Chapter 9

23 3 0
                                    

Chapter 9


Why


PAGKARATING sa ospital na sinabi ni Thena sa mensahe, para akong nakalutang nang tumakbo. Hindi ko alam kung gaano ako kabilis nang tinakbo ko ang desk. Basta ang napansin ko, ang pagmumura ni Valderom at ang paghila niya sa aking siko.

"Calm down, damn it-"

"Jienter Viontour, Nurse?" mahina kong tanong sabay tapik sa desk. May ch-in-eck ang nurse sandali sa isang papel at sinabi kung nasaan ang kapatid ko.

"Emergency room, Ma'am..." she said.

Agaran ang pagtakbo ko, hindi inalintana ang takong ng aking sapatos. Valderom followed, still holding my elbow as support. Pagkarating sa emergency room, nagkalat ang media! Malutong akong napamura!

"Damn it!" I hissed and my mind puzzled more. Hindi na ako makadaan dahil sa napansin na nila ako, agad na tumuon ang camera at microphone sa akin! "Please, move, I need to check on my sister-"

"Excuse us," si Val at hinawi ang mga reporter.

"Jaydah, how's your sister's condition -"

"Damn it! I don't know so move! Kailangan ko siyang makita! Damn, media!" putok ko sa galit at nakalusot na sa gitna. Si Val ang dinumog nila pero wala na akong panahon pa para lingunin siya. "Nurse, papasukin niyo ako!" sabi ko. Luckily, pinagbuksan nila ako.

I immediately saw Jienter lying on the white and huge hospital bed. May sugat sa kaniyang hita, siko at may bandage ang ulo. She's conscious! God, thank you!

"Ate!" Nanlaki ang mga mata niya. Lumapit ako, inayos ang hibla ng buhok sa likod ng aking tainga at hinaplos ang pisngi niya. "Pumunta ka pa! Ang daming media sa labas-"

"N-No... Okay ka ba? Napaano ka? Nabangga? Saan? Jusko, Jien, mamamatay yata ako ngayon... Okay ka lang-"

"Kalma, Ate... Ayos lang ako, galos lang at bali sa kamay. Ayos lang ako. Hey, sit here." Tinapik niya ang gilid ng kama. Walang pag-aalinlangan akong naupo roon, nakadikit ang mga mata sa kapatid. I caressed her cheek again and I trembled.

"Napaano ka ba?" Nanginginig pa rin ako.

"Galing akong school, kinuha ko card ko. Nabangga... Uh..." She pouted. Hingal na hingal pa ako, parang galing marathon pero kalmante na ang puso. Salamat naman at bali lang!

"Miss Viontour..." malalim na boses. I jumped a bit. Nakalimutan kong may doktor palang nakatayo sa gilid namin. Inayos ko ang aking postura at hinarap ang doktor. "She's fine. Tapos na namin siyang i-X-ray at CT scan. She's fine... Kailangan lang na malinis ang sugat niya."

Tumango-tango ako. "S-Salamat po... She will be staying here in hospital, Doc?"

"She will for the meanwhile for a better assist. But she can also go home but a nurse must be needed..."

"She will stay here, Doc. Kung iyon ang..." sabay tingin kay Jienter na nakanguso pa rin. "Mas makabubuti sa kaniya."

Nagpaalam ang doktor. Ililipat mamaya si Jien sa room niya anito kapag wala na ang media at ako'y napapabuntong-hininga na lang na naupo ulit. "Dito ka muna pansamantala hanggang sa humilom ang malalalim mong sugat. At ako na ang bahala. Mananagot ang may gawa-"

"Shh! Ate..." Hinila niya ang aking braso. Sa pagtataka ay kinunutan ko siya ng noo.

"Ano? Jien, hindi ito biro. Mananagot talaga ang bumangga sa'yo! Tatanga-tanga, putang-"

Hiding from Your Love (Runway of Love #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon