Bumibilis na naman ang paghinga ko sa inis.

He stepped closer. "Hayaan, Jaydah? Look at you! Paano kung madisgrasya ka riyan?! Ang tigas ng-"

"Shut up! May pupuntahan lang ako!" Tatalikod na sana ako pero nahila niya ang aking braso.

"I'll go with you," agap niya, kalmado na bigla at umamba pang papasok na sa sasakyan na ginamit ko. I groaned in extreme frustration and harshly pulled his keys out of his hand. Napahinto siya. "Come on..."

"Kung papasok ka riyan, doon ako sa isa mong kotse. Stop annoying me, Ferden," malamig kong sinabi.

He sighed. Mukhang kaunti na lang talaga ay magwawala na siya sa irita sa akin. "I just wanna go with you. Saan ka ba pupunta?"

And his calm voice irritates me more! Bakit ang kalmado niya, eh, iniinis ko nga siya, 'di ba?! Damn it!

"Ayoko. Gusto kong mapag-isa-"

Nasa harapan ko na siya sapagka't naharangan niya na ang pintuan ng kotse niya. Bibigwasan ko na sana kaso nagsalita siya.

"Baby, is this about Gyrome? You're going to him?" He looked at me blankly.

Umiwas ako ng tingin. I wanna explain that to him. Pero ayoko hangga't hindi niya sinasabi sa akin ang tungkol sa text niya kanina. Para akong timang kung ako ang magbubukas ng topic na iyon. Nasabi ko na. Masyado na akong desperada at ayokong mas palalain pa iyon. Kaya sa ngayon... hahayaan kong siya ang kusang magsabi tungkol doon... Kung talaga ba'ng...

At hindi niya ako madadala sa pa-baby niya!

"Kapag sumunod ka, hindi mo na ako makikita..." Matalim ko siyang tinitigan sa mata. His eyes widened a fraction. His lips parted a bit and I ignored how my heart hurt at his shocked reaction.

Binato ko sa dibdib niya ang susi at bumalik ako sa loob ng sasakyan. Rumagasa agad ang mga luha ko. Na para bang ako ang nabugahan ng mga salitang iyon.

"Bakit ba ako ang nasasaktan, ha?! Siya naman ang iiwan, ah?! Ako ang mang-iiwan... Puta, ang sakit..." Humagulgol ako.

Kumalma lamang ako nang nasa labas na ako ng asylum.

Siguro didiretso na ako rito buong gabi. Paano ba naman kasi ay nababaliw na ako sa iba't-ibang emosyon na nararamdaman. Ngayon, iba talaga ang pakiramdam ko sa boses ni Doktora.

Buong-lakas akong pumasok at dumiretso sa opisina niya.

Her eyes met mine. Napalunok ako. "D-Doktora?" I gave her a small smile. Hindi siya gumanti. Iyon ang senyales na mukhang tama ang hinala ko.

May hindi magandang nangyari.

"Huwag ka sanang mabibigla," she started meaningfully.

I immediately shook my head. "N-No. Doc, ano iyon... H-Hindi..."

Hiding from Your Love (Runway of Love #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon