We were once a happy and sweet couple. He was the captain of their basketball team while I was just a normal girl who doesn't belong to any school clubs.He was my classmate but we never talked because he was kinda popular.
Until one day, we became group mates.
Pogi talaga siya kaya marami ang nagkakagusto sa kaniya. Siguro iyon ang isa sa mga rason kung bakit ayaw ko siyang magustuhan.
Nagtaka na lamang ako noong ilang araw matapos ang group project namin ay kinukulit pa rin niya ako, pero not in a way na nakakainis ang pangungulit niya.
At dahil doon, ay naging center of attraction na rin ako.
Months later, we became a couple.
Halos lahat yata sa school namin ay alam ang relasyon namin.
But it all ended up when I broke up with him.
"Let's break up," I told him.
Napatigil siya sa pag-inom ng kaniyang tubig at tumingin sa akin. Magka-salubong ang mga kilay. "Pang-ilang beses mo na 'yan sinabi sa akin ah?"
"At pang-ilang beses ka na rin na hindi nakikinig," sagot ko.
Tumayo siya upang magpantay ang aming mga tingin. Ang kaniyang mga pawis ay tumutulo pa sa kaniyang katawan. Katatapos lang kasi niya mag-practice ng basketball.
"Bakit gusto mo makipag-break? Okay naman tayo Claire ah."
I sarcastically laughed. "Pagod na ako, Lucas."
"Pagod? Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Basta! Ayoko na, okay? Break na tayo."
Kinuha ko ang sling bag ko at tumalikod na sa kaniya, ngunit bago pa man ako tuluyang maka-alis ay hinila niya ang braso ko.
"What's wrong with you?" inis na tanong niya.
"Wala. Kaya p'wede ba? Bitawan mo na—"
Pabato niyang binitawan ang braso ko at saka siya suminghal. He also frustratedly brushed his hair with his fingers. "Diyan ka naman magaling, ang mang-iwan. Kaya pala walang nagtatagal sa'yo."
Napa-irap ako sa kaniyang sinabi. "Huwag kang mag-malinis. Alam kong may gusto ka sa girl bestfriend mo!"
Pinigilan ko ang sarili kong umiyak dahil sa aking sinabi.
"Ha?! Baliw ka ba?!" tanong niya. "Anak ng pucha, Claire! Kaibigan ko lang 'yon!" dagdag pa niya.
"Ah talaga ba?! Sa tingin mo, kaibigan lang ang tingin niya sa'yo?!"
Sandali siyang tumigil para pakalmahin ang sarili.
"Mahal—"
"Mahal mo mukha mo!"
Umirap siya." Fine! Kung ayaw mo na, edi ayoko na rin!" inis na aniya at naglakad na paalis.
"Tanginang buhay 'to!" dagdag pa niya.
And this is how our relationship ends.
BINABASA MO ANG
Fall Again
RomanceI'm Claire Ferrer, just a normal girl. And he's Lucas Villafuerte, the captain of their basketball team. We became a couple, but not for so long. Our relationship ended in the most toxic way. And after 2 years, we met again. And the worst part is, h...